CHAPTER 23

10.8K 234 3
                                    

Nginitian niya na lang ako bago siya umalis, Bakit ako umiyak?, Ibig sabihin may natitirang pa akong pagmamahal sa kanya?

Natigil ako sa pag-iisip at saka tumingala sa langit at tuluyang tumulala sa kawalan.

Maggagabi na pero nandito parin ako sa labas, pumasok na ako sa loob, medyo kakaunti na ang mga nakita kong tao na bisita ni Tita.

"Oy san ka galing?", tanong sakin ni Ate na magkasalubong ang kilay.

"Sa labas, nagpahangin", walang ganang sambit ko at saka nilagpasan siya ng tingin. Pagkaakyat ko ng kwarto ay nahiga ako dahil nakaramdam ako ng pagod.

**

Napabangon ako. pawis na pawis ako, kinuha ko ang relo ko at saka tinignan iyon.

9:32pm

Inayos ko ang sarili ko at saka nagpalit ng damit at saka sinakbat ang bag ko. pagkababa ko ay nagulat si Ate at Mommy.

"Oh KD?, san ka pupunta?", si Mommy.

"Uuna na ako mom, may kailangan pa akong asikasuhin."

"Gabi na, hindi ba yan pwede bukas?", umiling ako.

Hindi na nagtanong si Ate dahil alam niya na ang ibig sabihin ko. Nang makalabas ako ay nakita ko si Daddy na nag-iinom.

"Oh anak san ka pupunta?", tanong ni Daddy.

"Uuna na ako Dad, may kailangan akong asikasuhin", Tumango tango na lang siya.

"Good luck", binigyan niya ako ng ngiti kaya dumeretso na ako sa labas. Buti na lang may pera pa ako kaya napilitan akong sumakay sa Jeep.

Tumingin ulit ako sa relo ko.

10:03pm.

Nandito na ako sa lugar kung san ko gusto pumunta. Sa harap ng bahay nina Kian.

Pinagkiskis ko ang aking mga palad at inilagay iyon sa aking pisngi, nanlalamig ako, nakalimutan kong mag-jacket.

Kinuha ko ang phone ko sa aking bulsa at saka dinial ang number ni Aiah.

"Hello?", sagot niya. "Napatawag ka?", mukhang may galit ang bahid ng pananalita niya.

"Narito ako sa harap ng bahay nina Kian."

"Bakit ka nandiyan?, Umalis ka na baka makita ka ni Mama.", halos hindi ako makapaniwala sa naririnig ko.

"Diba gusto mo ako makita?", nangigiyak na sambit ko.

"Pero--- gabi na!, pwede naman bukas."

"Nangako ako na ngayon tayo magkikita."

"Pero hindi mo gugustohin ang mangyayari kapag nakita tayo ni Ma-"

"Wala akong pakielam!", putol ko sa sinabi niya. Ramdam kong natigilan siya.

"Kung ako sayo, aalis na ako", si Aiah.

"P-pinapaalis m-mo Ako?", nanginginig ang boses ko.

"Hindi naman sa ganon Kaede, ang akin lang ay umalis ka na dahil ayaw kong magkasakit ka, Malamig sa labas kaya please lang umalis ka na."

"Hindi ako aalis", sambit ko at pinatay niya  ang linya.

Napaupo ako sa may drainage at saka luhaang yumuko.

Hindi ko inaakalang magiging ganon ang trato sakin ni Aiah.

Ibig sabihin galit nga siya!

Itinigil ko ang aking iniisip, imposible yon, wala naman akong ginagawa na ikakagalit niya.

Napatunghay ako ng tingin ng marinig ko ang pagbukas ng gate ng bahay nina Kian.

Nakita ko si Aiah, Pilit na ngiti ang binigay niya sa akin.

"Sorry for waiting", sambit niya at saka niya ako hinila papalayo sa may gate nila.

Prank Love(COMPLETED)Where stories live. Discover now