CHAPTER 6

17K 381 1
                                    

Napabangon ako sa pagkakahiga, nabuhayan pa ako sa pagkagising maamoy ko ang niluluto ni Mommy.

Inayos ko ang aking sarili at saka pumunta sa banyo, naligo, nagbihis at saka bumaba at pumunta sa kusina. Nandoon kaming lahat at masaya kaming kumain ng almusal.

Matapos non ay sumakay na kami sa Kotse at saka pumunta na sa School.

Nanibago tuloy ako dahil ngayon lang kami natahimik sa byahe, kaagad kong pinark sa parking lot ang kotse at saka umalis.

Tshh. iniwan na naman nila ako.

Bumuntong hininga muna ako bago pumasok sa gate, at ng makaramdam ako ng galak ay naglakad na ako sa hallway.

Sumalubong agad sa akin si Kian.

"What's Up Dre", natatawa niyang bati kaya napakunot ang noo ko.

"Ano na namang trip mo?", tanong ko sa kanya at napakunot din ang noo niya.

"Oy ba't ka Late?", nalolokong tanong sakin ni Harley, "Siguro, binisita mo pa yung Girlfriend mo"

Natawa ako sa sinabi niya.

"Hindi ko nga alam ang room eh.", sagot ko na siyang nagpangiti ng aking labi.

"Edi sasamahan kita", sabat ni Kian.

"Edi lets go?", Si Harley at saka hinila ang kamay ko.

Hindi na ako pumalag dahil parang ginusto ko din yon, napasunod na lang ako sa kanila hanggang sa makarating kami sa 3rd floor.

"Eto ang Section niya", si Kian.

"Napasilip ako pero sarado pa, tinignan ko ang mga studyante sa paligid at nagbabakasaling nandoon si Aiah pero bigo ako at wala akong maski nakita.

"Wala pa siguro", si Harley.

Bumaba na kami sa room namin, kaagad kong binaba ang aking bag at saka tumulala sa upuan.

**

Lunch na?

Nakita ko ang mga kaklase ko at kumakain na sila. Napaawang aking labi ng mapagtantong 4 na oras akong tulala.

Hayys lagot ako neto!

Lumapit sa akin si Kian

"Antok dre?, Hahaha", natatawang aniya at umupo sa tabi ko

I nodded at him as an agreement.

Antok na antok talaga ako.

"Ay nako Dre, At ano naman yang dahilan kung bakit nagpuyat ka?", hindi ko siya sinagot.

Natapos ang lunchbreak ng wala akong ginawa. Hindi ako kumain, Hindi ako uminom at hindi rin ako umalis sa aking upo. Hindi kase ako nakaramdam ng gutom kaya Hindi na ko lumabas.

"Ok class dismissed", yan ang huling linyang nadinig ko mula sa aming last teacher, lahat ng mga kaklase ko ay napabalikwas at kanya kanyang sinakbit ang bag, napatayo ako at sinakbit ang bag ko. Nandilim ang paningin ko at tila gumagalaw ang mga bagay sa paligid ko.

Naramdaman kong may humawak sa akin at si Kian.

"Ok ka lang dre?"

I nodded.

"Sige dre see you tomorrow", paalam niya at lumakad papalayo.

Dinaanan ko pa ang room ni Kenji dahil ang tagal nila sa parking lot pero wala na siya doon, may nakapagsabi pa nga na umuwi na daw siya kasama si Ate.

Nang dahil sa nalaman ko ay pumunta na ako sa parking lot at pinaandar ang kotse hanggang sa makarating ako sa bahay, kaagad kong binuksan ang gate at mag-isang pinasok ang kotse sa garage.

Bago ako pumasok ay sinarado ko ulit ang Gate at walang ganang binuksan ang pintuan., Nanlaki ang mata ko.

Aiah!?

Prank Love(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon