CHAPTER 24

10.6K 237 0
                                    

Nang makalayo kami ng kaunti sa may gate nila ay binitawan niya ang mga kamay ko.

Ngumiti siya sa harap ko.

"Galit ka ba sakin?", naguguluhan kong tanong.

Hindi siya sumagot. Napayuko siya.

Hinawakan ko ang kamay niya.

"Galit ka ba sakin Aiah", naluluha na ako sa sarili kong tanong.

Kinabig ko ang bewang niya at niyakap siya ng mahigpit.

Pilit siyang pumiglas sa pagkakayakap na siyang ikinagulat ko.

Nakita kong bumagsak ang luha niya. kaya nahawa din ako.

"I'm sorry Aiah!, Sorry kung naging pabaya ako, ng dahil sa ginawa ko nagalit ang magulang mo", humihikbi-hikbing sambit ko habang nakatingin kay Aiah at magkahawak ang aming kamay.

"You don't have to say sorry Kaede, Wala kang kasalanan, Sa totoo lang ako ang nagpahamak sa sarili ko, pasensiya ka na sa pinagsasabi-sabi sayo ng magulang ko. Sila nga dapat ang sinisisi ko dahil wala lagi sila sa tabi ko", nangingiyak na si Aiah.

"Pero sorry pa rin, Hindi ko kase nagawa ang mga gusto mo, tulad na lang nang pagkikita natin ngayon, naging late ako, Sorry if hindi ko rin sinasagot ang mga tawag at message mo, pakiramdam ko kase pabigat lang ako sayo kaya wala kang mapapala sakin eh", napalunok ako.

"Sorry Aiah, Please patawarin mo ako", nanginginig na ang boses ko, pilit kong kinontrol iyon  pero ayaw makisama ng bibig ko.

Ngumiti si Aiah at saka niyakap ako. "Pinapatawad na kita"

"Talag------

"Aiah sinong kausap----, Ikaw?", natigilan ako ng marinig ko ang boses ng Mommy ni Aiah.

Dali dali niyang hinawakan ang kamay ni Aiah.

Nakaramdam ako ng kaba, alam ko na ang posibleng mangyari, Hindi ko na makikita si Aiah!

"Ikaw na bata ka!,  sinabi ko naman sayo na wag ka na magpapakita sa lalaking iyan, wala yang kwenta", Yung mommy ni Aiah.

Pumiglas si Aiah. "Bawiin mo ang sinabi mo Mom".

"Ba't ko babawiin eh totoo naman?"

Wala akong magawa kundi ang tumulala at panoorin sila, wala akong nararamdaman na sakit sa mga masasakit na salita na sinasabi nila tungkol sa akin.

"No mom, Hindi siya walang kwenta, kayo ang walang kwenta", nakatanggap ng sampal mula sa palad ng kanyang ina si Aiah.

Doon ako napabalikwas sa nakita ko at humakbang papunta sa gawi nila.

"Wag kang lalapit!, Isa kang walang kwenta", ngumisi siya.

"Alam mo naman siguro ang mangyayari diba"

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Diba sabi ko naman sayo, wag na kayong magkikita dahil ako mismo ang maglalayo sa inyong dalawa!", sigaw ng Mommy ni Aiah.

Natigilan ako kahit alam ko naman.

Doon bumuhos ang luha ko. Napaluhod ako sa harapan nang Mommy ni Aiah.

"Tita Please, Nagmamakaawa ako, wag niyo siyang ilayo sa akin", Sambit ko habang umaapaw ang luha sa aking mata.

"Wag mo akong matawag-tawag na Tita"

"Mom please, I'm begging you, Gusto ko makasama si Kaede!", Si Aiah na halos nangingiyak dahil sa mahigpit na pagkakahawak sa kanya ng kanyang Ina.

Sandaling nagkahawak ang aming Kamay ni Aiah. Humigpit ang hawak naming dalawa sa isa't isa.

"Walang bibitaw Aiah", bulong ko sa kanya, pero wala sa sarili ko iyong binitawan dahil alam ko nasasaktan na siya dahil sa paghila sa kanya ng kanyang ina.

Prank Love(COMPLETED)Where stories live. Discover now