7.4 [N]

6.7K 213 7
                                    

Part 4.

Charice POV

"Anae," seryosong tawag sa'kin ni Gosu kaya napalingon agad ako.

Wala daw 'yung prof namin para sa huling subject kaya nagpatuloy na lang 'yung mga kaklase ko sa paggawa ng booth. Nasa may classroom naman kami ni Gosu dahil ayaw niya akong iwan.

"Are you alright?" tanong niya pa.

"I won't be here, if not?" sagot ko naman.

May kinuha siya sa bulsa at pinakita niya sa'kin 'yung kwintas ko. Napahawak tuloy ako sa leeg ko. At oo, hindi ko siya suot!

"Alam mo ba kung saan ko 'to nakita?" tanong niya.

Tinitigan ko lang siya.

"Alam kong alam mo," sabi naman niya.

Tumahimik na lang ako at tumingin sa mga kaklase ko.

Naramdaman ko rin ang paghawak niya sa may kamao ko kaya nailayo ko ito kasi masakit.

"May sugat ka ba?" tanong niya.

"Ba't naman ako magkakasugat?" tanong ko at tumingin na lang sa mga kaklase ko.

"Sure ba kayong hindi 'to masisira?" rinig kong tanong ng presidente namin.

"Testingin kaya natin?" suwestyon ni Layzzah.

Nakita kong napatingin ang presidente namin sa lahat ng an'doon. Naghahanap siguro kung sino ang pwede tumesting.

Wala namang magvolunteer kasi may pagka-payat 'yung size nung yari nang gown. Ginagawa pa kasi ni Bianca 'yung iba pang size.

"Ako!" volunteer ni Layzzah.

Tiningnan lang naman siya ng presidente namin. "Wala na bang ibang mag vo-volunteer?"

"Ako ngaaa!" ulit pa ni Layzzah.

Kita kong tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa, "Masyado kang mataba,"

Rinig na rinig naman ang pagtawa ng malakas ni Jaeki kay Layzzah kaya nagtawanan na rin 'yung iba.

"Grabe kayo!" nakangusong sabi ni Layzzah. "Pa'no naman malalaman kung hindi masisira kung ipapasuot lang sa payat!"

Natawa naman sila sa sinabi niyang 'yun.

"Anae," rinig kong tawag ni Gosu sa'kin kaya napatingin ako sa kanya. "I just want to ask you something..."

Napatingin lang ako sa kanya at napatingin ulit sa mga kaklase ko.

"Do you want to go outside?"

"Bakit, hindi ba pwede dito?" tanong ko.

Napaisip siya.

"Sige, I'm just... thinking... about the band aid you gave to Chan Hee," panimula niya. "Sa'yo ba 'yon?"

Is he still thinking about that?

"Dad's," sagot ko na lang tutal 'yun naman 'yung totoo.

"Is he a former gangster?" tanong niya kaya napatahimik ako. "Does he know about UB? Isn't he the founder of it?"

Hindi ako nagsalita.

Anong sasabihin ko?

Should I admit it?

Pero... ayoko nang balikan 'yon. Ayoko nang bumalik 'dun.

"Can you please tell me?" tanong niya kaya kumunot ang noo ko.

"I don't know what you're talking about," sabi ko.

"But your eyes are telling me, you know about it."

Huminga ako ng malalim kasi naiinis na ko.

"Fine... That band-aid is from a gangster I met when I was a child," pagsisinungaling ko. "She gave me a lot of it. What now?"

Natigilan siya sa narinig niya.

"So you also met her?" tanong niya.

Bago pa makapagsalita ay tinawag kami ng kaklase namin kaya napatingin ako sa kanila.

Lahat naman sila nakatingin sa'min.

"Gocha! Try niyo naman 'to oh!" sabi pa nung isa.

Wait. Sinasabi ba nilang i-try namin 'tong pang-kasal na damit?

Ngumiti si Gosu na para bang hindi siya seryosong nagtatanong kanina.

Agad niya ring kinuha 'yung suit. Binigay naman sa'kin ng isa kong kaklase 'yung gown para isuot ko.

Pinapupunta naman kami 'dun sa CR na malapit sa room namin. Kaso pagdating namin 'dun, sarado siya kasi under maintenance. Pinaakyat tuloy kami sa 4th floor.

Dahil may klase 'yung ibang seksyon, kami lang 'yung naglalakad ngayon.

Napatingin ako kay Gosu nang ibigay niya 'yung kwintas ko.

"Are you close with her?" rinig kong tanong ni Gosu. "The gangster you met when you're a child?"

"Hindi masyado," sabi ko na lang. "Ba't mo ba tinatanong?"

Napaisip siya, "Well, you can say... she was my savior back then... and my idol," sagot niya.

His savior?

"Pero alam mo bang hindi na siya gangster? Naglaho na lang siya bigla."

Hindi na lang ako umimik at napahawak na lang ng mahigpit sa dala kong gown.

"Sabi niya..." panimula ko kaya napatingin siya sa'kin.

"Sabi niya...?" tanong niya at inaantay ang dugtong ko.

Tumahimik muna ako saglit kasi malapit na kami sa C.R.

Should I tell him?

Tiningnan ko siya at nakatingin pa rin siya sa'kin at inaantay ang sagot ko.

Napalunok tuloy ako, "Nakapatay siya," sabi ko at pumasok na sa loob ng C.R.

Hindi ko na tiningnan kung anong reaksyon niya sa sinabi ko. Ang alam ko lang, natatakot ako. Kung malaman niya kayang ako talaga 'yung sinasabing niyang idol... mag-iiba ba ang paningin niya tungkol sa'kin dahil nakapatay ako?

I'm Dating the Ice Princess (Revamped)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon