3.7 [T]

9.1K 249 6
                                    

Part 7.

Charice POV

P.E. namin ngayon at nasa gym kami. Naglalaro lang naman 'yung boys ng basketball. Kalaro nila 'yung Class A.

Nakaupo lang naman yung limang hari-kuno sa may bench at parang nag uusap ata.

"Cha, punta ka munang clinic, pagamot mo 'yung kamay mo," rinig kong bulong ni Bianca sa'kin.

Busy naman sa panunuod yung iba naming kaklase kaya nakasaglit ako para pumunta ng clinic.

Tinanong lang nung school nurse kung anong nangyari sa kanang kamay ko. Tapos nilinis na rin niya. Ayoko namang magpalagay ng dressing kaya band-aid na lang pinalagay ko para di naman ganon ka-halata.

Pagkatapos non ay bumalik na ko ng gym— ???

Napatingin tuloy ako sa kanang kamay ko.

Bigla kasing may humawak don eh ang sakit pa naman.

Napatingin naman ako sa kanya.

Tumigil ako sa paglalakad at tumigil din siya. Sinasabayan niya ako eh.

Ano bang problema nito?

Nagtitigan kami for 8 seconds. Mamaya din naman ay binitawan niya na yung kanang kamay ko.

"Sorry, wrong hands," sabi ni Gosu sabay lakad paalis at nilagay yung kaliwang kamay niya sa bulsa.

Wrong hands?

Alam ba niyang nakabasag ako ng pader sa back garden?

Pagbalik ko sa gym, naglalaban pa rin yung mga boys sa basketball.

"Cha!" rinig kong tawag ni Angelli. "Samahan mo ko sa vendo, please?"

"Asan si Bianca?" tanong ko. Sa dulo pa kasi ng gym yung vendo. Ang layo hehe.

"Ayun, hinahanap si Ji," sagot naman ni Angelli. "Please, samahan mo na ku, Cha! Ayaw nila ako samahan eh!"

Kawawa naman itong isang ito.

Sinamahan ko na lang si Angelli at nilibre niya naman ako ng isang Ice Juicy Melon na maiinom.

Habang naglalakad naman kami pabalik, nagtaka kami kung bakit biglang dumami ang tao sa gym.

Dahil hindi namin alam, nakinig na lang kami sa mga uusap-usapan.

"Nanuntok si Gosu!"

"Bakit daw?"

"Tara, tingnan natin!"

Nanuntok? May suntukang nagaganap ngayon?

Mamaya-maya ay nakarinig kami ng malakas na sipol galing sa guard.

At bago namin makita kung anong nangyari sa gym ay pinabalik na kami sa room. Hindi ko tuloy nalaman ang dahilan ng nangyaring suntukan. Sabagay, ayoko na rin alamin kasi problema na 'yun ng mga involved.

"Cha, alam mo ba nangyari kanina?" tanong ni Bianca habang nagsusulat ng notes.

"Di. Pero bago 'yon, na'san ka kanina?" mahinang tanong ko.

"Hinanap ko lang my labs ko hehehe," sagot niya naman. "Pumunta ka bang clinic? Baka magka-tetanus ka niyan."

"Wala namang kalawang," sagot ko na lang.

"Infection?" sabi naman niya habang patuloy siya sa pagsusulat ng notes. Ako naman, ngangayon ko lang kinuha yung notebook ko para magsulat. Dami kasi pinasusulat ni Ma'am.

"Alam mo ba 'yung balita?" panimula niya kaya hindi na lang ako sumagot.

Ilang beses ko bang sasabihin sa kanya na hindi ako interesado makinig sa mga balita-kuno niya?

"'Yung nanuntok si Gosu kanina?" tuloy pa rin niya.

Nagpatuloy na lang ako sa pagsusulat.

"At alam mo yung dahilan?" tanong pa niya pero hindi ako sumagot.

Biglang pumasok sa room sina Jaeki at Jun Su kasama 'yung Jerry; isa sa mga naglaro ng basketball kanina. Nakapang P.E. pa nga siya eh saka namamaga 'yung pisngi niya.

"Sorry man," sabi ni Jaeki sabay upo na sa likod. Umupo na rin sina Jun Su at Jerry dun.

Naglapitan yung mga babae kay Jerry at tinanong kung anong nangyari. Kung andito lang si Ma'am, siguro sinuway na niya mga 'yan.

Anyway, wala naman akong planong makinig tutal wala kong paki. Kaso, rinig ko eh, anong magagawa ko?

"Ba't ka sinuntok ni Gosu?" tanong nung isa.

"Eh si RJ eh, tinulak ako. Malay ko bang ma-oout of balance ako," sagot naman ni Jerry.

"Tapos?" tanong naman nung isa.

"Ayun, natumba ako. Eh nainom ako ng tubig non," pagpapatuloy ni Jerry. "Nabasa ko yung left side ng damit at katawan niya."

Para 'yun lang? Ang babaw naman niya.

"Get one whole sheet of paper and answer this," biglang entradang sabi ni Ma'am na nasa may pintuan pala at mukhang nakitang nag iingay ang karamihan sa amin.

Pero syet, may quiz sa Calculus?!

I'm Dating the Ice Princess (Revamped)Where stories live. Discover now