CHAPTER 21

11.3K 231 0
                                    

Hindi ko siya nireplyan, Medyo nakaramdam ako ng pagkadismaya.

Bakit pa kase ako nangako!

Natigil ako sa pag-iisip ng may inabot sakin si Kenji na Fries, dumaan pala kami sa drive thru at umorder ng makakain. Kinuha ko iyon ata saka kinain.

"Kumusta na si Aiah", tanong ni Ate.

"Hindi ko alam", sagot ko at saka tumingin sa may bintana.

"Eh ikaw kumusta naman", tumingin ako kay Ate.

"Okay naman", sarsatiko kong sagot. Natawa si Ate at saka niya binaling ang tingin sa may daan.

Malapit lang naman ang bahay nina Tita, ang problema lang kase ay traffic kaya ganito na lang kami mabilis maiinip.

Nang makarating kami ay sumalubong kaagad sa amin si Tita. Niyakap niya si Mommy at saka daddy at hinalikan kaming tatlong magkakapatid.

"Happy birthday po tita", bati naming magkakapatid.

"Salamat, Halina kayo, Kain kayo dali", Si Tita.

Ngumiti si Mommy. "Mamaya na ate, ilalagay na muna namin yung gamit namin sa loob", si Mommy.

"Sige", tumango na lang si Tita kaya napasunod kami kay Mommy pagkapasok ng loob.

Medyo marami akong nakitang tao kanina na sa tingin konay mga kabitbahay at mga kaibigan ni Tita.

Nang makapasok kaming lahat sa isang kwarto ay binaba namin ang mga gamit namin doon. Kaagad na ngang bumaba si Kenji dahil gutom na daw siya at sumunod naman si Ate na gutom na rin.

"Ikaw hindi ka ba nagugutom?", tanong sakin ni Daddy.

Umiling ako. "Mamaya na lang po Daddy"

"Siya sige uuna na kami sa baba", Tumango na lang ako sa sinabi nila. Nang makaalis sila ay napabuntong hininga ako at saka tumungo sa may veranda ng kwarto at saka napasinghap-singhap ng hangin.

Wala pa ring pinagbago, naroon pa rin ang mga bulaklak at mga puno na nakikita ko dati.

"Kuya?", biglang may bata na sumulpot sa tabi ko.

Si Cyndy, ang cute na pinsan ko.

Ngumiti ako.

"Tawag ka po ni Mommy, hinahanap ka po"

Tumango tango ako, "Sige susunod ako", sambit ko at saka kinawayan siya. Papalabas na sana ako ng kwarto ko ng mahagip ng paningin ko ang mga bagay na hindi ko inaasahan. Naroon pa rin yung mga gamit ko, hindi sila nagagalaw at pawang walang gulo na kahit isa. Naalala ko naman yung time na nagbabakasyon ako dito tuwing summer, Lagi kong iniingatan ang mga gamit ko.

Bumalik ako sa reyalidad, agad akong bumaba at saka tumungo sa may labas, nakita ko agad sina mommy at kumakain na sila. Sumalubong agad sakin si Tita, "Uy Kaede, kumain ka na, pumapayat ka na eh", halos matawa ako sa sinabi ni Tita.

Inabot niya sa akin ang isang plato kaya agad akong tumungo sa mga pagkain at kumuha don. Nang makatapos akong kumuha ay nagpunta ako sa table nina Ate at doon kumain.

As usual, nauna sila matapos kaya dali daki akong kumain para makatapos. At ayon na nga natapos ako kaya nilagay ko yon sa mga hugasan at pagkatapos no'n ay tumungo sa loob.

"Insan", bati sakin ni Daniel.

"Uy", bati ko pabalik.

"Tara!, basketball."

"Busog pa ako eh", dahilan ko.

"Ahm sige."

Nang matapos ang usapan namin ay lumabas ako at saka nagpahangin. Sa hindi inaasahan, isang babae ang aking nasulyapan, hindi na ako nabigla sa nakita ko dahil kabitbahay lang siya ni Tita. at saka dito ko din siya nakilala.

"Frecy".

Prank Love(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon