CHAPTER 16

11.9K 257 3
                                    

"I miss you"

"What?", napabulalas ako, "Tapos na tayo diba?", sabi ko at napayuko naman si Frecy.

"Pero, Miss na kita", nangingiyak na sambit niya.

Napabuntong hininga ako.

"Im sorry, pero hindi na kita miss", sabi ko at saka tumalikod sa kanya.

Nakita ko si Aiah sa likod ko. Pilit siyang ngumiti.

Hinila ni Frecy ang kamay ko at yinakap niya ako. Nakaramdam ako ng inis, mukhang sinadya niya yon para magselos si Aiah.

Kumalas ako sa pagkakayakap at tinulak siya palayo.

"Ano ba?", angil ko.

Lumapit sakin si Aiah.

"I'm not jealous", Aiah murmured.

Bumaling ng tingin si Aiah kay Frecy at lumapit sa harap nito.

"PAK"

Malakas na sinampal ni Aiah sa mukha si Frecy.

Napahawak si Frecy sa kanyang mukha at tila hindi niya yon inaasahan.

"Yan ang nararapat sa mga malalanding tulad mo", sigaw ni Aiah sa pagmumukha ni Frecy.

Halos matulala na lang ako sa nasasaksihan ko. Wala akong magawa kundi ang tignan sila.

"Ako malandi?", nakangising sambit ni Frecy.

"Sino pa nga ba?", sagot naman ni Aiah.

Akmang sasampalin ni Frecy si Aiah nang bigla ko siyang pigilan.

"Hurt her once, and I'll hurt you twice", banta ko kaya napatigil siya.

Hinawakan niya ang kamay ko.

"Balik na tayo please", She said.

Inalis ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Im sorry, pero wala ka nang babalikan"sabi ko at saka binuksan ang kabilang pinto ng kotse ko.

Nagtama ang paningin nilang dalawa. ramdam ko ang galit na nadarama ni Aiah.

"Aiah", I smoothly call her name to make her calm.

Tumingin siya sa Akin at saka inirapan si Frecy.

Napangiti si Aiah at pumasok sa loob ng kotse ko.

Kaagad akong pumasok sa loob ng kotse, parehas kaming basa ni Aiah, pero wala akong pakielam don, dahil ang gusto ko lang maihatid na si Aiah sa kanila para makaligo na siya at maka-iwas sa sakit.

Nang makarating kami sa bahay nina Kian ay lumabas ako at pinagbuksan siya ng pinto.

"Hatid kita?", Umiling siya.

"Wag na, Liligo na din ako tsaka magpapahinga ako", sabi niya at saka lumaoit sa akin, hinalikan niya ako sa pisngi.

"GoodBye", sambit niya at saka ngumiti at matapos non ay pumasok na siya sa loob.

Napabuntong hininga ako at saka pumasok sa loob ng kotse, pinaandar ko iyon hanggang sa makarating na ako sa bahay namin.

"Baby KD", bungad sakin ni Mommy at saka niya ako yinakap. "Basang basa ka, akyat ka muna sa taas, maligo ka, baka magkasakit ka", tumango tango na lang ako sa sinabi ni Mommy.

Matapos kong makaligo at makapagpahiba ng konting oras ay tumungo ako sa kusina dahil tumawag na si Kenji dahil kakain na.

"Baby KD, kumusta naman kayo ni Aiah", muntik ko nang maibuga ang pagkain sa bunganga ko.

"Oh tubig", iniabot sakin ni Ate ang isang basong tubig.

Binigyan ko na lang ng ngiti si Ate.

"Mom ang itanong niyo ay yung nangyari sa kanila kagabi", Natatawang sabi ni Ate.

Napakunot ang noo ko at sinamaan siya ng tingin.

"Oo nga baby KD, ano nga bang nangyare?", mukhang pati si Mommy ay natatawa na rin sa tinatanong niya.

Hindi ko sila pinansin hanggang sa makatapos kami sa pagkain.

Matapos non ag nagdiretso ako sa kama at hindi muna natulog.

Kinapa ko ang cellphone ko at saka binuksan yon.

One message received from unknown number.

"I miss you"
8:34pm.

Prank Love(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon