4. Peaceful World

347 25 10
                                    

Stephen's POV

Umuwi ako. Kakapagod. Napansin ko ang pinsan kong si Micko na nakatingin sa'kin. Bakit kaya nandito siya? "Steph, andiyan ka na pala." Sinalubong niya ako.

"Bakit nandito ka?" Tanong ko habang naglalakad papasok. Weekend lang kasi kami nagkikita.

"Naisipan ko lang dumalaw. Kwentuhan. Wala kaming pasok bukas, dito ako matutulog."

Hinayaan ko lang siya na sundan ako hanggang kwarto. Isang sakay lang naman ang bahay nila. Medyo close kami kaya minsan dito siya natutulog. Umupo siya sa kama ko habang hinuhubad ko ang polo ko. "Magkaro'n ka lang talaga ng libreng oras, hindi mo talaga sasayangin ah." I said at ngayon ay nakashorts na lang ko.

"Sayang eh. Wala naman akong gagawin sa bahay. Ayokong kasama 'yung mga tao sa lugar namin."

Binuksan ko ang laptop ko. "Mas gusto kong mag-aral kapag may oras."

"Grabe ka naman. Basketball tayo. Medyo tumangkad ka ngayon ah pansin ko." Hinayaan ko lang siyang magsalita. Tumingin ako sa notification ko. Mabuti na lang at hindi ako inadd ng ibang classmate ko. May naalala ako.

Kinuha ko ang bag ko. Binuksan, inilabas ko 'yung cupcake na bigay sa'kin ni classmate. "Micko, gusto mo?" Hinagis ko sa kaniya 'yung cupcake.

Sinalo niya. "Thanks. Tara basketball tayo." Yaya niya habang kinakain ang cupcake.

"Mamaya na." Tanggi ko. Gusto ko nang kalimutan 'yang basketball. Gusto kong gumaya kay Daddy. Wala nga namang mapapala sa basketball. Swertihan lang pero kapag pinag-igihan ko ang pag-aaral, sure na may mararating ako. At isa pa, nakakasawa na ang sigawan sa paligid ko.

"Panigurado, sasali ka na naman sa school no?" Tanong niya.

"Hindi mo ba alam kung bakit ako lumipat ng school?" Tinignan ko siya.

"Bakit nga ba?"

"Para mabura ang ala-ala ng basketball sa'kin. Walang nakakaalam sa school namin ngayon na player ako noon. Naiintindihan mo ba?"

"Ang galing mo pa naman. Libangan lang. Sikat na sikat ka 'di ba? Ayaw mo nun?"

"Ayoko nun. Tahimik na buhay ang gusto ko. Oo inaamin ko, gusto ko ang basketball. Pero iba na ngayon. Nagbabago din pala." Sumandal ako sa upuan at tumingin sa taas. "Bata pa ako alam ko. Pero ganitong stage yata nalalaman kung ano talaga ang pangarap ng isang tao. Napagtanto ko na hindi basketball ang gusto ko." Tinuloy ko ang ginagawa ko. Mas active ako sa Twitter para tahimik. Masyadong public sa Facebook.

"Kung ako lang nasa kalagayan mo.." Humiga siya sa kama. "Itutuloy ko ang pagbabasketball. Hindi naman kasi ako magaling."

Ngumiti ako. "Maglaro ka ng maglaro." Tumayo ako. "Tara, manood na lang tayo ng Tv." Mamaya ko na gagawin ang mga assignment. Masaya din naman ako na nandito si Micko. May kasama ako. Ako lang kasi ang tao dito kasama si Mommy. Hindi kasi dito ang talagang bahay namin. Minsan wala pa siya dahil sa trabaho. Sinamahan lang niya ako dito. Naiintindihan naman nila ang dahilan ko kaya pumayag silang lumipat ako dito sa Agusto. Para makapag-aral maigi. Gusto kong kalimutan ang dati kong school. Nakakatamad.

Kinabukasan. Pumasok ako. Binati agad ako ng tatlong babaing classmates ko. "Hello Stephen." Bati sa'kin nung medyo mataba.

"Hi." Matipid kong tugon.

Umupo ako. Maaga pa naman. Nag-uusap lang sila. "Stephen, kwentuhan naman tayo." Sabi naman sa'kin nung isang kasama. Lumapit pa.

"Ah sige." Wala akong masabi. Nakakahiya naman tanggihan.

"KC, narinig mo? Kwentuhan daw. Tara na." Teka, parang ako pa ang lumabas na nagyaya ah.

"Kapal mo talaga, Rachel." Sabi nung medyo mataba. KC nga pala ang name niya.

High School Superstars [On-going]Where stories live. Discover now