CHAPTER 65: Back Off

Start from the beginning
                                    

"Tumigil ka nga jan. Pag ito nagamot tignan mo isasapak ko to sa muka mo." sabi naman ni Blake.

Nang matanggal ko na ay nilagyan ko lang ng gamot at tsaka nilagay ang bandage paikot sa braso niya.

"Mabuti pa Blake wag ka nang sumama. Baka lumala pa yan." suggestion ni Ren.

"Hindi. Kaya ko. Hindi pwedeng hindi to matapos. Matagal nating pinaghandaan to." sagot ni Blake at tumayo.

"Hindi ba pwedeng ipagpaliban nyo muna to? Mas lalo lang kayong mapapahamak eh. Pag tinuloy niyo to baka mas lalo pa ang mangyari sa inyo. Go out of the country without them knowing prepare for it. Wag kayong padalos dalos." sabi ko naman.

"No! Hindi ko hahayaan na may mangyari pang masama. This needs to end right now." matigas na sabi ni Ren.

"Mabuti pa iuuwi ko na si Blake. Baka kung mapano pa siya dito. Blake tara na aalis na tayo. Baka lumala pa yang sugat mo." sabi ko at inalalayan si Blake na tumayo.

"Kate wag na. Kaya ko naman eh. Kaya ko pa aabot pa to." sabi naman niya.

"Kaya? Tignan niyo nga yang mga itsura niyo? You look like trash. Tsaka wala naman na sila sa warehouse. Kung nandon man sila bakit sila magpapasabog ng bomba?" sabi ko habang nakapamewang.

Nakatingin lang silang lahat sa akin. Walang imik at mabigat na paghinga lamang ang maririnig.

"Matt call all of them. Tell them to go back in SH. Cancel all the plans." sabi ni Ren at agad namang ginawa ni Matt.

May kinuha lang siyang device sa bag ni Blake at nagsalita na.

"This is Matthew Adriane Rivera from North department speaking. Clashers return to SH now. All plans are cancelled. Keep everyone safe. I repeat go back to SH." sabi niya at pinatay na ang device.

"Hahatid ko na kayo sa sasakyan." sabi naman ni Ren.

Inalalayan naman nila si Blake na maglakad dahil nanghihina na siya. Sumama muna ako sa kanila. Alangan namang ako lang mag isa dito diba?

Nang maihatid na namin sila ay bumalik sa kami kung nasaan yung kotse ko. At kasama ko ngayon si Ren. Siya na daw kasi ang magdadrive.

Pumasok na kami sa loob ng sasakyan at hindi parin pinapaandar ni Ren yung sasakyan.

"Do you really wanna drive? I can drive kung pagod ka." sabi ko naman.

"No, I can drive. May iniisip lang ako." sagot naman niya.

So ako naman ay nag ayos ng sarili dahil ang dungis ko na. Luckily may mga damit ako dito sa loob ng sasakyan.

"Ren, can you turn back? Magbibihis sana ako eh." tanong ko sa kanya.

Hindi na siya nagsalita kaya kumuha na ako ng wipes at pinunasan ang mukha ko at mga kamay.

Kinuha ko lang yung maliit na bag sa likod ng upuan ng driver seat at sinuot ang grey hoodie. Hindi na ako nagpalit ng pants kasi masikip dito.

"You can now turn back." sabi ko at inayos ko lang yung buhok ko.

Tumigil ako ng maramdaman kong naka titig sakin si Ren.

"Hey! Are you ok?" tanong ko at hindi parin siya nagsalita.

Aba di ka magsasalita ah.

Parang nahimasmasan niya ng halikan ko siya ng mabilis.

I'm about to pull out from what I did when he deepen the kiss, and that cause me to kiss back.

"I can't loose you again." sabi niya ng bumitaw sa pagkakahalik namin.

"You won't!" sabi ko at ngumiti.

"AC you wanna go somewhere?" tanong niya.

"Ok lang naman. Pero ang dungis mo kaya. Teka nga lumapit ka dito pupunasan ko yang muka mo." sabi ko at kumuha ng wipes. Lumapit naman siya agad.

Pinunasan ko lang yung mukha niya at napapatitig ako sa mga mata niya.

He's so handsome. No wonder I fell for him.

"AC! Tulalang tulala ah." sabi niya at tumawa ng mahina.

"Yan ok na." sabi ko naman.

Pinaandar na niya yung sasakyan at pumunta kami sa isang gasoline station para magpa gas.

"Full tank please." sabi ni Ren at nang tignan ko yung maglalagay ng gas ay isang babae.

Kinurot ko naman si Ren sa tagiliran.

"Aray!" daing niya.

"Wag ka nang lumandi jan. Gusto mo bang pasabugin ko kayong dalawa ha?" inis kong sabi.

"Are you jealous?" tanong niya.

"Me? Jealous? Never! Magsama pa kayong dalawa!" sabi ko at tumingin nalang sa bintana.

"Sir 850 po." pabebeng sabi ng babae.

"Sir 850 po." pang gagaya ko sa kanya.

"Can I use credit card?" tanong naman ni Ren.

"It's ok sir. Can I have it now?" pabebeng tanong ng babae.

"AC pakikuha naman sa bulsa ko yung card holder ko?" tanong ni Ren sakin.

Anlandi ng babaeng to ah. Teka nga ipapakita ko sayo na sakin lang siya.

Habang kinukuha ko yung card holder sa bulsa niya ay hinalikan ko siya at tumingin sa babae.

"Hey easy babe." sabi naman ni Ren.

Inabot ko na sa kanya yung card holder at ibinalik ang tingin sa bintana.

"Here is your receipt sir." sabi ng babae. Aba hindi ka titigil?

Agad kong binuksan ang lalagyan sa tabi ng upuan ko at kinuha ang maliit na kutsilyo at pinaikot ko ito sa kamay ko.

"Thank you." sabi ni Ren at tumingin sakin. "Anong ginagawa mo?" tanong niya sakin.

"Paandarin mo na kung ayaw mong may magawa akong mali." sabi ko naman. At agad naman niya itong ginawa.

Dapat lang no! Baka kung ano pang magawa ko dito! Napakalandi ng babae!

"Ang landi ng babaeng yon! At ikaw naman nagpapalandi rin!" sabi ko at tinignan siya ng masama.

"Hey! Hindi ako nagpapalandi. Kasalanan ko ba na gwapo yung fiancé mo?" tanong niya sakin habang nagmamaneho.

Bahala nga siya jan. Nakakainis tong taong to! Nakakagigil!

My Gangster BestfriendWhere stories live. Discover now