18. 5 Minutes Remaining

43 1 0
                                    

Nagsigawan na naman ang mga mag-aaral ng ANHS. Lamang na ang ANHS. 78 - 77.

"Unang pa lang mainit na ang laban." Sabi ng ilang mga estudyante na nasa dulo.

"Nakakatamad nga lang, dadayo pa tayo ng ibang school para makapanood ng laban nila." Sagot ng kausap.

-

Sa SJA na ang bola. Binababa ni Resty ang bola habang binabantayan ni Melvin. Maya maya lang pagdating ng half court ay natapik ni Melvin ang bola. Kapwa hinabol ni Resty at Melvin ang tumalsik na bola. Mas naunang nakakuha si Melvin dahil natumba si Resty. Sigawan ang mga tao dahil tinakbo na ni Melvin ang bola. Nalibre ito dahil walang dipensa. Agad ni-lay-up ang bola. Pumasok ito. 80 - 77 ang score.

Nadismaya si Stephen sa nangyari. "Lamang na sila. Mag-ingat ka naman." Sabi nito. "Ako na ang kukuha ng bola."

"Sorry." Bukod tanging salita na binitawan ni Resty.

-

"May problema ang SJA." Sabi ng isang teacher na nanonood.

"Ano 'yun?" Tanong ng kausap.

"Hindi pa pinagpapahinga si Stephen Damasco at si Reggie. Kapag napagod 'yan sila, mawawalan sila ng gana. Lamang na ang ANHS."

Nakatingin lang ang Coach ng SJA kay Stephen habang hawak nito ang bola. "Alam na niya ang gagawin." Bulong sa kaniya ng assistant niya.

"Gusto niyang manalo." Sabi ng Coach.

Dala ni Stephen ang bola. Hindi makaagaw si Markie. Hinanap ni Stephen si Reggie. Nakita niya na nagpunta ito sa ilalim pero hindi niya dito binigay ang bola. Lumabas ito at lumapit sa kaniya kaya pinasa niya agad. Isang kakampi nila ang pumasok sa loob na nag-cut. Pinasa dito ni Reggie at agad naman nakuha. Bantay ito ni Gringgo. Pumasok ito sa loob at tinira ng isang kamay ang bola. Hindi pumasok at narebound agad ng ANHS ang bola.

"Kainis!!" Sabi ni Rachel.

Malungot din si KC at CJ.

-

"Mahihirapan magset ng play si Stephen." Sabi naman ng isang guro. Maraming guro ang nanonood. Mga Coach ng ibang paaralan.

"Oo nga." Sang-ayon ng kausap. "Kailangang bumalik sa kaniya ang bola kapag pinasa niya para makascore siya. Kung hindi niya ipapasa ang bola, mapapagod siya dahil siya ang titira."

"At isa pa, sobrang tindi ng dipensa ng ANHS. Kailangan talagang suportahan ng Point Guard nila dahil mas magaling ang Point Guard ng ANHS. Dehado na ang SJA ngayon."

Hawak ni Markie ang bola at dineretso sa loob. Isang lay-up ang ginawa nito kahit sinabayan ni Stephen. Pumasok ang simpleng lay-up. Sigawan na naman ang mga estudyante ng ANHS at ilang taga-hanga nila. 82 - 77 ang score. Lima na ang lamang ng ANHS.

Nagtime-out anf SJA.

Lumapit sila sa Coach. "Stephen." Tawag nito para turuan ng gagawin. "Dipensa ka at jumpshot. Huwag ka na makipag-agawan ng bola sa rebound o makipag patayan para makascore." Tumango lang si Stephen. "Si Reggie ang magdadala ng bola at hindi ikaw. Lagi mong isipin na makatira ng maayos sa labas at kapag nagawa mo na, bumaba ka na para sa dipensa." Tumingin ito kay Reggie. "Ganun din ang gawin mo. Kailangang hanggang lima lang ang lamang nila pag pumasok ang limang minuto. Pag pumasok ang limang minuto, saka kayo kumayod ng kumayod. Wala kayong kapalitan kaya hindi niyo dapat pwersahin. Naiintindihan niyo ba?" Tumingin ito sa ibang player. "Maghanap kayo ng libre para matakot silang mapasahan kayo. Marurunong naman kayo kaya kung sakaling mabigyan kayo ng magandang pasa, huwag niyong sayangin."

-

Coach naman ng ANHS ang nagsalita. "Markie, bigyan mo ng daan si Damasco sa loob. Huwag mo siyang patitirahin sa labas. Papagudin mo siya. Lamang na tayo."

High School Superstars [On-going]Where stories live. Discover now