5.8 [T]

8.1K 247 17
                                    

Part 8.

Charice POV

"Hindi ba umattend si Angelli?" tanong ko habang inuubos 'yung pagkain ko.

"Si Angelli?" sagot ni Kimberly. "Umattend ah. Nag CR lang."

"Parang ang tagal nga niya eh," sabi naman ni Layzzah. "Baka di tayo makita or naligaw."

"Sabagay, laki kasi nung bahay," sabi ni Prances sabay tingin sa orasan. "Pero parang mahigit isang oras na nung magpaalam siya."

Nakita kong kinuha ni Bianca ang phone niya, "Try kong tawagan."

Nakita ko si Gosu na kausap 'yung ibang bisita matapos mang asar dito kanina.

Pag seryoso siyang nakikipag-usap sa iba, parang ang gwapo niya tingnan.

Nakita kong napatingin sa'kin si Bianca. Tumayo siya at umalis. Iba ang feeling ko sa pag-alis niyang 'yun kaya sinundan ko siya.

"Sino 'to?" rinig kong sabi ni Bianca sa may sulok sa labas. "Na'san siya?"

Nakita kong inalis na ni Bianca 'yung phone niya sa tenga niya.

"Sino 'yun?" tanong ko.

Tiningnan niya ko, "Kinidnap si Angelli," mahina niyang sabi.

Ha?

"May gang siyang sinabi. Hindi ko narinig masyado," sabi pa niya. "Akala niya ata si Angelli 'yung anae ni Gosu."

Ha?

"Target ata nila 'yung gang nina Gosu," dagdag niya pa.

Wait, what?

"Gangsters ba sina Gosu?" tanong ko.

"Oo, ata. Hindi ko ba nasabi?" tanong niya. "The Five Kings talaga 'yung gang name nila at malaki 'yung area nila, sa pagkakaalam ko."

Sa tagal ko nang walang alam sa gangs, wala akong alam sa mga bagong gang after ng era namin.

"Sasabihin ba natin kina Gosu?" tanong niya.

Tiningnan ko siya kaya napa- "Seryoso?" siya. Nabasa siguro niya ang tingin ko.

"Are we going back?" tanong niya pa.


Layzzah's POV

"Iniwan ba tayo nina Bianca at Cha?" tanong ko habang hinahanap sila. "Nagsisimula na yung sayawan oh."

"Baka tinawag ni Gosu," sabi ni Kimberly habang nanunuod sa mga nagsasayawan. "Kainggit naman oh! Gusto ko rin ng partner!"

Tiningnan ko si Prances na busy sa pag cecellphone niya. Wala na talaga 'tong pakialam tutal wala dito si Gian eh.

Maya-maya ay may inannounce 'yung kapatid ni Gosu na si Honey. Sabi niya lang, may gusto daw siyang i-pursue kaya hinahabilin niya kay Gosu 'yung school pero siya pa rin daw 'yung pinaka-head.

Nagsimula rin namang magbigay ng speech ang The Five Kings. Halata namang hinahanap ni Gosu si Cha. Tumingin pa nga sa'min eh.

Narinig ko pa nga ang mga bulungan nung ibang babae dito eh. Tinatanong kung si Cha ba 'yung hinahanap ni Gosu na babae; si first love girl.

Well, sorry na lang dun sa babaeng hinahanap niya. Tagal tagal niya dumating eh kaya naunahan na siya ni Cha!

Maya-maya, nang matapos magbigay ng speech yung The Five Kings, lumapit sa'min si Gosu at hinahanap si Cha. Sabi na lang namin, baka naglilibot tutal di rin namin alam.

I'm Dating the Ice Princess (Revamped)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon