3.6 [C]

9.1K 255 1
                                    

Part 6.

Charice POV

"Hi," bati sa'kin ni Nikka kaya napatingin lang ako sa kanya.

Buhay pa pala 'to? Ano kayang kailangan nito?

Maya-maya, lumapit na din 'yung Maria.

"Hinahamon kita Ice. Sumali ka dun sa event!" paghahamon niya- out of the blue.

Napatingin naman ako kina Bianca. Pansin ko rin ang pagtingin sa amin ng ibang estudyante na nakain sa cafeteria.

Bakit ba napaka-agaw eksena nito lagi? Masyado ata siyang mahilig manuod ng teleserye. Kahit pagsasalita kasi parang kontrabidang aktres sa teleserye eh!

"Oh?! Di ka makasagot? Naduduwag ka?" sabi pa niya.

Di ko na sana siya papansinin kanina kaso nag pintig 'yung tenga ko.


Bianca's POV

Namuo tuloy ang kamao ko sa sinabi ni Maria kay Cha. Bakit ba sa dinami daming salita na pwedeng sabihin, duwag pa ang sinabi niya?

Isa sa pinaka-ayaw na word yun ni Cha eh. As for the reason, hindi ako sure pero siguro... may kinalaman 'yun dun sa hinayaan niya lang na mamatay yung papa at kapatid niya? Lagi niya 'yun napapanaginipan simula bata pa kami eh at narinig ko na siya dati na nagsalita sa panaginip ng "hindi ako duwag!"

"Naduduwag ka?" ulit pa ni Maria at humalukipkip pa.

Nakita kong inilagay ni Cha yung kamay niya sa bulsa niya at tumingin kay Maria.

Tiningnan niya lang 'to ng malamig.

Umalis na lang si Cha pero nakalagay pa rin yung kanang kamay niya sa bulsa.

Napansin ko namang bubuhasan sana ni Maria si Cha ng chocolate drink na hawak niya. Pero bago pa niya magawa 'yon ay napigilan ko na siya at tiningnan ng nakakamatay na tingin.

"Sigurado ka d'yan sa gagawin mo?" sabi ko. "Baka magsisi ka."

Binitawan naman ni Maria 'yung baso at umalis na.

Tumahimik tuloy ang cafeteria.

Kainis 'yun ah?!

Sobrang haba talaga ng pasensya ni Cha. Kung ako siguro baka nasampal ko na 'yon.

Sinundan naman namin si Cha.

"Kainis 'yun ah!" inis na sabi Layzzah.

"Ang sarap sabunutan!" sabi naman ni Kimberly.

"Makakasampal din ako don!" dagdag pa ni Prances.

"Tahimik muna kayo," sabi ko habang hinahanap namin si Cha.

"Nasan na ba si Cha—" rinig kong tanong ni Angelli.

Napatigil naman sila sa paglalakad. Tiningnan ko rin ang mga reaksyon nila.


Prances POV

Hala, ba't may basag na pader sa back garden ng school?! Napalunok tuloy ako ng laway ko. Teka... may dugo pa ata dun sa pader?!

"Guys, tara na kaya?" yaya ko. "Baka akalain ng iba, tayo 'yung sumira nung pader!"

Nilapitan naman ni Bianca si Cha na malapit sa may pader. Nakita ko rin mata niya guys. Nilamig tuloy ako!

Nakita kong inabutan ni Bianca si Cha ng panyo pero parang tinago ni Bianca 'yung kamay ni Cha.

Hindi ko na lang tinanong kung anong nangyari.

I'm Dating the Ice Princess (Revamped)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon