12. Jershey Number 3

275 19 14
                                    

KC's POV

Byernes, nagtaka ako kung bakit magkausap si Stephen at Kuya Reggie. Gusto sana naming lumapit pero nakakahiya. Ayoko na siyang kausapin. Tanggap ko nang ayaw niya sa'kin. Pero siya parin naman ang laman ng isip ko.

"KC!" Teka tinatawag ako ni Kuya Reggie. Nakatingin sila sa'kin.

Wala na akong nagawa pa kundi lumapit na. Kasama ko si CJ at Rachel. Pag-lapit ko ay nagpaalam na si Stephen. Pinahalata pa niya talaga na ayaw niya akong kausapin. "Bakit?" Tanong ko. "Bakit mag-kausap kayo?"

"Ah wala. Secret." Tanggi niya.

"Hoy Kuya ah. Galingan mo. Sa Lunes na ang opening. Aabangan namin kayo."

"Oo tama. May laban na kami. Kaya kailangang present kayo."

"Sino'ng kalaban niyo?" Tanong ni Rachel.

"Nasa bracket kasi kami ng mga mahihinang team. Kahit dumagdag ako, hindi parin kami tinuring na malakas. Nalamangan kasi kami ng AI ng 20 points noong pre-match. Kaya malakas agad ang makakalaban namin. ANHS."

Nabigla ako. Ang aga naman. ANHS agad. "Ganun ba?" Malungkot kong sagot.

"Nakakainis ah." Sabi ni Rachel. "Dapat mahina muna."

"Ganun talaga kaya kailangan ng full support. Alam na ng mga teacher ang gagawin."

"Tapos malakas agad. Ang laki-laki ni Russel."

"Kailangan kasing ang malalakas na team ang maglaban sa huli. Sige, uuwi na ako. Wala kaming practice ngayon."

"Bakit ilang araw na kayong walang practice?" Tanong ni Rachel.

"May secret training kami, sa Sunday ang pahinga namin. Aasahan ko kayo ah."

Umalis na siya. "Yan ba ang may crush sa'kin?" Tanong ni CJ.

"Ewan, nasa kaniya na ang number mo eh." Sabi ko. Lumabas kami.

"Ni hindi nga ako tignan. Nakakainsulto ah." Reklamo pa ni CJ. "Tara, punta uli tayo sa AI."

"Hindi ka ba tinitext?" Tanong ni Rachel.

"Inadd lang ako and hindi naman nagtetext o chat."

"Hintayin mo lang." Sabi ko naman.

"Hindi ko naman hinihintay. Okay lang naman kung sa emergency lang niya ako kontakin. Baka nga para sa important cause lang 'yun."

Lumabas kami ng school. "Pero halata ko na tumitingin siya sa'yo lagi." Sabi ni Rachel.

"Huwag kang mang-intriga." Pumara kami ng jeep para magpunta sa AI.

"Paano kung magtext o magchat siya? Sasabihin mo ba?" Tanong ko kay CJ.

"Oo naman. Pero wala 'yun. Hanggang friend lang kami if ever na tama nga ang hinala niyo."

Habang nakasakay na kami sa jeep ay nakita namin ang kabilang jeep na puro estudyante dahil nagsisigawan. Kumakaway pa. Teka parang may nakita silang isang sikat na estudyante. Napansin kong lumabas pala si Ate Mykee. Kinawayan din sila nito. Sikat parin siya sa lahat. Kasi ibang school ang laman ng jeep na 'yun. Hindi na namin masyadong pinansin dahil kausap namin si Ate Mykee kanina lang sa gym. Mga volleyball player ang madalas na nasa gym lately.

Bumaba kami. Bumili kami ng pagkain. "Kayo na naman!" Narinig namin ang pamilyar na boses habang bumibili.

"Jeremiah?" Sabi ni Rachel. Oo siya nga. Kilala namin siya.

"Napadpad na naman kayo dito?" Tumingin siya kay CJ. "Manonood ka ba sa Lunes?" Tanong niya dito.

Si Rachel na ang sumagot. "Oo pero school namin ang panonoorin namin."

High School Superstars [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon