14. Stephen Gets On

289 20 2
                                    

KC's POV

Naglalakad kami papunta sa gym. Magsisimula na ang laban. Napansin namin na may mga player din na balak manood. Humiwalay na kami kila Danielle kasi doon kami sa team namin uupo. Biglang may tumawag sa'min.

"Hooy!" Napalingon kami kasi halata naman na kami ang tinatawag. "Cristine!" Ay si Jeremiah pala.

Nakita namin siya na lumapit. "Hoy Jeremiah, ikaw ba 'yan?" Tanong ni Rachel.

"Sino pa ba?"

Biglang lumitaw sa likuran niya ang dalawa pang Jeremiah. Nakatingin lang sa'min. Kamukhang kamukha niya.

"Mga kapatid mo ba sila?" Medyo lito pang tanong ni Rachel. Nakatingin din kami. Hindi namin mahuhulaan kung sino si Jeremiah sa kanila.

"Hindi ko sila ka-ano-ano, may laban kami mamaya. Manood kayo ah." Nakatingin na naman siya kay Cristine. Sinong maniniwala na hindi niya ka-ano-ano ang dalawa?

Alam ko na. Madali lang malaman kung sino si Jeremiah. Ang cool lang nung dalawang kapatid niya. Nakatingin lang.

"Sige try namin." Sagot ni CJ.

Ang daming nakatingin sa kanila kaya pati kami nadadamay. Mukhang totoo ang sinasabi ni Jeremiah na sikat siya sa school nila.

"Sila ba 'yung sinasabi mo?" Tanong ng kapatid ni Jeremiah sa kaniya.

"Oo sila nga. Taga SJA sila kaya nandito sila ngayon."

Lumapit 'yung isa sa'min. "Ako nga pala si Jordan." Nakipagkamay siya sa'ming tatlo. Inakbayan siya ni Jeremiah.

"Kapatid ko 'yan!" Pagmamalaki pa nito. Mukhang mas madaldal nga si Jeremiah kaya madali namin siyang makikilala.

"Ako naman si Jerson." Pakilala naman nung isa. Puro sila letter J. "Ako nga pala ang pinakamagaling sa tatlo." Talaga?

Tinitigan siya ni Jordan. Nakatingin lang kami. "Siguraduhin mo lang na madadaig mo ako." Sagot nito.

"Teka muna." Awat ni Jeremiah. "Alam naman natin na ako ang pinakamagaling sa team."

"Sira ka ba?" Angal ni Jerson. "Ang dami mo ngang errors."

"Hindi kaya, kayo ang palpak lagi."

"Mamaya na kayo magtalo."

Teka nagtatalo silang tatlo. Mukhang parepareho sila ng ugali. Ang hirap hulaan. "Manood ka mamaya ah." Lumapit kay Cristine 'yung isa. Si Jerson yata."

Nalilito na kami. Biglang may dumating na matangkad na lalaki. "Andito lang pala kayo." Nakita ko si Russel.

"Teka muna, may kausap kami." Sabi naman ni Jordan.

"Hi Russel." Bati ko. "Player ka na pala ng AI."

"Oo." Tumingin siya sa'kin. "Mga wala kasing silbi ang mga ito kaya napilitan akong lumipat."

Sumama ang tingin sa kaniya ng tatlo. "Hoy kapre, ang yabang mo talaga." Angal ni Jeremiah. Siya ang number 8.

"Tinatawag kayo ni Coach kaya sumama kayo sa'kin." Hinila niya ang tatlo at lumayo na sila.

"Mamaya ah." Habol ni Jeremiah.

Napakamot ng ulo si Rachel. "Number ano ba si Jordan?"

"Number 23 yata siya kasi number 23 si Michael Jordan 'di ba?" Sabi ko.

"Nakakainis naman. Magkakaproblema pa tayo. Hayaan na nga sila."

Tinawag na kami ng Teacher kaya pumunta na kami sa upuan namin. Lahat kami mga naka-itim. "Gusto kong malaman kung anong number si Jordan, nakalimutan ko." Sabi uli ni Rachel.

High School Superstars [On-going]Where stories live. Discover now