5.9 [S]

7.8K 289 58
                                    

Part 9.

Daryl's POV

Andito ako sa tabi ng upuan ni anae ko. Nasa school ako, btw. Di ako mapakali kasi malapit na mag 7 AM ay wala pa rin siya.

Sabi ko naman kasi susunduin ko siya sa bahay nila eh. Ayaw niya nga lang pumayag kasi sabi niya pag pumunta daw ako, kukunin niya yung kwintas at itatapon!

Andito nga pala ako sa room nila kasi officially, kaklase ko na siya. Nagpalipat ako ng seksyon tutal may karapatan na ko. Iniwan kaya sa'kin ni Honey ang school so may administrative rights na rin ako.

Pumayag din naman ang parents ko basta daw ma-mamaintain ko pa rin ang grades ko.

Ang ingay nga lang dito ngayon kasi parang dumadami 'yung nasa labas ng room nila anae.

"Anae!" tawag ko nang makita kong pumasok si anae sa room.

Nakita kong nagtataka siya, "Bakit ka andito?"

"Ayaw mo ko kasama?" tanong ko.

"Ayo—"

"Expected!" agad kong sabi. "Pero whether you deny it or deny it, kaklase mo na ko."


Charice POV

Seriously, na'san si Bianca? Absent ba siya ngayon?

Dumating na 'yung prof namin sa Calculus pero wala pa rin siya. Okay lang ba siya?

Tiningnan ko katabi ko. Nasa upuan din siya ni Bianca! Pa'no na si Bianca pagpasok?

At speaking of, ang sama ng tingin ni Maria Charice sa'kin.

"Turn to page 31 and answer A-D," rinig kong sabi ni Ma'am.

Napansin kong nakakuha na pala sila ng workbook kaya napakuha na rin ako nung sa'kin sa bag.

Napatingin naman ako sa orasan. Malapit na kaya mag time, ba't may activity pa kaming sasagutan?

Sinubukan kong sagutan 'yung mga problems pero sheyt, ang hirap. Hindi kaya ng brain cells ko.

Napatingin ako kay Gosu na kanina pa atang nakatingin sa'kin. Problema nito?

"Ma'am!" rinig kong sabi ni Gosu. "Assignment?"

"You want to make this activity to be an assignment?" tanong ni Ma'am.

"Yes, I want to teach my wifey," sabi ni Gosu.

What? Wifey naman ngayon?

"Yihhhhhhhhh!" asar naman ng mga kaklase ko.

Pag sa ganun naman, kagagaling.

"Magandang umaga mga magaganda at may mga itsurang nilalang?" bungad naman nung guro namin sa Filipino.

"Magandang umaga din po!" bati namin sa kanya.

"Kayo'y maaari nang umupo," sabi ni Sir kaya umupo na kami.

Naglakad muna at uupo na sana siya dun sa silya na para sa prof pero tumigil siya kasi nakita nya si Gosu.

"Aba! Napakaswerte nating lahat sapagkat may bago pala tayong makakasama."

Lumapit si Sir malapit kay Gosu, "Maaari ka bang magpakilala?"

Nakaupo lang si Gosu at nakatingin lang kay Sir. Hindi niya ata narinig.

"Ano daw?" bulong sa'kin ni Gosu. "Ang bilis niya magsalita, di ko maintindihan."

"Introduce yourself daw," sabi ko naman.

Napatingin lang sa'kin si Gosu. Tumingin din siya kay Sir. "Seriously?"

"Ngunit datapwa't subalit ako ay nagbibiro lamang," agad na sabi ni Sir kaya natawa ng konti ang mga kaklase ko.

"Joke lang daw," agad kong sabi nang mapatingin ulit siya sa'kin.

Nagsimula namang magdiscuss si Sir. Pinag usapan lang namin ang buong summary ng Noli Me Tangere. Saka na daw kasi 'yung by kabanata.

"1/4 mga bata! May mabilis tayong pagsusulit," anunsyo niya.

Binigyan naman ako ng papel ni Kimberly at sinulat ko agad yung name ko. Napansin ko namang hindi gumagalaw si Gosu at nakatunganga lang.

"Kim, pahingi pa nga," sabi ko kay Kimberly atsaka binigay 'yung papel kay Gosu.

Humiram pa nga ng ballpen si Gosu sa'kin bago pa siya naglagay ng name niya dun sa papel.

"Unang bilang: Sino ang pangunahin o ang bida sa Noli Me Tangere?"

Nagsusulat ako nang tumingin sa'kin si Gosu.

"Anong sagot?" tanong niya.

"Ang dali kaya," sabi ko.

"Eh hindi ko maintindihan eh" sabi naman niya.

Sa huli, binigay ko sa kanya 'yung sagot. I mean mga sagot pala. Lahat kasi hindi niya alam.

#1 - Crisostomo Ibarra
#2 - Maria Clara
#3 - Padre Damaso
#4 - Elias
#5 - Sisa
#6 - Jose Rizal
#7 - Tiya Isabel
#8 - Crispin
#9 - Basilio
#10 - Filibustero

Yan yung sinabi ko sa kanya. Pero nung nag exchange ng paper para sa checking, iba 'yung nakalagay sa papel niya.

#1 - Crisostomo Barbara
#2 - Maria Clara
#3 - Padre Damasew
#4 - Elle yas!
#5 - Seesa
#6 - Jose Rizal
#7 - Tiya Isabelle
#8 - Chrispine
#9 - Basil yo!
#10 - Filivusteroe

Pilit kong pinipigilan ang sarili kong 'di tumawa. Lalo na kasi 'yung number 3. Kala ata damasew kasi ang nasabi ko kanina damasu.

Habang inaantay niyang tawagin 'yung pangalan niya ay nakatingin pa rin siya sa papel niya.

"Consider mo na 'tong #7," rinig kong sabi niya kasi 2 points lang siya sa quiz.

"Wrong spelling wrong nga daw," sabi ko naman.

"Malapit na naman eh," sabi pa niya at ngumuso.

Tinitingnan pa rin naman niya hanggang ngayon kung ano 'yung mga mali niya. Naghahanap siguro ng pwe-pwedeng ipa-consider.

And just now, I discovered that he doesn't know how to spell Filipino names and some Tagalog words.

This makes me want to know more about him.

I'm Dating the Ice Princess (Revamped)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon