CHAPTER 28

10.8K 217 4
                                    

-----1 YEAR LATER-----

A  days, weeks, months and year have passed. Maraming pagbabago ang naganap, Gumaraduate kami pareho ni Kian , Naging Successful na sa pagiging teacher si Ate at si Kenji naman ay Graduated na sa Junior High.

Kasalukuyan akong nasa kusina, Nandito pala ngayon si Kian at iniinvite niya kami sa debut niya bukas.

"Oh dre be prepared hah, ikaw isasayaw ko bukas", Natatawang biro ni Kian at nagsitawanan naman sina Mommy at ako naman ay napangiwi lang.

"O sige po tita late na ako, marami pa po akong gagawin, See yah na lang bukas", Si Kian.

Lumapit siya sa akin.

Hinawakan niya ako sa balikat ko. At ngumiti lang siya.

Sira!

Pinagmasdan ko na lang ang paglabas ng bahay ni Kian.

"Bye po Tita", rinig kong sigaw ni Kian sa labas.

Siraulo Talaga.

Bumaling ako kina Mom.

"Pahinga kana baby KD para bukas," si Mommy at tumango tango na lang ako.

Iniwan ko sila sa kusina at umakyat ako sa kwarto ko, Kakatapos lang namin kumain kasama si Kian.

Wala  sa sariling binagsak ko ang aking katawan sa malambot kong kama.

Nakakapanibago.

Bumangon ako at saka tinignan ang aking cabinet. Nandoon ang susuotin ko para bukas.

Napabalikwas ako, Narinig ko kaseng nag-ring ang phone ko.

Si Harley!

"Whatzup dre", Sigaw ni Harley matapos kong pindutin ang answer button.

"Hello", walang ganang sagot ko.

"Handa ka na para bukas?", Mukhang sa tono nang pananalita niya ay nababasa niya na kinakabahan ako.

"Hindi eh", narinig ko siyang bumuntong hininga.

"See you na lang dre", Sabi niya at saka binaba ang linya.

Napabuntong hininga ako at saka sinara ang cabinet. Matapos no'n ay tumayo ako at saka nagdiretso sa banyo para maligo. Gabi na kaya halfbath na lang ang ginawa ko, hindi naman sa tamad ako maligo, malamig kase yung tubig Haha.

Nagbihis ako pagkatapos at saka sandaling bumaba sa kusina. Bakas sa mukha ni Mom ang pagkagulat.

"Oh Baby ba't hindi ka pa natutulog?", Tanong ni Mommy.

"Kukuha lang po ako ng tubig Mom", napatango tango na lang siya kaya mabilis akong kumuha sa ref ng isang bote at dala dala ko yon sa taas. Ni lock ko na ang pinto at saka nilagay ang dala ko sa minitable at naupo muna sa kama ko. Binuksan ko ang bottled water at saka uminom.

Napabuntong hininga ulit ako at humarap sa salamin. Minsan nga medyo nagiging siraulo ako dahil tinatanong ko ang sarili ko sa salamin.

**

Time check

8:04pm

Hindi pa rin ako nakakatulog, ewan ko lang kung bakit, dahil ba to sa malamig na aircon oh sadyang hindi talaga ako makatulog. Napabangon ako at saka kinuha ang dala kong tubig kanina na wala ng lamig sa ngayon.

Ibinaba ko ang bote sa minitable at sumilip sa ilalim ng kama ko, nandoon ang Regalo ko para kay Kian bukas, Kinuha ko iyon, Nakalimutan ko palang lagyan ng mga greetings at saka mga pangalan kaya kinuha ko ang ballpen sa may tabi at saka nagsulat ng mga kung ano-ano.

It's 8:24pm na, napahikab ako at saka napabuntong hininga. mukhang inaantok na ako kaya binalik ko ang regalo sa ilalim ng kama at tuluyang tumulog sa malambot kong kama.....

Prank Love(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon