3. Consciousness

457 26 13
                                    

Kassandra's POV

Nakaupo kami ni CJ. Umupo na din 'yung bago naming classmate at nagbuklat ng libro. "Siya na nga 'yun." Bulong sa'kin ni CJ.

"Ang pogi ah." Sagot ko habang nakatingin sa kaniya. Nasa likod kasi kami.

Maya maya lang dumating na si Rachel. "Oh!" Napansin niya agad 'yung bago naming classmate tapos dahan dahan naglakad papunta sa'min. "CJ, siya na ba si Damasco?" Tanong nito.

"Oo siya na."

At ang ibang classmates namin ay napapansin siya. Unti unti na kaming dumami. Nakakapanglambot naman. Hindi ko inaasahan na ganito ang feeling. Tahimik lang ako. Halos si Rachel at CJ lang ang nag-uusap. Nakapila na kami sa flag ceremony. Mga classmate ko panay ang sulyap kay Damasco. Syempre ako din. Ang hirap pala. Stunning talaga ang kagwapuhan niya. Pero tingin ko, hindi ganito ang nararamdaman ni CJ kasi sanay na siya.

"Pards." Bati ni Resty kay Damasco. Tinapik pa siya sa balikat. Buti pa sila, may dahilan. Paano ako mapapansin ni Damasco?

Hanggang bumalik na kami sa room dahil tapos na ang flag ceremony. May mga nalate na kaya ngayon lang nakapasok. Napapansin talaga nila 'yung bagong classmate. Feeling ko sinasabi ni Damasco na 'Ang hirap maging bago.' Awkward sa katayuan niya.

"Dre, medyo maingay kami." Bati ni Resty kay Damasco. Ngumiti lang naman ito. "Sa una lang medyo maiinis ka. Pero kapag-tagal-tagal, masasanay ka na."

"Hoy Resty!" Bulyaw ni Rachel. "Pumapapel ka na naman!"

"Huwag ka ngang makialam!" Ganti ni Resty.

"Nagmamarunong ka pa. Given na 'yun. Alam na niya 'yan kasi hindi na siya bata." Sanay na naman kami sa ganitong sagutan ni Resty at Rachel.

"Ikaw 'tong pumapapel eh. Crush mo lang 'yan!"

"Wala ka kasing alam!"

"Hindi sa sinasabihan kitang abnormal, Rachel. Ang alam mo lang kasi makialam. So, ikaw ang pumapapel." Lagot, inaasar na naman niya. Tawanan lang sila. Si CJ nakitawa na din.

"Bukod sa pagkocross-over mo, ano pa ba ang alam mo!!" Tumaas na ang boses ni Rachel.

"Magjumpshot." Nagtawanan ang mga kasama niya. "Magdribble between the legs, between the legs shaffle, spider drill!" Nagtawanan ang lahat kasi umaarte pa si Resty na nagbabasketball.

"Pilosopo ka!" Ganti ni Rachel.

"Tinatanong mo kung ano pa ang alam ko eh. Ikaw, bukod sa bago nating classmate, sino ang susunod mong lalandiin?!" Ayun, napikon na si Rachel. Kinuha 'yung ruler niya. Hinabol si Resty. Nagtatawanan lang sila samantalang ako, seryoso. "Rachel, umayos ka ah!" Ang kapal kasi ng ruler ni Rachel. Naghahabulan parin sila. "Feeling special child ka na naman." Hanggang sa makorner siya. Nagtatawanan lang sila. "Aray!"

"Tumigil nga kayo!" Sinaway sila ni Oyo! Bumalik si Rachel sa upuan na naiinis. "Ang hilig magharutan nitong mga 'to." Umupo si Oyo sa sandalan ng upuan. Inayos ng polo niya. Wala talagang makapalag sa kaniya.

"Yan lang naman si Rachel ang mahilig mangharot." Sabi ni Resty kaya sumama na naman ang tingin ni Rachel.

"Tumigil ka na kasi, ibibitin kita!" Kunyaring galit na singhal ni Oyo kay Resty.

"Ibitin mo nga 'yan!" Sabat ni Rachel.

"Isa ka pa." Tinuro siya ni Oyo. "Pareho ko kayong ibibitin." Tumahimik na lahat. Wala pang teacher. "Wala ba kayong napapansin?" Tumingin kami lahat kay Oyo. "Kahapon lang ako ang pinakagwapo ngayon hindi na."

Naghiyawan ang lahat sa sinabi niya. Kasi may bago kaming classmate. Palabiro din kasi si Oyo. Pero hindi ko magawang makipagsabayan sa kanila. Nakakainis ang ganitong feeling. Hay, sana mawala na 'to. Nahihiya kasi ako kay Damasco. "Boss, sunday kahapon, walang pasok." Sabat ni Resty. Tumingin sa kaniya si Oyo.

High School Superstars [On-going]Where stories live. Discover now