CHAPTER 22

11.1K 250 2
                                    

Napangiti siya ng makita ako, Agad siyang pumunta sa gawi ko at umupo sa tabi ko.

Hindi ko siya pinansin at binaling ang tingin sa kabilang direksyon.

"Nabasa mo ba yung text ko sayo nung isang araw?", napakunot ang noo ko sa sinabi niya kaya napatingin ako sa kaniya.

"Ibig sabihin ikaw yon?", gulat na tanong ko.

Tumango siya at saka tumawa.

"San mo nakuha ang number ko?", tanong ko.

Natawa na naman siya.

"Kailangan ko pa bang sabihin? Hahaha, ang mahalaga nasa akin na ang number mo"

Napataas ang kilay ko sa kanya.

"Mahalaga?", pagkukumpirma ko.

"Oo"

"Para sayo, Mahalaga, pero para sakin isa yong basura", natigilan siya sa sinabi ko at saka napayuko.

"Galit ka pa ba sa akin?", may bahid na pagmamakaawa ang tono niya.

Hindi ako sumagot.

"If may galit ka pa sa akin,meron ba akong kailangan gawin para mabawasan iyon na kahit konti", dagdag niya.

Napabuntong hininga siya at saka inayos ang sarili niya.

"Alam kong may galit ka sakin, at nararamdaman ko iyon, maaaring ayaw mong sabihin dahil ayaw mong mahirapan ako.

Natigilan ako. Mukhang alam niya ang nasa isip ko.

"Naalala mo ba nung tayo pa.", napangiti si Frecy pero ramdam ko ang lungot sa bahid ng pananalita niya.

"Lagi tayong nagkikita dito mismo tuwing umaga, laging magkahawak ang ating kamay at nagkukuwentuhan tungkol sa buhay natin.", namasa ang aking mata. pilit kong pinigilan iyon.

"At alam mo ba na sa tuwing nakikita kita, ikaw na yung gusto ko makasama hanggang sa pagtanda, pero natigil iyon dahil sa isang pangyayari."

Natigil siya sa pagkukuwento. Halos maluha ako sa naalala ko!"

"Dahil mismong magulang natin ang naglayo sa atin pareho", Sambit niya.

Hindi ko inaakalang kaya niyang ipaalala ang mga nangyari noon.

"Medyo matagal ako nakarecover dahil sa biglang pangyayaring iyon", napatingin ako sa kanya habang nagkukuwento. Nakita ko ang pagpatak ng luha niya sa bato sa baba.

Naramdaman ko din ang ipinapahiwatig niya.

"Ako din naman diba, nahirapan din naman akong kalimutan ka, dahil iba pa rin yung ating pagsasama", halos mangiyak ako sa sinabi kong iyon.

Napatingin siya sa akin. at saka niya pinahid ang luha sa aking mata.

Hinawakan ko ang kamay niya para pigilan

"Let me do this to you", natigilan ako.

"Namiss ko lang yung dati, ikaw lang kase ang nagparamdam sakin ng tunay na pag-ibig", napangiti siya habang nagingilid ang luha sa mata.

"Ibig sabihin, nung simula nang nawala tayo, hindi ka na naghanap pa ng iba?", gulat na tanong ko at mas nagulat ako sa sagot niya.

"Oo", sagot niya. "Hindi ako naghanap ng iba, at hinanap kita, baka kase may pag-asa pa, pero nung nakita ko na may iba kang kasama, At masaya ka sa kanya, napangiti ako dahil yung saya pala na nagagawa ko sayo dati, nagagawa din palang iba", napangiti siya.

"Kaya ito na lang huling beses na kukulitin kita", umawang ang kabi niya, "Congats sa inyo ni Aiah, Stay strong", sabi niya at saka lumapit sa akin  at saka ako hinalikan sa pisngi.

Prank Love(COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt