6. Close To You

306 23 6
                                    

Rachel's POV

Lumabas kami ng room dahil kailangan naming lumipat. Kaniya kaniya kasi kaming course sa subject na Vocational Electives. Nahati sa tatlo ang section namin dahil may Home Economics, Drum and Lyre at Electronics.

"Sana pala electronics na lang ang kinuha ko." Reklamo ni KC.

"Pwede ba KC, huwag kang patay na patay kay Damasco naman. Nakakainis ka na." Pasungit ko. 

"Oo nga KC." Sabi naman ni CJ. "Makikita mo pa naman siya after nito 'di ba PE natin."

"Oo nga kaso syempre mas enjoy 'yung every hour ko siyang kasama." Ngumiti pa si KC.

"Pareho din 'yun." Sabi ko. Umupo kami sa room. Magkakatabi kami. May kasama kaming ibang section kaya sakto naman ang dami namin kahit konti kami sa section namin. "Ang tanong, kasama ka ba niya?" Duktong ko. Super OA na kasi ni KC.

"Syempre kasama ko siya. Classmate nga 'di ba?"

"I mean, gusto ka ba niyang kasama?"

Kinalbit ako ng CJ. Nakita namin na medyo lumungkot ang itsura ni KC.

"Yabang mo naman." Medyo naawa ako sa kaniya.

"Joke lang." Umakbay at ngumiti ako.

"KC, naiintindihan namin na humahanga ka sa kaniya.." Sabi ni CJ. "Pero maging kalmado ka at sana huwag mong ipahalata. 'Yun na lang ang tanging laban natin sa mga lalaki. Kaya may mga lalaki na mababa ang tingin sa'tin kasi ganiyan tayo. Imbes magustuhan tayo sana."

Nakikita namin ang lungkot sa mukha ni KC. "Oo tama. Lumaban tayo." Sabi ko lang.

"Kasi naman eh. Ang daming nagkakagusto sa kaniya miski ibang section. Malamang marami na siya ngayong kakilala doon. Masaya akong nakikita siya. Gusto kong maging kaibigan siya kaso paano ko magagawa kung hindi ko siya papansinin. Paano na ako? Mamamatay sa selos sa iba kasi kaibigan na niya sila tapos ako walang ginagawa."

Nagkatinginan kami ni CJ. "Ah kwan kasi.." Hindi maipaliwanag ni CJ.

"Kung ayaw sa'yo edi huwag. Wala na tayong magagawa." Sabi ko sabay tinitigan ako ni CJ. Nakita namin na malungkot si KC.

"Eh kasi maganda ka CJ. Baliwala sa'yo 'yun. Ikaw naman Rachel, hindi mo ramdam ang nararamdaman ko." Malungkot na namang sabi ni KC.

Haay naku.

"Ah hindi sa ganun.." Tumawa lang si CJ. "Baka hindi lang ako nagkakacrush sa ngayon."

Tinitigan ako ni CJ. Mukhang gusto niyang sumaya si KC. Ngayon lang kasi siya nagkaganiyan. Kung wala si CJ, pa'no kaya kami? Malamang mamatay sa lungkot si KC.

"Sige, sasamahan ka namin mamaya." Sabi uli ni CJ.

Ganun?

Natapos ang subject. Pabalik na kami ni CJ. Medyo humiwalay sa'min si KC dahil kasama niya ang ibang classmates naming naglalakad.

"Rachel, sakyan na lang natin si KC. Kawawa naman." Sabi niya sa'kin.

"Kainis kasi. Laging bukang bibig si Damasco. Naiirita ako."

"Mawawala din 'yan huwag kang mag-alala. Ngayon lang kasi 'yan. Sakyan muna natin para ma-inspire siya."

"Sige na nga. Hay naku. Nagkakacrush ako pero hindi ganiyan."

Napansin namin na pinuntahan kami ni KC. Kasama uli namin siya papasok ng room. "Andiyan na si Stephen." Ngumiti siya.

"Hayaan mo muna siya." Sagot ko.

"Kakausapin ko siya." Bigla siyang lumapit nang umupo si Stephen. Hindi na namin napigilan. "Hi Stephen."

Tumingin ito sa kaniya. "Why?"

High School Superstars [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon