CHAPTER 29

10.9K 226 3
                                    

"Hoy kuya tapos ka na ba?" rinig kong sigaw ng kapatid kong si Kenji sa labas.

Nasa banyo ako at siya naman ay nasa labas. Dito rin siya maliligo dahil puno na sa ibang kwarto.

It's about an hour bago magsimula ang program para sa gaganaping debut ni Kian. Kaya mabilis akong kumilos.

Kaagad akong lumabas at nakita ko si Kenji na inip na inip sa kakahintay. Hinampas niya ang tagiliran ko at dali daling pumasok sa loob ng banyo.

Matapos kong magbihis ay nakita ko na ring tapos na sa pagligo si Kenji.

Bumukas ang pintuan, nakita ko si Ate at nakapamewang na nakatingin saming dalawa.

"Ang tagal niyo namang dalawa." singhal ni Ate sa amin.

Napakamot ako ng ulo at saka nagmadaling ayusin ang sarili ko.

Nagsuklay, konting spray ng perfume at tapos na. Napabaling ako ng tingin at nakita ko si Kenji na hindi na magkaintindihan sa ginagawa niya.

Napahalakhak ako sa nakikita ko, napatitig siya sa akin at saka binigyan ako ng masamang tingin.

"Bilisan mo daw kuya, isasayaw ka pa daw ni Kian HAHAHA", natatawang sambit ni Kenji.

Napakunot ang noo ko kaya natahimik siya.   Kinuha ko sa ilalim ng kama ko yung regalo at saka bumaba at nilagay sa may compartment ng kotse.

"Handa na ba ang lahat?", tanong ni Daddy at napatango tango kaming lahat.

Kumpleto na kami sa kotse , Si Mommy, Daddy, Ate Klein, si Kenji at syempre ako.

Buti na lang at walang traffic kaya mabilis kaming nakarating don.

Maraming ng tao ang nakikita ko kahit hindi pa ako nakakapasok. Sumalubong sa amin si Kian at ang mga magulang niya, Nakipag-beso beso sila sa amin.

"Hapoy Birthday Dre.", bati ko kay Kian na may bahid na ngiti.

Umawang ang kanyang labi "Thank you."

Inakbayan niya ako at niyaya kami sa loob.

"Halina na po kayo tita", Si Kian at sumunod naman sila.

Hidni ko inaakalang mas marami pala ang tao kesa kanina, Karamihan sa mga nandito ay mga classmates ko at mga kamag-anak naman ni Kian.

"Nakakahiya naman", bulong ko kay Kian.

"At nahiya ka pa talaga", Si Kian at saka tumawa.

Dinala kami sa loob ni Kian, marami ring tao sa loob na pawang nagpapahinga.

"Tita dito muna po kayo sa labas, mainit po kase sa labas eh", Si Kian at tumango tangi na lang kami.

Naasinghap ako ng hangin at dinamdam ang aircon nila.

Ang lamig!

**

After naming magpahinga ay nakita ko si Kian.

"Tita magsisimula na po ang program."

Napabalikwas kami dahil sa sinabi ni Kian, nga 10 minutes ang naging pahinga kaya nakaramdam kami ng ginhawa sa katawan.

"Lets go?", anyaya ko kina Mom at Daddy.

Napabuntong hininga ako at saka lumabas.

"Ang dami ng tao sa paligis at halos nagkakagulo na sila sa paningin ko.

Napaupo kami sasilya na inoffer sa amin nung isang Babae.

Napatingin ako sa unahan naroon ang Emcee na siyang nagwewelcome sa mga bisita.

"Good evening to all of us"

I look around and suddenly I see a girl.

A girl who named Aiah.

Prank Love(COMPLETED)Where stories live. Discover now