4.3 [N]

9.3K 260 7
                                    

Part 3.

Charice POV

"Cha, pinabibigay nga pala ni Bianca," sabi ni mama at inabot sa akin ang isang entry ticket para sa 6th Anniversary ng The Five Kings.

Kinuha ko naman 'yun at nilagay sa wallet ko.

Oo nga pala, na-confine nga pala ako sa ospital ng 2 days pero ngayon ay nasa bahay na ko at nag aayos ng bag para makapasok ngayon. Natulog lang kasi ako magdamag kaya ngayon lang ako nag-aayos.

"Kaya mo na bang pumasok?" tanong ni mama.

Di ko naman siya sinagot at uminom na lang nung nireseta sa'king gamot.

Binitbit ko na 'yung bag ko at lumabas na ng bahay.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

Nakita ko kasi si Gosu na naka-earphones at nakasandal sa SUV niya. Hindi siguro ako narinig kasi hindi siya tumingin.

Uulitin ko na sana 'yung sinabi ko kaso nakita kong inalis na niya yung earphones sa tenga niya at humarap sa'kin.

"Hatid kita," alok niya at may pagbukas pa ng pinto nung sasakyan.

"Di na," agad kong sabi sa kanya.

"Pero galing kang sakit," sabi naman niya.

"I'm fine," seryosong sabi ko.

So he knows galing akong sakit pero he never visited me in the hospital?

Nakita kong sinaraduhan niya 'yung pinto nung sasakyan atsaka lumapit sa'kin.

"Sige, sabay na lang tayong maglakad," sabi niya.

Di ko alam kung paano ko sasabihing wag na. Pero naglakad na lang ako. Nasa likuran ko naman siya at nasunod. Hindi tuloy ako komportable.

"Pwede ba akong manligaw sa'yo?"

Naalala ko tuloy 'yung sinabi niya last time. Kinwento kasi sa'kin ni Bianca 'yung nangyari.

At dahil sa kahihiyan, lalo ko tuloy binilisan ang paglalakad ko. Ramdam kong binilisan din niya paglalakad niya.

Di siya nagsasalita kaya tumigil ako saglit sa paglalakad at hinarap siya.

"Nanliligaw ka ba?" diretsong tanong ko.

"Oo," sagot niya. "Gusto kasi kita."

Naglakad na lang ulit ako.

Paano niya nasasabi 'yon na parang nagrerecite lang siya ng text sa isang libro?

"Dare ba 'yan?" tanong ko habang naglalakad pa rin. "Bet?"

Narinig ko naman ang pagtigil niya sa paglalakad kaya napatigil din ako at lumingon sa kanya.

Lumapit naman siya sa'kin, "Seryoso ako sa'yo," seryosong sabi niya kaya natahimik na lang ako.

Pinilit ko na lang ang sarili kong maglakad ulit.

"Una ka na lang," utos ko kay Gosu. Baka kasi magkaroon ako ng haters kung sasabay ako sa kanya papuntang school. Mahirap na, baka madagdagan ang mala-Maria Charice.

"Why?" tanong niya.

"Sa school na," sabi ko naman.

"Magkita na lang tayo sa school?" tanong niya kaya tumango ako.

Napaisip siya saglit pero ngumiti din siya agad na parang asu, "Okay!"

Nakita kong bumalik na siya ng sasakyan niya.

I'm Dating the Ice Princess (Revamped)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon