7.3 [E]

6.8K 226 6
                                    

Part 3.

(Two hours ago)

Third Person's POV

<NOW PLAYING: Bastarz (Block B) - Zero For Conduct>

Tinaldyak ni Endou ang upuan sa may open space na parte ng tambayan nila kaya napatingin sa kanya ang mga kasamahan niya.

"Hindi pa rin ba niya tinatanggap 'yung invite mo sa monthy match?" tanong ng isa sa mga ka-grupo ni Endou sa CSP.

Naiinis na umupo si Endou sa isa pang upuan at tumagay sa iniinom na alak ng mga kasamahan niya.

"Akala ba niya, porke't mas mataas ang rank niya sa'yo eh mahina ka na para sa kanya?" sabi naman ng isa pa kaya natahimik si Endou.

"Hindi na naman 'yon pumupunta sa UB eh," sabi pa nila kaya napainom na lang ulit si Endou. "Sinigurado na niya agad na walang makakahabol sa points niya eh."

Natigilan ulit sa pag-inom si Endou sa alak niya at lalo niyang naisip kung paano siya magiging makapangyarihan kung matatalo niya ang kasalukuang rank 1 sa UB area na si First King ng The Five Kings.

"Look who's here," banggit nung isa kaya lumingon si Endou sa tinitingnan nila.

Nakita naman niya ang isang babae na naglalakad at tila may hinahanap. May dala din itong mga tila pinamili.

"She's my type," nasa isip ni Endou nang makita niya ang babae.

Tiningnan niya ang mga kasama niya para ipahiwatig na kunin nila 'yung babae.

"Are you sure?" tanong nung isa. "I heard she's his girlfriend."

"Who's?" tanong ni Endou.

"First King's," sagot niya.

"Mas gusto ko tuloy angkinin siya," ang pumasok sa isip ni Endou kaya tumayo siya at nilapitan ang babae.

"Anong hanap mo?" tanong niya sa babae pero tiningnan lang siya nito ng panandali at hindi na pinansin.

"I really want to make her mine," naisip ni Endou dahil sa ginawang ito ng babae sa kanya.

Dahil sa tama ng alak na kanyang ininom, dali-dali niyang dinakip ang babae at dinala pa sa may loob ng tambayan.

Pumasok naman din sa loob ang dalawang kasama niya sa CSP para manuod.

Nagtaka naman si Endou kung bakit hindi man lang sumigaw o humingi ng tulong 'yung babae.

Nang matapos ang pagtali sa babae ay nilapitan niya ito sa upuang pinaglagyan niya at nilapitan ang mukha.

Sinamaan naman siya ng tingin nito kung kaya napangisi si Endou at dahan-dahang hinaplos ang binti ng babae gamit ang kamay niya.

Dahil dito, tinaldyakan ng babae si Endou na siyang ikinatuwang makita nung dalawang kasamahan niyang naroroon.

"Yariin mo na," tawang-tawang sabi nung isa kaya nakapag-isip si Endou ng mga bagay-bagay na nagpainit sa kanyang katawan.

Pero bago niya maisip na gawin iyon ay pinicture-an muna niya ang nakataling babae at pinadala ito sa numero ni First King.

"Ikaw lang pala ang paraan para siya mismo ang tumawag sa'kin eh," nasa isip ni Endou nang makita niya ang tawag.

Sinagot niya ang tawag nito nang nakatawa at tinitigan niya ang babae.

"Ang sarap pala ng girlfriend mo ha," sabi pa niya bago niya ibinaba ang tawag.

Hindi man lang niya pinakinggan ang sinabi ni First King na h'wag na h'wag niyang gagalawin ang babae kundi mapapatay niya si Endou.

Lumapit muli siya doon sa babae na sobra nang masama ang tingin sa kanya.

Rinig din niya na paulit-ulit na tumatawag si First King sa telepono niya. Hindi niya ito pinansin.

Hinawakan muli niya ang binti ng babae at tila minasahe ito ng minasahe paakyat sa katawan nito.

Pero bago pa niya mahawakan ang maselang bahagi ng babae ay tinaldyakan na siya nito ng sobrang lakas na siyang kinabigla ng mga kasamahan na andodoon.

"ENDOU!" tawag nila habang inaalalay si Endou para tumayo.

Napatingin naman din sila doon sa babae na napatayo kasama ang upuang inuupuan niya at sinira sa harap nila ang mga tali na nakakapit sa kanya.

Bago pa nakatayo si Endou, galit na galit na hinagis nung babae ang gawa sa bakal na upuan sa kanilang tatlo. Sa sobrang lakas nito, may mga dugong lumabas mula sa kanila.

Bago pa tuluyang lumabas sa tambayan nila ang babae ay nilapitan at nilagot nito ang braso ni Endou na siyang dahilan para mapasigaw siya sa iyak.

Sinuntok suntok niya rin ito kaya halos hindi na siya makilala. Sa sobrang takot ng dalawang kasamahan niya ay tumakbo ang mga ito palabas.

"Where is she?!" tanong ni First King nang makarating ito sa tambayan na hingal na hingal.

Nakita niya si Endou na namimilipit sa gilid. Hinawakan niya naman ito sa kwelyo, "WHERE IS SHE?!"

Hindi nakapagsalita si Endou kung kaya binitawan na niya ito at hinanap ang babae sa lahat ng sulok ng kwarto.

"Once I discovered that you did something to her, I will kill you!" pagbabanta nito kay Endou kaya napatawa ito.

Dahil sa pagtawa nito, akma nang susuntukin ni First King sa mukha si Endou. Napatigil lang siya sa banta nito.

"Sige, patayin mo ako. Subukan mo lang gawin 'yan, dito sa loob ng tambayan ko."

Alam ni First King na nakasaad sa gang code na bawal pumatay sa loob ng tambayan ng isang kalaban kung kaya tumayo na ito.

"You don't want me to kill you here?" tanong ni First King. "Sure. I accept your invite. I'll do it during the monthly match... sa UB mismo."

I'm Dating the Ice Princess (Revamped)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon