CHAPTER 15

12.8K 265 0
                                    

"Oh anong order niyo?", Tanong ni Aiah sa dalawang lokong katabi ko.

"Kahit ano basta masarap", sagot ni Harley at saka tumawa.

"Oh sige oorder na ako", si Aiah at aastang aalis kaya pinigilan ko siya.

She looked at me  and rolled her eyes in front of me, she put a smile in her lips.

"My treat", nakangiting sambit niya.

"Pero ako ang nagyaya" sagot pero tinalikuran niya ako.

Napa-upo ako sa silya at nakikinig na lang ako sa kwento ni Kian at Harley.

Ilang minuto lang ang lumipas nang dumating na si Aiah, dala dala niya ang mga pagkain na inorder niya.

"Woww ang sarap naman niyan", natawa kami sa inasta ni Harley at tila takam na takam siyang tikman iyon.

Masayang kwentuhan sa gitna nang kainan ang ginawa namin, halos kami lang ang nag-iingay sa loob ng canteen. Hanggang sa makatapos kami ng pagkain ay tuloy tuloy pa rin ang aming kwentuhan.

"Bye Kaede", paalam ni Aiah dahil tapos na ang Lunchbreak.

Tumango tango na lang ako kaya nilisan niya na ang canteen. Tumingin ako sa dalawa kong kasama at halos hindi na sila makatayo sa inuupuan nila ngayon.

"Tara na", anyaya ko.

Biglang namang umangil ang dalawa.

"Wait lang naman, busog pa kami", si Harley.

Inis ko silang tinalikuran at naglakad sa corridor ng mag-isa hanggang sa marating ko na ang Room namin. Halos nandoon na lahat ng mga kaklase ko at tila si Kian at Harley na lang ang kulang.

At nang makarating ang dalawa ay nagdiretso na agad sila sa upuan nila dahil bigla na lamang dumating ang next teacher namin.

Discuss.

Discuss.

"Mr Herscey!",, My name repeatedly echoed in my ears.

Natinag ako at saka tumingin sa pinanggalingan.

Napayuko ako ng makita ko si Sir Guafo na may galit na tingin sakin.

"Sorry Sir"

I heared him sighed. kaya napabuntong hininga na rin ako.

Itinuloy niya ang pagtuturo niya kaya napilitan akong makinig.

Discuss.

Discuss.

Discuss.

Dismissal.

Kanya kanya kaming bitbit ng bag sa labas dahil labasan na. Dumaan muna ako sa room ni Ate para sunduin siya kaso may Kailangan daw silang gawin, Tumungo rin ako sa room ni Kenji pero may project daw sila.

Nakaramdam ako ng tuwa at mukhang masosolo ko na naman si Aiah, agad akong pumunta sa room niya pero nagkaklase pa sila.

Nakita ako ni Aiah kaya napangiti siya, may kung anong tinignan siya sa baba at ng umangat siya ng tingin ay nagvibrate ang phone ko.

Hintayin mo na lang ako sa parking lot.
-Aiah Joy Arielleh
4:08 pm

Pumunta na ako sa parking lot, kakaunti na ang sasakyan doon dahil mukhang nakaalis na.

I leaned at my car at saka tumingin sa madilim na kalangitan, maya maya ay biglang bumuhos ang malakas na ulan, Papasok sana ako sa kotse ko ng biglang may humigit ng kamay ko at kasabay ang pagtama ng aming labi sa isa't isa.

Wala sa sariling naitulak ko siya.

Nanlaki ang mata ko.

"Frecy?", hindi makapaniwalang sambit ko ng makita ko siya sa harap ko. Mas lalong akong nagulat ng makita ko din siyang naka-uniform ng school na pinapasukan ko.

Prank Love(COMPLETED)Where stories live. Discover now