7. Annoyance

292 22 6
                                    

Rachel's POV

Hawak ko ang phone ko habang kampanteng nakaupo sa loob ng kwarto. Kachat ko si KC.

KC: Hindi pa inaccept ni stephen yung friend request ko nakakainis

Me: Malamang ayaw niya kasi baka ichat mo siya ng ichat

Patay na patay talaga si KC kay Damasco. Hindi ko na din alam ang gagawin ko. Nagbukas ako ng notebook para gawin ang assignment. Pero nagreply uli siya.

KC: Bukas ah. Samahan mo ako. Kausapin natin si stephen. Medyo harutin mo ako para madikitan ko siya

Me: Sira ka talaga. Baka lalong mainis sayo yun

Pero may nabasa na naman akong chat.

CJ: Kailan tayo babalik sa AI?

Naalala kong Friday nga pala uli bukas. Sakto. Tryout din kaya baka maaga ang uwian dahil sa hapon ito gaganapin.

Me: Bukas nalang. Namiss mo ba si jeremiah? hahaha!

Pero matagal nga pala siyang magreply kaya nilock ko muna ang phone ko. Hanggang dumating na naman ang kinabukasan. "Friday naman ngayon, Ma. Malelate uli ako ng uwi ah." Paalam ko sabay alis para pumasok.

Sa gate pa lang nakita ko na si KC at Cristine. "Bakit ngayon ka lang?" Tanong agad ni KC.

"Ang aga-aga pa eh. Sipain kita!" Bawi ko.

"Kanina ka pa namin hinihintay. Andiyan na si Stephen."

Sabi ko na nga ba. Stephen na naman. Pagpasok namin ng room ay napansin ko agad si KC na lumapit kay Stephen. "Hi." Bati agad ni KC.

"Hello." Balik nito. Umupo agad kami.

"Hoy Cardona, ayan ka na naman." Sabi ni Resty.

"Bakit ba?"

"Mamaya manood ka ah."

"Bakit?"

"Maglalaro ako."

Nagtanong ako. "Sasali ka sa tryout?"

"Oo naman."

"Feeling mo naman matatanggap ka?" Inirapan ko siya.

Dumating si Oyo. "Ako nga pinapasama din eh." Sabi nito.

"Sasama ka?" Tanong ko.

"Hindi na. Ubos oras lang 'yan."

Oo nga pala. Mabarkada siya. Marunong pa naman siyang magbasketball at matangkad. Kailangan yatang laging aattend ng practice game kapag natanggap na. "Sa'kin okay lang. Sana matanggap ako." Sabi ni Resty.

"Sana nga matanggap ka para meron sa room natin ang varsity." Sabi ko.

"Kailan ba interhigh?" Tanong ni Cristine.

"Sa next month na." Sagot ni KC. "Sana makapanood ako. Gusto ko uling makita si Herrera. I'm sure sila na ang magchachampion."

"Makakalaban ko 'yun." Sabi naman uli ni Resty.

"Sure ka bang matatanggap ka. Kaliit-liit mo." Pataray ko.

"Pag natanggap ako 'who you' ka sa'kin."

Nagtawanan kami. "Okay lang. Baka bangko ka lang ikaw pa ma 'Who you' ko."

Napansin kong lumapit na naman si KC kay Stephen. "Sama ka sa'min mamaya manood?" Yaya nito.

"Wala naman yata akong choice eh." Sagot ni Stephen. Napatawa kami ni CJ.

"Hindi ah. Pwedeng umuwi na. Busy kasi lahat."

High School Superstars [On-going]Where stories live. Discover now