CHAPTER 2

21.6K 510 34
                                    

Naipikit ko ang aking mata, Ano kayang trip nito?

Dahan dahan kong pinindot ang message niya.

"Hoy!, Mr Famous! alam mo bang alam na nang magulang ko na may boyfriend na ako at ikaw yung alam nila!".

Napalunok ako. Ano ba kasi tong pinasok ko Argghh!, Napakamot ako sa aking ulo, hindi ko alam ang sasabihin ko, napatingin ulit ako sa cellphone ng may nag-pop up ulit na message niya.

"Ano pa nga bang aasahan kong sagot sayo eh famous ka nga pala Tskk."

I shrugged my head, hindi ko mapigilan ang aking sarili, parang gusto kong bumalik sa nakaraan para baguhin ang mga kalokohan kong ginawa.

10 pm na pero bakit hindi ako makatulog, hindi ko magawang pumikit dahil hindi ata ako dalawin ng antok.

Bumaba ako para magtimpla ng gatas ng matanaw ko si Ate na nakadapa sa Sofa at tutok na tutok siya sa kanyang laptop. Gulat siyang napatingin sakin.

"Oh Kaede ano pang ginagawa mo?, gabi na ah", tanong ni Ate na may bakas na pag-aalala.

"Hindi pa ako inaantok eh", walang gana kong sagot at tumungo sa kusina at nagtimpla ng gatas.

Wala ako sa sariling nagtimpla at napa-upo sa upuan, hindi ko na nga namalayan na 30 minutes na akong umiinom doon dahil sa aking kakatulala.

Pagbalik ko ay tulog na si Ate sa sofa, wala na akong panahon para buhatin siya papunta sa kwarto niya dahil alam kong kumportable na siya kahit sa sofa , Pagkataas ko sa aking kwarto ko, nagpasalamat ako dahil dinalaw na ako sa wakas ng antok ZzZzZzZz......

Maaga akong nagising, hindi ko alam kung bakit. Parang hindi man lang ako makaramdam ng antok kahit kulang ako sa tulog, Kinuha ko ang towel ko sa cabinet at saka nagdiretso sa banyo para maligo at pagkatapos non ay nagbihis ako at bumaba papunta sa kusina.

"Good morning" bati ko kina Mommy at Daddy.

"Ang aga mo ata magising ah?", Si Daddy.

Nginitian ko na lang si Daddy at umupo sa upuan, wala pa sina Ate Klein at Kenji dahil mukhang naliligo pa, Inayos ko muna ang aking sarili bago ako bumalik sa upuan at saka nakipag-usap muna kina Mom and Dad.

"Good Morning", Bati ni Kenji.

"Ang gwapo ah", si Daddy.

"Pero mas gwapo ako", singit ko at sinamaan ako ng tingin ni Kenji.

Nagsimula na kaming kumain hanggang sa kami'y makatapos, inilabas ko ang aking kotse at saka sila pinasakay pareho.

Nasa may parking lot na kami kaya nagsibabaan na kami at kanya kanyang pumunta sa sariling classroom, mula sa nilalakaran ko ay natanaw ko ang hindi ko inaasahan.

Si Aiah...... at mukhang may kalaban siya.

Napatakbo ako sa kinaroroonan nila at nang makalapit na ako ay hinawakan ko kaagad ang kamay ni Aiah at tinulungan siyang makatayo.

Napatingin ako sa kalaban niya at si Wencell, isa siyang kilalang gangster na babae dito sa campus na to, pero kahit ganon siya ay hindi ako natatakot sa kanya.

"Ok ka lang ba?", tanong ko kay Aiah.

She nod.

"Kaede bakit mo tinutulungan ang lapastangan na ang lakas ng loob na bungguin ako".

"Hindi ko naman sinasadya", si Aiah.

"Hindi sinasadya? Haha", Napahalakhak si Wencell at kinuha ang bottled water na hawak niya at iaastang itatapon kay Aiah.

"Stop!", I gently shout, Tinaas ko ang kilay ko.

"Hurt her once, and I'll hurt you twice."

"She's Mine and She's My Girlfriend", niyakap ko si Aiah, "Ano? May problema ka?."

Prank Love(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon