10.6 [N]

5K 143 1
                                    

Part 6.

Charice POV

"Anae!" nakangiting bungad niya sa'kin nang makalabas siya sa office niya. "Kanina ka pa dito?"

"Kakadating ko lang," sagot ko at inilabas ang dala ko. "Kumain ka na?"

"Hindi pa," sagot niya. "Sabi mo kasi may niluto ka kaya inantay kita."

Tumingin na lang ako sa dala ko at binuksan 'yun lahat.

Hindi ko kasi siya matingnan at napapansin ko ang pasa niya sa pisngi.

Halata pa rin kasi kahit sinubukan niyang takpan ito ng concealer.

Nahihirapan ka ba dahil sa'kin?

"Masarap ba?" tanong ko dahil tahimik niya lang kinakain ang dala ko.

"Mhm," sagot niya kaya napatingin ako sa kanyang mukha.

Nakita ko namang pinipigilan niyang umiyak.

Kasalanan ko ba kung bakit ka naiiyak ngayon?

Pinunasan ko ang bibig niya dahil napaubo siya dahil siguro ay naiiyak na nga siya.

Let it out, I will listen to you.

"Kamusta ang exam?" tanong niya. "Madali ba?"

Hindi naman ako nakasagot agad.

"May madali bang exam?" sabi ko.

Hindi rin naman siya nakapagsalita pa.

I'm not used to seeing him like this.

Nang matapos kaming kumain, ibinalik ko na ang mga lalagyan sa dala kong paperbag.

"H'wag mo na ko ihatid sa baba," sabi ko naman nang alukin niya ko.

"Sorry, I can't drive you home," sabi naman niya nang ihatid niya ako sa labas.

Nginitian ko naman siya to assure him na okay lang.

Napatingin ako sa orasan at nakita kong 5 PM na kaya umuwi na rin ako agad.

Pagkadating ko sa bahay ay walang nagbukas sa'kin. Dahil may susi akong dala, ako na ang nagbukas para sa sarili ko.

Pagpasok ko naman sa bahay, nakita kong bukas ang mga ilaw sa sala at nandito ang tsinelas ni mama.

Napansin ko namang sarado ang pinto sa kwarto niya pero bukas ang ilaw.

Pinuntahan ko 'yun para tingnan kung andoon siya.

"Yes Sir," rinig kong sabi niya bago pa siya makalingon sa'kin. "I have submitted all of the requirements since a month ago."

May suot siyang headset kaya siguro hindi niya ako napansin.

Nakita ko naman sa screen na may kausap siya sa skype at may sinasabi ito.

"Really, Sir?" sagot naman ni mama.

Nakita kong tumango 'yung kausap niya.

"Sino 'yan?" tanong ko.

Nakita kong halos mapatalon siya sa bigla at inalis agad ang headset nang makita ako.

"Sir, I'm having slow connection right now. I have to go," dali-dali niyang sabi bago pa niya sinaraduhan ang laptop ko.

What is she doing?

Ba't nasa kwarto niya ang laptop ko?

Napansin kong parang nag-iisip siya ng pwe-pwedeng sabihin.

Nakita ko rin sa table niya ang isang clear envelope na parang may resume, passport at iba pang documents.

"Anong meron?" tanong ko pa at lumapit sa table niya.

Nakakita tuloy ako ng papel na galing sa TESDA at may nakalagay na national certificate for caregiving. Sa tabi din 'non ay isang letter na may nakasulat na 'Offer of Employment'.

Nakalagay dun na na-hire siya sa Dubai para sa isang home care as caregiver.

Nakita niya sigurong nakita ko 'yun kaya agad niya itong tinago sa loob ng cabinet.

"Cha," tawag niya sa'kin na parang natatakot.

"Nag apply ka?" tanong ko kaya natahimik siya agad.

Tumayo siya at lumapit sa'kin, "Kumain ka na?"

Inalis ko agad ang kamay niya na inilagay niya sa balikat ko.

"Nag apply ka ba?" ulit ko.

Nataranta siya at hindi makasagot sa tanong ko.

Huminahon muna ako at huminga ng malalim.

"Nag apply ka ba?" mahinahon kong tanong.

Tumingin siya sa'kin at tumango.

Natahimik ako.

"Wala ng ibang trabaho?" tanong ko na pinipilit maging mahinahon. "Wala ng trabaho na dito ka lang?"

Napalunok siya at tumungo, "Cha... hindi kakayanin ng bayarin kung dito lang ako sa Pilipinas magtratrabaho."

"Nasaan ang savings ni Papa?" tanong ko.

Hingang malalim, Cha.

Hindi 'yan matutuloy kung sasabihin mong h'wag niyang ituloy.

H'wag kang mag-isip ng kung anu-ano.

"Ubos na 'yun," sagot niya. "Pati 'yung inipon mo, pa-ubos na rin."

Tinitigan ko siya at nakita kung naluluha siya.

Naalala ko tuloy na sobrang mahal nung per session nung hypnotherapy niya dati. Pinagpatuloy 'yon for 3 years kasi 'yun lang ang effective sa kanya. Siguro nga naubos na ang ipon ni papa dahil 'dun.

Yung dati rin naming malaking bahay ay pinagbili niya nung nag SK ako.

Kaya rumenta kami dito sa mas maliit na bahay na 20K lang ang upa.

Madami kaming bahay at lupa dati kaso na-scam si mama nung pinagbili niya ito para makapagtayo siya ng business.

Kung alam ko lang na gigipitin kami ng ganito, sana nag ipon pa ako at nag invest para kahit papaano may bahay pa rin kami.

At kung alam ko lang... hindi niya sana maiisip 'to.

"Cha, sorry, hindi ko nasabi sa'yo agad," sabi niya at napaluha, "Araw-araw kasi... iniisip ko kung paano makakabayad ng tuition mo; kung saan ako kukuha ng ipapakain sa'yo, kung saan ako pupulot ng pera para makapag kolehiyo ka. Araw-araw, napapaisip ako kung  isang magulang ba ako kung hindi ko man lang 'yun maibibigay sa'yo..."

Lumapit siya sa'kin at niyakap ako habang humihikbi, "Cha, ayokong tumunganga na lang at hayaan kang magutom. Can't you just let me be a parent?"

Inalis ko ang pagkakayakap niya sa'kin.

"Tanggap ka na di ba?" tanong ko.

"Oo, this month ang target na deployment sa'kin," sagot niya.

Tiningnan ko siyang mabuti.

This month?

How...?

How can she—?

Bago pa pumasok sa isip ko ang kung anu-anong tanong, kinuha ko ang laptop ko sa table niya.

"Ang lapit na pala," sabi ko at umalis sa kwarto niya.

"Cha!" rinig kong tawag niya bago ako pumunta at maglock sa loob ng kwarto ko.

I'm Dating the Ice Princess (Revamped)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon