10.5 [E]

5.1K 131 1
                                    

Part 5.

Charice POV

"Para po!" sabi ko sa driver kaya tumigil ito at bumaba na ako.

Napatingin naman ako sa malaki at mataas na building na nasa harapan ko.

Sa labas pa lang ay kita ko na ang logo ng S & K.

Napansin ko rin na lahat ng nasa loob ay nakasuot ng corporate attire at napa-smart nilang tingnan lahat.

"Neng!" rinig kong tawag ng isang babaeng kaka-labas lang sa building kaya napatingin ako sa kanya.

Hindi ba't siya 'yung nag chat sa'kin last time?

"Buti naman nakita kita," panimula niya. "Hindi kasi nagrereply ang mama mo."

Tiningnan ko lang siya.

"Nasabi mo ba sa mama mo 'yung pinasasabi ko?"

Napatingin naman ako sa damit na suot niyang may logo ng S & K.

"Hindi na ba kayo 'dun sa malaking bahay nakatira?" tanong niya pa. "Hindi ko kasi kilala 'yung taong nadatnan ko nung pumunta ako 'dun eh."

"Magkano po ba?" tanong ko para hindi na siya makapagtanong ng kung anu-ano pa.

Tinawag niya ko tutal 'yung utang ni mama ang sinadya niya 'di ba?

"Limang libo," sagot niya naman agad. "Pang tuition kasi—"

"Balik po ako dito bukas," sabi ko kaya napaisip siya.

Hinubad ko naman ang relo ko at inabot sa kanya para magsilbing collateral.

Dahil dun, umalis na siya.

Habang naglalakad naman ako papasok ng building ay inisip ko kung san ako kukuha ng pera.

Unang-una, wala akong limang libo.

Hindi ba ibinili ko si Gosu ng necklace gamit 'yung inutang kong baon dati?

Wala tuloy akong extrang pera kasi 'yung baon ko ay laging advanced. So bale, 'yung ginagamit kong baon ngayon ay 'yung pang next week kaya tinitipid ko para hindi mag negative.

Nagdadala na nga lang ako lagi ng lollipop para maitawid ang gutom ko pag break.

Pero... kung bumalik nga kaya ako dun?

Kung active pa siguro ako dun, nasa District 4 na ako.

Hindi ko na rin siguro proproblemahin ang pera kasi limang laban lang, may limang libo na agad ako.

Pero kung babalik ako 'dun, kailangan kong maging high ranked agad para makakuha ng pera.

Saka... kung babalik ako... makikita ko na naman ang masamang mga tingin ng mga taong andoon.

May iba pa kayang paraan?

"What an irresponsible CEO," rinig kong galit na sabi ng isang lalaking nasa 40's na siguro. May kasama rin siyang tatlong lalaki. "Who does he think he is? To suspend a meeting for just a date?"

"He doesn't know what to prioritize, dad. No wonder, their company stocks keep on dropping," sabi naman ng kasama nitong mas mukhang bata sa kanya.

"He's incompetent," singit ng mukhang right hand nung may edad na lalaki. "I don't know why the chairman always favors his son. He doesn't know how to run the company."

"The chairman should just appoint someone better," komento naman nung isa pa bago sila makalabas ng building.

"Good afternoon! Do you have any appointment here, Miss?" tanong naman sa'kin nung receptionist kaya napatingin ako sa kanya.

I'm Dating the Ice Princess (Revamped)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon