7.8 [E]

6.8K 203 3
                                    

Part 8.

Charice POV

Namasyal na lang ako mag-isa sa mga booths. Nakinuod din ako ng larong naka-schedule ngayon, saka 'yung Mister and Miss. Natalo 'yung representative namin kaya umalis na rin agad ako 'dun sa gym.

Mag 1 PM pa lang pero bored na bored na agad ako.

Ba't kasi hindi ako sumali sa mga laro eh! Ayan tuloy, wala akong magawa!

At dahil na-bored na ko, naisipan ko namang umuwi muna sa bahay tutal pwede naman.

Pero dahil wala pala sa bahay si mama at may pinuntahan ata, hindi ako nakapasok. Nakalimutan ko kasing magdala ng susi.

Sasakay na sana ako ng jeep para bumalik sa school nang maisipan kong dumalaw sa tambayan namin dati.

Yung tambayan kasi namin malapit lang sa bahay nina Bianca. Binili talaga ito ni papa dati pero pinangalan sa'kin kaya ginawa na naming tambayan ng Black Royalty.

Hindi naman alam ni mama na may binigay sa'kin si papa sa kanyang last will.

Bumungad naman agad sa'kin ang pinto na may passcode.

Nalagay ko pa nga 'yung dati naming passcode pero buti naalala ko 'yung pinalit namin nung magquit na kami.

Pagpasok ko, napansin ko agad ang konting alikabok na napapalibot sa buong kwarto, lalo na sa sahig.

Napatingin naman ako sa lagi kong inuupuan dati pag nagbabasa ako ng mga invites. Naaalala ko rin 'yung boses nung apat pag nagkwekwentuhan o nagbabangayan sila— at kung gaano 'yon ka-komportable sa tenga.

Dito kami lagi tumatambay pag biyernes. Dito rin kami nagtitipon para pag-usapan ang mga plano naming sakupin na area. May parang gym 'din dito kung saan sila nag eensayo pag may nalalapit na match.

Napahinga naman ako ng malalim habang pinagmamasdan 'yung paligid.

Nakakamiss din pala.

May nakita akong walis sa gilid kaya naisipan kong mag walis ng konti at mag-ayos ng mga gamit na andoon.

Napansin ko tuloy 'yung corkboard na nakatago sa cabinet. Kinuha ko 'yun at tiningnan 'yung mga litratong nakadikit doon.

Ang dami din 'nun— mga litrato nung nag umpisa kami hanggang sa panahon na tumigil kami.

Magkakasunod itong nakadikit kaya nakita ko 'yung litrato nung last day namin dito. Pansin na pansin naman na mapula ang mga mata namin ni Bianca.

Ang pinaka-memorable talaga sa'kin ay 'yung picture namin doon sa area na kauna-unahan naming nasakupan. Maliit lang na area kasi 'yun pero tandang tanda ko pa kung gaano kami ka-tuwang-tuwa 'nun.

Kahit maliit, mga isang daan din atang beses kaming nakipaglaban para mahigitan namin ang points ng mga andodoon.

Masasabi lang kasing nasakupan niyo 'yung isang area kung ang rank 1-5 'non ay members ng gang niyo. Pag na-maintain niyo 'yun for 1 month, teritoryo niyo na 'yun.

Nung nagsisimula kami, naka-sakop kami ng tatlong maliliit na area. Yung limang area naman ay malalaki na kaya naka-walo kami overall. Hindi pa kasama 'yung maliliit na area na may less than 20 ang population.

Dahil 'dun, isa kami sa kinatatakutang grupo. Isa rin kami sa pinakamayamang grupo kaya nakapagpagawa din kami ng iba pang tambayan sa ibang area na nasakop namin. Nakapag ipon din ako para maibigay kay mama.

Yung high ranked (rank 1-10) lang kasi ang pwedeng makapag convert ng points to cash. Iba-iba naman ang palitan depende sa district.

District 1 - 8-10 (Php 100/point)
District 2 - 11-13 (Php 250)
District 3 - 13-15 (Php 500)
District 4 - 16-18 (Php 1000)
District 5 - 19-25 (Php 2000)

I'm Dating the Ice Princess (Revamped)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon