CHAPTER 25

10.9K 252 0
                                    

2 days ko na palang Hindi nakikita si Aiah, Hindi ko na nga din siya nararamdaman. Kagabi Tinawagan ko siya, pero wala na yung number niya.

Napasipol ako sa hangin. Kakarating ko lang sa parking lot ng school namin sakay ng kotse ko.

"Bye, Kaede", Si ate habang kumakaway kasama si Kenji.

Napangiti na lang ako at saka napabuntong hininga.

Habang naglalakad ako sa hallway, naaninag ko si Wencell. Nakaharang siya sa dadaanan ko.

"Kawawang Kaede!", Nakangising sambit ni  Wencell. "Iniwan ni Aiah", napakunot ako ng noo.

"Anong ibig mong sabihin?", naguguluhan kong tanong kay Wencell.

Tinitigan niya ako sandali.

"Hindi mo alam?", napahalakhak siya. Lalong kumunot ang noo ko kasabay ng pagtaas ng kilay ko.

"Ang alin?", Napahalahak na naman siya.

Napahawak siya sa kanyang baba na animo'y nagiisip.

"Mas maganda siguro kapag ikaw ang naka-alam", Matapos niyang bitawan ang salita ay iniwan niya akong tulala at nag-iisip kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng mga sinabi niya.

Tulala akong binagtas ang bawat corridor. Lalong nanginig ang buo kong katawan sa mga bulungang naririnig ko. Tulad din iyon ng mga sinabi kanina ni Wencell.

"Anong ibig nilang sabihin?"

Nang makarating ako sa room namin ay biglang natahimik ang maingay kaninang mga kaklase ko, halos nasa akin ang lahat ng kanilang atensyon. Hindi ko iyon binigyang pansin dahil sa tuwing titignan ko sila ay nag-iiwas sila ng tingin.

Naramdaman kong dumaan sa tabi ko si Kian, hindi niya ako pinansin kaya nanibago ako. Kasunod niya din si Harley.

Nakarinig ako ng ingay sa labas kaya nabaling doon ang aking tingin, nakita kong umuulan kaya napakagat ako ng labi at saka tumulala.

**

Napaaga ang aming lunch dahil ni isang teacher ay walang nag-klase samin dahil sa ingay ng ulan. Umorder ako ng makakain ko at saka pumunta sa isang table.

Tahimik lang akong nakaupo  sa upuan na iyon, ng biglang may nakatayo na dalawang tao sa harap ko. Hindi ko makita ang mukha nila dahil nakayuko ako.

Napatunghay ako at saka ko nakita ang mukha nila.

"Si Hyeevan at Wencell!"

Inilapit ni Hyeevan ang kanyang bibig sa mukha ko.

"Kumusta ka na, Kawawang Kaede", Si Hyeevan at saka dahan dahang inangat ang kanyang tingin.

Hindi ko siya sinagot at binalik ang aking tingin sa pagkakayuko.

"Hey, Anong nangyayari?", Narinig ko ang boses ni Kian kaya napaangat ako ng tingin.

Nang makita ko sila ay nanlaki ang mata ko ng makita ko si Kian na kinuwelyuhan si Hyeevan.

Napatayo ako at saka pinigilan si Kian.

Nakita ko siyang nagulat sa ginawa ko kaya nabitawan niya si Hyeevan.

Napahabol ng hininga si Hyeevan.

"Anong bang ginagawa mo?", Tanong ko kay Kian.

"Sorry, akala ko may ginawa na naman siyang masama sayo eh", Si Kian at saka napayuko.

"Relax lang dude, Tinatanong ko lang siya kung ok lang ba siya", Si Hyeevan at tumango tango na lang si Kian.

"Sorry", Si Kian at naangiti na lang si Hyeevan at saka dahan dahang umalis.

Bumaling si Kian ng tingin sa akin.

"Galit ka ba sakin Dre?", Napailing-iling ako at saka ngumiti sa kanya.

"Sorry Dre hah, hindin man lang kita natulungan para kay Aiah", Si Kian.

"Sus, wala yon", nakangiti kong sambit.

"Nakaalis na nga pala si Aiah papunta sa Amerika para doon mag-aral kasama ang kanyang Ama"

Nawala ang ngiti sa labi ko at napalitan iyon ng pagpatak ng luha ko.

Prank Love(COMPLETED)Where stories live. Discover now