1.8 [E]

10.2K 281 2
                                    

Part 8.

Charice POV

"Patapon naman," utos ni Bianca sa'kin habang inaabot sa'kin yung basura niya.

Tumingin lang ako sa kanya.

"Okaay, ako na po ang magtata—"

Napatingin naman ang lahat sa may pinto kasi biglang bumukas ito ng malakas.

Lahat tuloy napatigil at ni isa ay wala talagang nagalaw.

Pagkita ko, nakita ko na naman 'yung apat na pa-peym. May nakalimutan atang bilhin or something.

Tumingin na lang ako kay Bianca dahil natigilan din siya eh.

Ba't ba hindi pa niya tinatapon ang basura niya?

Hinihintay ko ang sagot niya sa tingin ko pero nakita kong nanlaki na lang ang mga mata niya at tinuro ang likod ko.

Nagtaka tuloy ako kaya napatingin ako sa likod ko.

"Di ba, Charice ang name mo?" tanong nung uhhhh... Hindi ko alam. Sino nga ba ulit 'to? Nakalimutan ko 'yung sinabi ni Bianca eh basta 'yung pang 4th ata.

Tiningnan ko lang siya. Hindi ko tuloy alam kung oo o mag hi-hindi ako.

Pero wait, may nagawa ba ko? Wala naman ah. So ba't parang guilty ako?

"Oh bakit?" tanong ko kaya tumingin siya dun sa likod para tingnan 'yung tatlo niyang kasama.

"Eto ba?" sabi niya pa dun sa tatlo.

Lumapit 'yung tatlo sa'kin.

"Tingnan natin," sabi nung sinasabing crush ni Bianca na si Ji. "Sumama ka sa'min."

Napatingin naman ako kay Bianca para itanong sana ang dahilan kung bakit nila biglang hinawakan yung braso ko.

Hindi naman niya ako sinagot kaya napatingin na lang ako ulit ako sa kanila.

"Ano ngang apelyido mo?" tanong nung Jaki.

"Mendoza?" sagot ko na pa-tanong.

Well, kung may hinahanap sila, parang hindi naman ata ako 'yon. I'm innocent.

Bago pa ko naka-react ay hinatak na nila ako pa-labas ng cafeteria. Hanggang sa napansin kong palabas na kami ng SK University!

Teka? First day na first day ah? Ayoko kayang mag skip ng class!

Hindi kaya wanted sa kanila ang name na Charice?

Pero ayoko pa mamatay ah— nope. Ang o.a. ko naman. Marami naman akong witness na hinila nila ako. Saka, bakit naman nila ako papatayin kung wala akong ginagawang masama 'di ba?

"Sakay," utos sa'kin nung Ji nang makalabas na kami ng school.

Tumingin lang naman ako sa kanya.

"Ayaw mo?" tanong niya. "Bilis na."

Sumakay na lang ako.

Ba't ako matatakot? As I said, I'm innocent.

Kinuha ko nang pagalit yung helmet sa kanya.

"Ba't mo kinuha ang helmet ko?" tanong nung Ji.

Ah, hindi ba para sa'kin 'to?

"Gusto ko eh," syempre sabi ko para kunware hindi ako napahiya.

"Tsk, alisin mo 'yan," utos naman niya.

"Bakit?" tanong ko.

Panindigan ko na ano.

Tumingin naman siya ng nakakatakot. Titingnan ko sana siya ng mas nakakatakot kaso napansin kong mas marami sila.

Eto na nga oh, sa'yo na 'yang helmet mo.

Agad kong inalis 'yung helmet sa ulo ko at inabot sa kanya; pero 'di ko 'yon binitawan agad.

"Bitawan mo," inis na sabi ni Ji habang kinukuha mula sa'kin 'yung helmet niya.

Hinigpitan ko 'yung hawak dun at tumingin sa kanya.

Bago pa niya makuha mula sa'kin ang helmet niya, binitawan ko 'yon ng malakas at sinakto ko 'yon sa may paa niya.

At sa lakas ng pagkakabagsak at sa bigat 'non ay sigurado akong masakit 'yon.

"씨발 [ssibal]!!!" rinig kong sigaw nung Ji.

"Oh tol, ayos ka lang?" tanong naman nung Jun Su.

"MUKHA BA KONG AYOS?! PU**" rinig kong mura nung Ji pero sinensored ko na para sa mga bata.

Nakita ko namang naglapitan 'yung tatlo 'dun kay Ji.

Hah. Sige lang, pansinin niyo 'yan. 'Yan talaga 'yung pakay ko eh.

Lumayo naman ako ng konti sa kanila. At nung medyo malayo-layo na ako sa kanila, nakita kong napansin ako nung... Yoon Jae ba 'yon?

Ituturo na niya sana ako sa kasamahan niya nang magsimula na kong tumakbo ng sobrang bilis.

Pagtingin ko sa likod, nakita kong hinahabol din nila ako.

Nagpa-iba iba ako ng direksyon para mahirapan silang lumiko't bumagal ang pagtakbo nila.

Pagliko ko naman sa isang direksyon, saktong nakakita ako ng bus.

Para bang nakita ko siyang biyaya sa'kin ng Maykapal kaya pinara ko 'yun agad.

Buti naman ay mabilis na bumukas 'yung pinto ng bus kaya tumakbo agad ako papasok doon.

Nang silipin ko sa bintana ng pinto ng bus kung nasaan na 'yung mga hari-kuno, nakita kong kakarating lang nila doon sa napuntahan kong liku-an kanina at parang hinahanap ako.

I'm Dating the Ice Princess (Revamped)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon