23. Volleyball Girls

13 1 0
                                    

Sigawan ang lahat ng mga estudyante bukod sa mga dumayo. "Grabe naman. Natumba lang siya foul na." Reklamo ni Stephen.

"My body contact kayo!" Dahilan ng referee.

"Malay ko ba na ganiyan pala kahina 'yan?" Binirahan ni Stephen ng alis. Nakatingin lang sa kaniya ang player na nakascore kanina lang. Tinignan siya ng masama nito. Napansin ito ni Reggie.

"Bro, dayo tayo dito. Huwag mainitin ang ulo." Bulong nito kay Stephen.

"Huwag kang matakot. Iinisin ko lang sila." Sagot ni Stephen. Umiling lang si Reggie.

Sumablay ang isang libreng tira. Sinalo agad ni Stephen ang bola dahil sa kaniya ito papunta. Pilit ito inaagaw sa kaniya kaya pinasa niya ito kay Reggie. Itinakbo na ni Reggie ang bola at huminto din dahil dumipensa agad ang kalaban.

"Akin na ang bola." Nakarating na pala si Stephen. Pinasa agad sa kaniya at itinira niya sa tres. Sumablay.

Kaya nang makuha ng kalaban ang bola ay agad ipinasa sa tumatakbo palayo. Hinabol ito ni Stephen pero huli na. Nailay-up na ang bola. Sigawan na naman ang lahat.

12 - 2 ang score.

"Ano ba 'yan?!" Reklamo ni Rachel. "Konti na nga lang tayo dito, natambakan pa."

"Hahabol tayo, huwag kang maingay diyan." Sabi ni KC.

Tumawag ng time-out ang coach nila. Kaya bumalik sa bench ang mga player. Binigyan agad ni KC ng tuwalya si Stephen. Nginitian lang siya nito. "Nasaan ang bimpo ko?" Tanong ni King.

"Eto na boss." Ibinigay ito ni Rachel.

"Thanks." Tumingin ito kay KC. "Yung isa diyan, porke crush niya, naging alalay na siya."

Nainis si KC sa narinig niya dahil alam niyang siya ang tinutukoy ng kuya niya. "Pinagsasabi mo? Usapan 'to hindi kung ano lang."

Bumelat lang si King. Nagsalita ang coach nila. "Dipensa kayo." Sabi nito. "Mukhang pinaghandaan nila ang play nila. Huwag niyong papabayaan na may mauuna na isa. Fastbreak ang ginagawa nila. Kaya niyo din 'yun pero tandaan niyo na mapapagod kayo. Tindihan niyo ang dipensa. Gumawa na tayo ng play diyan pero parang tamad na tamad kayo. Hindi nasa huli ang effort, sa una kailangan din 'yan."

"Opo, Coach." Sagot ni Stephen at tumayo. Bumalik agad siya sa gitna. "Ganun a." Bulong niya sa sarili. "Effort pala."

Nagsimula uli. Dumipensa na agad ang kalaban. Nagdidribble lang si Resty at nakaabang ang lahat. Pumasok si Stephen sa loob at inihagis ni Resty ang bola sa kaniya. Tumalon naman si Stephen para abutin ang bola. Sinalo niya ito at nilay-up. Pumasok.

Sigawan sila sa bench at tahimik ang lahat. Maya maya ay naagaw ni Stephen ang bola at agad itinakbo sa court nila. Libreng libre, isang slamdunk ang ginawa niya at tumingin pa sa mga nanonood habang tumatakbo ng patagilid.

"Booooo!" Sigaw ng mga mag-aaral sa Saint Peter.

"Ang yabang mo!!" Sigaw ng isa.

-

"Ang galing niya." Sabi lang agad ni KC.

12 - 6 ang score. Dumidepensa uli si Stephen. Tinutok niya talaga ang mga mata niya sa bantay niya hanggang sa pinasa na nga ang bola dito. Pilit itong lumalayo sa kaniya pero nakuha niya ang bola mula sa mga kamay nito. Sa makatuwid, naagaw niya ang bola kaya agad binabawi ang bola sa kaniya pero naihagis na niya agad sa tumatakbo na si Resty ang bola. Nalibre ito dahil eksakto ang pasa niya. Ni-lay-up nito ang bola at pumasok. 12 - 8 na ang score kaya tahimik ang buong paligid. Lumipas pa ang ilang minuto ay napako na sa 12 ang kalaban dahil sa tindi ng dipensa nila. 28 - 12 ang score.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 22, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

High School Superstars [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon