CHAPTER 3

19.8K 483 2
                                    

Naningkit ang mata ni Wencell dahil sa sinabi ko, bakas sa kanyang mukha ang pagkagulat at tila hindi naniniwala sa sinabi ko.

Napangisi siya at maya maya ay nagbago ang ekspresyon ng mukha niya sa pagiging seryoso.

"Hindi pa tayo tapos Aiah", banta ni Wencell na dinuro duro pa si Aiah at saka umalis.

Nang makaalis si Wencell ay Hinarap ako ni Aiah, nakapamaywang siya sa harap ko at tila sinasaulo ang aking anggulo, Napangiwi siya at saka bumaling ng tingin at tinalikuran ako.

Hinayaan ko na lang siya dahil malapit na mag 7 am para magklase, Hinabol ko pa siya ng tingin kahit nasa malayo pa siya at hanggang sa mawala na siya sa aking paningin.

Napabuntong hininga ako at saka nilakad ang bawat Corridor, Naiilang ako maglakad dahil bawat lakad ko ay nakatingin sa akin ang mga studyante.

Nakarating agad ako sa Room ko, Nang makita ko kaagad si Kian ay napangisi ako ng may mabuong kalokohan sa isip ko, Palihim akong lumapit siya at sika siya binatukan.

"Araaay!", angil niya, Napahawak siya sa kanyang batok ng hampasin ko iyon.

Nilingon niya ako kaya napatawa siya.

"Hahahaha", humalakhak na naman siya.

"Dre, Kamusta Love life?", kinindatan niya pa ako at tila niloloko ako tungkol sa mga nangyari kahapon.

Naningkit ang aking mata.

"Okay naman", sagot ko at saka ngumisi.

Napanganga siya sa sinabi ko.

"Ibig sabihin.....Pinatulan mo?",gulat na tanong niya na halos nanlalaki na ang mga mata.

I nodded and smiled.

"Hahaha astig ka talaga Dre, kung sabagay maganda naman siya at mayaman pa", sagot niya na siyang kinagulat ko.

Mayaman sina Aiah?, Wow? Teka paano nalaman ni Kian na mayaman sila?

"Kian!, paano--------"

Natigil ako sa pagsasalita ng pumasok na ang Adviser namin, kaagad na tumakbo si Kian papunta sa kanyang Upuan.

Ilang oras akong nakatulala at  nag-iimagine ng kung Ano-ano, tulad ng mga sinabi kanina ni Kian, Recess na kaya hinanap ko si Kian pero wala siya sa upuan niya at tila nag-recess kasama sina Harley.

Tahimik lang ako sa aking upuan, di naman kasi ako mahilig magpabida, umingay lalo na kung wala naman patutunguhan.

Late na nung pumasok si Kian sa Next subject kaya wala akong panahon para itanong ang mga bumabagabag sa isip ko.

Hindi ko magawang lumipat ng upuan dahil parang maninibago ako, hanggang tingin na lang ako kay Kian hanggang sa mapansin niya ako, pero hindi eh, di siya makatingin sakin at naka-focus lang sa teacher namin dahil kunwaring nakikinig, Hayss Kian Hindi mo ako maloloko.

Sa wakas lunch-break na kaya kanya kanya kaming upo at humanap ng six seats sa canteen upang magkasya kaming anim, katabi ko ngayon si Kian at nasa harap ko naman si Harley, habang ang iba ko pang mga kasama ay nakatulala lang at hinihintay ang mga order.

Sandali kong tinabig ang braso ni Kian dahil busy siya sa  kakausap sa kanyang kapatid na si Jillian.

"Anong problema mo?", taas kilay na tanong niya sa akin

He rolled his eyes and look at me directly.

Tila naghihintay siya ng sagot.

"Bakit mo alam na----"

"Dahil Pinsan ko siya, pinsan ko si Aiah", mas mabilis pasa kidlat na sagot niya habang ako ay bakas sa pagkagulat.

Prank Love(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon