Tumayo ako at umupo sa table at saka tahimik na kumain.

Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ng nahagip ng mga mata ko ang mga taong gusto kung makita at ang taong ayaw kung makita, tumigil ako sa pagsubo ng fried chicken at nilapag sa plato ko.

Pinagmasdan ko sila na kakapasok lang sa conference hall kasunod ang maraming tauhan nila na parehas ang uniform lahat ng tauhan ng daddy at mommy ko ay naka t-shirt na kulay asul at block pants, nakita ko rin ang seryosong mukha ni Harold kasunod din ang tauhan niyang naka kulay itim lahat.

Namiss ko ng sobra ang mommy ko.
́ (。•́︿•̀。)

Halos pitong buwan nang hindi ko nakita at nayakap ang mommy ko simula nong mabuntis ako.

Napatingin ako sa pintuan ng conference hall, sunod na pumasok ang lalaking medyo may kagwapuhan at may kakisigan na may tatto sa braso, nakasunod nito ang mga naglalakihang naka kulay block ang sout katulad na katulad ang mga tatto nila sa braso, para silang aatend ng patay at para silang galing sa kulungan.

"Dr.Aiko sino yang lalaking may tatto sa braso?"tanong ko.

"He's the only one 'Jack Ashton Lee' "sagot ni Dr.Aiko.

"And also he's my ex"napatingin ako kay Juanang hilaw na nakatingin sa loob ng conference hall, doon siya nakatingin kay Jack Ashton Lee.

Ex?

"Ex boyfriend mo ang hayop nayan?"taas kilay kung tanong kay Juanang hilaw, walang gana naman siyang tumango sa tanong ko.

Napacrossarms ako at tumingin sa gawi ni Ashton na seryoso lang ang mukha habang kampanting naka-upo na ngayon sa upuan.

"lady Hanna, Aika pinatawag na kayo ni lord Carlo sa loob"anunsyo sa amin ni Dr.Aiko, kaya tumango nalang ako at tumayo, ganun din si Juanang hilaw.

Sabay sabay kaming lumabas ng glasswall at pumasok sa conference hall, kasabay namin si kuya Jhoe at kuya Jhon, napatingin naman silang lahat sa amin lalong lalo na ang mga magulang ko, tumingin ako kay mommy, nag-alala niya akong tininganan at napatingin sa malaking tyan ko kaya napaiyak ito na agad naman inalo ni daddy na nakatingin din sa akin.

Umiwas ako ng tingin at patuloy sa naglalakad patungo sa pwesto ni Carlo na naka-upo sa kanyang upuan.

Ramdam na ramdam ko na nakatingin silang lahat sa akin, napakagat ako ng labi para pigilan ang emotion na naramdaman ko, gusto kung yakapin si mommy pero, ayokong magalit si Carlo sakin dahil napag-usapan namin to kanina, maghintay nalang ako sa signal na ibibigay niya dahil yun ang bilin niya sa akin.

Tumayo si Carlo at sinalubong ako, pinaupo niya ako sa tabi niya, umupo naman si Juanang hilaw sa ibang upuan, nakatayo lang sina kuya Jhoe at kuya Jhon sa likod namin (yung glasswall kung saan nagcocontrol ng cctv si Dr.Aiko).

Naramdaman kung hinawakan ni Carlo ang kamay ko habang nakamasid siya sa paligid, seryoso parin ang mukha niya, simula kaninang umaga pa yan hanggang ngayon, di ko ata nasilayan ang kanyang mga ngiti ngayong araw.

Tahimik ang paligid parang ako lang ang tao dito, parang walang balak magsalita ang mga nasa harapan namin.

"Fernando"banggit ni daddy kay Carlo kaya napatingin kami sa kanya, hinigpitan ni Carlo ang paghawak niya sa kamay ko, yung hawak na may pag-iingat, tumingin ako kay Carlo dahil nagtaka ako sa mga kilos niya.

"nandito kami para kunin ang anak namin ni Roxanne, wala kang karapatan sa anak namin Fernando, dahil kami ang magulang niya"may diin at galit na sabi ni daddy, napatingin ako kay Carlo, na sunod sunod na umiling, bumaling ang tingin niya sa akin. Pinisil ko ang kamay niya at umiling habang nagtitigan kami.

Pregnant By The Young Mafia Lord(COMPLETED)Where stories live. Discover now