11.9 [E] (2)

6.6K 158 8
                                    

Daryl's POV

"Ah!" nasabi ko nang makita ko ang mama ni anae na bumababa sa hagdan. "Magandang umaga po."

Nginitian naman niya ako at lumapit sa'kin.

"Pagkagising ng anak ko, uuwi na kami ha," rinig kong sabi niya kaya natigilan ako sa pag-aayos ng mga plato.

"Po?" tanong ko. "Eh, dito na po kayo kumain."

Kinuha niya ang hawak kong plato at pinatong sa lamesa.

"Gusto ko sanang ipagluto siya ng agahan," sabi niya ng nakangiti.

"Ah, ganon po ba..." sagot ko at tiningnan ang niluto kong mga pagkain.

Nabigla naman ako nang hawakan niya ang mga kamay ko.

"Ingatan mo ang anak ko ha?"

Tumango ako kaya ngumiti siya.

"H'wag na h'wag mo siyang sasaktan," sabi pa niya ng mahinahon bago pa ako makatingin kay anae na mukhang kakagising lang din.

Dahan-dahan niyang inalis ang pagkakahawak niya sa mga kamay ko.


Charice POV

"Gising ka na, Cha?" rinig kong sabi ni mama.

Napansin ko naman ang mga pagkain sa lamesa.

"Uuwi na kami ha," sabi ni mama kaya napatingin ako kay Gosu. "Salamat sa pagpapatuloy sa'min."

"Wala po 'yon," sagot niya.

"Pasabi na lang sa mga magulang mo na salamat ha," sabi pa ni mama.

Nakita ko namang napatingin sa'kin si Gosu at tumango.

"Hatid ko na po kayo," alok pa niya.

"Naku, salamat," sagot naman ni mama.

Dali-dali namang naglakad papalabas si Gosu at pinasunod kami sa kanya.

Tahimik lang naman ako sa buong byahe habang kinukwentuhan ni mama si Gosu ng mga kung anu-ano.

Napapatingin na lang ako sa mukha ni mama pag naririnig ko ang pagtawa niya sa mga pinagkwekwento niya.

Hindi rin naman nagtagal ay nakarating na kami sa bahay.

Pagkababa ko, nilingon ko agad si Gosu at nag hand gesture na nagpapaalam kaya ngumiti siya sa'kin.

"Thank you," sabi ko ng walang boses.

"I love you," sagot naman din niya ng walang boses.

Ngumiti ako sa kanya hanggang sa umalis na din siya.

Pagpasok ko naman sa bahay, nakita ko si mama na naghahalikwat sa kusina.

"Naku!" rinig ko pang sabi niya. "Wala na palang mga sibuyas!"

Napatingin naman ako sa orasan at nakita kong malapit ng mag 7 AM.

"Hindi kaya kayo ma-late?" tanong ko at lumapit sa kanya.

"Aalis lang ako para mamili ng grocery," sabi niya na parang di ako narinig.

Wala naman akong nasabi at pinagmasdan lang siya.

"May gusto ka bang bilhin ko?" tanong niya pa.

Tumingin lang ako sa kanya. Nakita kong inaantay niya ang sasabihin ko.

"May gusto ka bang lutuin ko?"

I'm Dating the Ice Princess (Revamped)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon