"Nagpakasal ka agad kay Bernardo eh," sabi pa niya.

"Mayaman naman si Bernardo," sabi naman ni Leonora.

"Kung sabagay... kaso maaga ka rin niyang iniwan."

Nakita ko namang siniko siya ni Leonora kaya tumingin na lang siya sa iba.

"Maricel!" tawag sa'kin ni Eugenia kaya napatingin ako sa kanya.

Nagyakapan kami kasi niyakap niya ako.

"Huy! Ikaw ang una kong gustong makita sa'tin!" sabi pa niya kaya nginitian ko siya. "Sabay kasi sana tayo nakapag U.S. noon... kung hindi ka lang nabuntis agad."

"Kaya nga, sayang!" rinig ko pang sabi ng isa. "Pumasa ka na rin sa interview nun eh. Pero salamat din sa'yo kasi ako ang pumalit sa slot mo."

"Oo nga no? Kung tumuloy si Maricel, sana lahat ng batch natin nasa abroad na," rinig ko pang sabi ni Hernando.

Dumating naman ang order nilang pagkain kaya natahimik sila at napunta doon ang atensyon nila.

"Hindi pa huli ang lahat, Maricel," mahinang sabi sa'kin ni Leonora. "Tutulungan kita."

Kumuha naman ako ng makakain sa plato ko.

"Wala naman akong experience," sagot ko. "18 years ago pa nga 'yung tanging work experience ko. Wala namang tumatanggap sa ganon."

"D'yan ka nagkakamali," sabi naman niya sa'kin. "Dati, wala rin akong experience. 10 years yung work gap ko pero nag umpisa ako sa pagiging caregiver hanggang sa eventually, nagamit ko rin ang license ko. Nurse na ko ngayon sa Dubai."

Tiningnan ko siya.

Pwede pa nga kaya?

Paano kung may mangyari ulit kaya hindi matuloy?

"Nasa paniniwala mo 'yun," sabi niya pa. "Kung alam mong posible, h'wag mong isuko 'yung pangarap mo kahit matagal mo nang natanggap na wala ng pag-asa."

(End of flashback)

Napatingin tuloy ako sa graduation picture ni Cha nung elementary.

<NOW PLAYING: Ji Sun - What Do I Do?>

"Buntis ka?!" naalala kong tanong ni inay sa'kin. "Kung kelan posible mo nang maabot ang mga pangarap mo, saka ka lumandi?!"

"Patawad po inay," nakatungo kong sabi at hinawakan ang kamay ni Bernardo.

"H'wag po kayong mag-alala, pananagutan ko po siya," sabi ni Bernard kaya sinampal ako ni inay.

"Alam mo ba 'tong pinasok mo?" tanong niya. "Nabuntis ka nang hindi pa kayo kasal! Anong kahihiyan ito?!"

Napatungo lang ako at hindi sumagot.

"Ipalaglag mo ang nasa sinapupunan mo," utos niya kaya natigilan ako. "Kung hindi, hindi kita bibigyan ng kahit na anong pamana. Kahit itong bahay na pinangako ko sa'yo, hindi ko ibibigay."

Madami akong beses na sumuko sa gusto kong maging.

Pinaglaban ko si Cha kay inay.

I gave up on my dream for her.

And I can give up again... kung para ulit sa kanya.

Siya na lang ang tanging yaman ko sa mundo.

At kung ikasisira nito ang umaayos naming relasyon, mas mabuti pang maghanap na lang ako ng ibang trabaho.

Pero...

"Sabay kasi sana tayo nakapag U.S. noon... kung hindi ka lang nabuntis agad."

Paano ang ego integrity ko?

Those what if's...

Ayokong dumating sa point na isisi ko sa kanya na hindi ko tinuloy kahit halos abot kamay ko na ang unang hakbang para sa pangarap ko.

Ano ang dapat kong gawin?

Pumunta ako sa kwarto niya at napansin kong patuloy pa ring tumutugtog ang genre ng music na parati niyang pinapakinggan.

Napasilip ako sa screen para makita ang pamagat nung kanta: Likey

Ba't paulit-ulit niya itong pinatutugtog?

Me likey?

Gusto ba niyang umalis ako?

Is this her celebratory song?

She hates me right?

Kung sabagay, hindi niya ako pinigilan.

Hindi nga niya siguro ako... mahal.

I'm Dating the Ice Princess (Revamped)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن