"Ma'am Marie, mag-isa lang po kayo uuwi?"

Tumungo siya rito.

"Hindi po ba kayo natatakot ma'am? Mag-isa lang kayo uuwi tapos babae pa kayo. Baka po mamaya kung anong mangyari po sa inyo. Dapat talaga nagstay pa kanina si Sir Kurt at hinatid kayo."

Natigilan siya sa sinabi nito. Memories suddenly flash on her mind. Napapikit siya ng mariin ngunit agad din napamulat ng mga mata.

"I can take her home."

Napalingon siya sa kanyang likuran at parang nakakita siya ng angel nang makita ang lalaking nakatayo sa harapan niya. Hindi niya napigilan ang hindi mapangiti ng makita ang nakangiti nitong mga labi.

"Cole." Lumapit siya sa kaibigan at niyakap ito.

"Hi Clara." Gumanti naman ng yakap si Cole.

"How are you? Ang tagal mong hindi nagpakita sa akin," tanong niya pagkatapos kumawala sa mga yakap nito.

"I'm fine, Clara. Umalis lang ng bansa kaya hindi ako nakapunta ng ilang araw. Pero bago ako pumunta ng U.S pinuntahan pa kita rito sa shop mo at sabi nila nagbakasyon ka daw."

Nawala ang ngiti sa sinabi nito. Sinabi nga ng staff niya na may naghanap sa kanya ng mga panahon na nagkulong siya sa bahay. "Ganoon ba. Sorry ha. Biglaan lang kasi iyong bakasyon ko. Bakit ka pala nandito?" tanong niya.

"Ma'am Marie," tawag ni Carlo na nagpalingon sa kanila ni Cole. Yumuko ang staff niya. "Una na po ako ma'am. Ingat po kayo sa pag-uwi." Tumingin ito kay Cole at magalang na yumuko.

"Sige na Carlo. Ingat ka sa pag-uwi."

"Maraming salamat po ma'am." Yumuko lang ulit ito kay Cole bago sila iniwan.

"Napadaan lang ako. May meeting ako malapit dito kaya na isipan kong puntahan ka. Nagbabakasakali rin ako na baka nandito ka na."

Ngumiti siya sa kaibigan. "Ah... Kung ganoon katatapos lang ng meeting mo?"

Tumungo si Cole at kinuha ang kanyang bag. "Halika na. Hatid na kita."

"Dala ko ang kotse ko," aniya

Ngumiti si Cole. "Let me ride you home. Ipapakuha ko na lang ang kotse mo sa secretary mo."

Alangan siyang ngumiti sa kabigan. "Naku! Wag na, Cole. Baka maka-abala ako sa inyo."

Ngumiti lang si Cole at tinalikuran siya. Agad siyang sumunod sa kaibigan. Cole didn't change at all. He won't take 'no' as an answer. Hindi naman kalayuan sa shop niya ang kotse nito. Isang itim na BMW ang kotse ng kaibigan. Alam niyang mayaman ang pamilya ni Cole. May ari ang pamilya nito ng iba't ibang uri ng inumin. From distilled water to the very expensive wine, name it and they have it. Ang alam niya ay may-ari din ang pamilya nito ng isang grape yard sa Europe. Meron din negosyo ang mga ito sa U.S. Sabi nga nila, maswerte ang babaeng pag-aalayan ni Cole ng pag-ibig nito. Nasa lalaki na kasi ang lahat. Mayaman, matalino at gwapo. Trixie is very lucky to have Cole in her life.

Inalalayan siya ni Cole na makapasok ng kotse. Napatingin siya sa loob ng kotse nito. Sobrang linis noon at amoy na amoy ang natural na bango ni Cole. Nanoot sa kanya ang amoy nitong panglalaki. Wala sa sariling naipikit niya ang mga mata. Napasandal siya sa upuan ng kotse. Para siyang dinadala sa langit dahil sa amoy nito.

"Hey! Are you okay, Clara?" tanong ni Cole.

Bigla siyang napamulat at napatingin sa kay Cole. Salubong ang kilay nitong nakatingin sa kanya. Waring nagtataka ito kung bakit ganoon ang kilos niya. Bigla siyang nailang at nahiya sa ginawa. What's happening to her? Bakit ganoon siya?

THE GIRL IN RED DRESS (Cousinhood Series 1)Where stories live. Discover now