1. Who's That Pokemon

942 38 21
                                    

Kassandra's POV

"KC!!" Boses ni Rachel. Salamat naman. Lumingon ako. Nagtaka ako kasi may kasama siyang babae. Tumaas ang kilay ko paglapit nila. "KC, bagong classmate natin." Tinuro niya ito.

"Ah okay. Bakit kasama mo siya?" Tanong ko lang tapos nginitian ko ang babae. Maganda siya. Masarap makatropa dahil pansinin talaga. Sana mabait siya.

"Sa'kin siya binilin ni Ma'am Ramos."

"Hi." Bati ng babae. "Ako nga pala si Cristine."

"Ako naman si Kassandra, KC na lang for short." Pakilala ko at nagkamay kami. Napansin ko si Rachel na parang inis. Naglalakad na kami papuntang room. "Bakit ba para kang badtrip ngayon?" Tanong ko kay Rachel.

"Kainis kasi, parang ako lang ang section Truth. Ako pa talaga ang inabangan para samahan siya." Tinuro niya si Cristine. Napansin kong nag-alala ang itsura ni Cristine. Nag-alala naman ako.

"Ano ka ba? Alam mo naman na tayo ang kaclose ni Ma'am." Tumingin ako kay Cristine. "Okay lang 'yun. Huwag mo na siyang pansinin." Sabi ko na lang kasi baka mainis. Hindi naman niya kasalanan.

"Ewan! Nakita mo ba ang itsura niya?" Tinignan ni Rachel si Cristine. Sinusundan ng mata niya ang bawat bahagi ng katawan nito. Ang OA nito. Napakamot ako ng ulo. "Ang ganda ganda niya. Sa tingin mo, mapapansin pa ba tayo?"

Nginitian ko si Cristine para iparating sa kaniya na tutol ako kay Rachel. "Cristine, hindi siya seryoso." Sabi ko. Tumingin sila sa'kin.

"KC, seryoso ako."

Hinila ko siya. Hindi pa kasi siya kilala ni Cristine. Baka ma-offend agad. "Ano ka ba, advantage ang magkaroon ng katropa na maganda." Bulong ko. Pero parang hindi bulong dahil rinig din naman ni Cristine. Sinadya ko 'yun para iparating na hindi kami seryosong tao. "Sisikat tayo sa school dahil maganda siya. Sisikat siya panigurado. Madadamay tayo. Ayaw mo ba nun? Oras na maging katropa ka ng sikat, sikat ka na."

Napaisip si Rachel. "Oo nga no."

Nakatingin lang si Cristine sa'min na parang sinasabi ng isip niya ay, 'Ang weird naman nila.'

"Ah Cristine, sumama ka sa'min. Okay na siya. Palabiro lang siya talaga." Sabi ko at hinawakan ko sa braso si Cristine. Naglakad kaming tatlo.

"Okay lang." Ngumiti ng matamis si Cristine. Ang ganda niya naman. Nakakainggit. "Marunong naman ako tumingin kung hindi seryoso ang tao. Alam kong nagpapatawa lang siya." Tumingin pa siya kay Rachel.

"Oo naman. Nagpapatawa lang ako. Basta lagi mo kaming isasama ah. Tropa mo kami." Nabigla ako sa sinabi ni Rachel.

"Oo naman!" Ngumiti na naman si Cristine.

"Hoy babae!" Bulyaw ko kay Rachel. "Hindi pa nga tayo sure kung papayag siyang maging kaibigan natin!" Nakatingin sa'kin si Cristine na parang nalilito. Naglalakad parin kami. "Malay mo, ayaw niya sa ugali natin!"

"No, hindi." Tanggi ni Cristine. "Friendly ako. At halata naman na mababait kayo."

"KC talaga. Kontrabida!" Inakbayan ni Rachel si Cristine. "Tama ka! Super! As in, super mabait kami."

Haaay naku! Pumasok kami sa room. Hindi na kami nagtaka kung may bago kaming classmate. Actually, first day of school ngayon. Nakakapagtaka ba? Kasi tatlong section lang ang meron kami. Mula first year hanggang ngayong third year na kami ay kami-kami parin ang magkakaklase dahil block section. Kaya kung may nadagdag man ay it means, kundi galing ibang section ay transferees. At dahil bagong mukha si Cristine ay transferee siya. Ako nga pala si KC. Kassandra Cardona ang full name ko kaya pinangalanan akong KC. At ang best friend ko ay ang timang na si Rachel. Napaka komidyante niya. Ewan. Kung hindi mo siya kilala ay maiinis ka talaga. Pero sa mga nakakakilala sa kaniya ay kadalasan, sanay na kaya hindi na lang siya pinapansin. We're in section Truth. Last section sa tatlo. Palibhasa kasi, wala nang gaanong nag-eenroll sa school namin ay hindi na ako magtataka kung tinanggap ang mga estudyanteng late nang mag-enroll. Pero the best ang school ko. Sira nga lang sa mga tao. Akala nila ay bagsakan ng mga kick-out ang school namin kaya walang gustong mag-aral. Nasira na dahil siraan talaga. Wa pakels lang naman kami. Ang mahala ay totoo kaming natututo. Pero syempre malungkot kami dahil apektado talaga ang school.

High School Superstars [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon