CHAPTER 17

11.8K 246 0
                                    

Nagising ako kina-umagahan kaya dating gawi na naman, ligo, kain at saka alis papunta sa school.

Nang makarating kami sa parking lot ay naghihiwalay na kami nina Ate.

Tahimik ako umupo pagkarating ko, nang dumating nga sina Kian at Harley ay di nila ako pinansin dahil ang dami daw nilang kailangang gawin.

Napabuntong hininga ako hanggang sa dumating na ang adviser namin.

"Good day to everyone, Meron kayong new classmate", Si Mam.

"Maganda po ba Mam?"

"Lalake o babae mam?"

"Gwapo po ba?"

Sigawan ng mga classmates ko, napayuko ako hanggang sa makarinig ako ng isang yabag sa may pintuan.

Napaangat ang aking tingin at nang makita ko ang kabuuan ng mukha niya ay parang gusto kong manlumo sa kina-uupuan ko.

"Damn it"

Nakita ko rin ang reaksiyon nina Kian at Harley, agad silang napatingin sakin pero hindi ko yon binigyang pansin.

"Wow ang gandaa", Sabi ng mga lalake kong kaklase.

May ilang bulungan pa akong nadinig.

"Oy diba yan yung ex ni Kaede?"

"Oo nga daw eh"

"Paano na yan?, parang ang awkward naman"

Napahawak ako sa sentido ko ng biglang sumakit iyon.

"My name is Frecy Laine Hers-- Oh Vergas Rather", lalong sumakit ang ulo ko, parang sinadya niyang gamitin ang apeyido ko.

"Ay grabe naman, ang lakas ng loob gamitin ang apelyido ng Baby ko", rinig kong mga bulungan ng mga kaklase ko.


"May available seats pa ba diyan?", Si teacher kaya napatingin ako sa paligid ko.

Lalong naningkit ang mata ko ng pumunta si Frecy sa gawi ko.

Umupo siya sa tabi ko, dahil abasent yung naka-upo doon. Hindi ko magawang mag-focus sa klase dahil sa babeng to. Meron pa ngang times na kinukulit niya ako, pero hindi ko siya pinapansin.

Lunch Break na kaya pumunta ako Canteen. Hinintay ko si Aiah dahil tinext ko siya kanina na sabay ulit kami kakain.

15 minutes na siyang wala kaya nakaramdam ako ng kaba. Lumakad ako at saka tumungo sa room nila ng makakita ako ng mga nagkakagulong mga studyante.

Kaagad kong tinignan iyon at halos manlaki ang mata ko ng makita ko si Aiah. Nakabulagta siya sa sahig at tila nawalan ng malay. Kaagad kong nilapitan ang duguan niyang mukha.

"Hey, Aiah, Aiah, wake up", nanginginig na sambit ko. Nangangatal ang labi ko at tila nadadamay na rin ang katawan ko.

Tinignan ko ang gumawa sa kanya at tumambad sa akin ang mukha ni Hyeevan ang Boyfriend ni Wencell.

Kaagad akong lumapit sa kanya at saka siya kinuwelyuhan pero natigil iyon ng biglang may pumito. Nakita ko ang Guard kaya wala sa sariling kong nabitawan siya.

Bumalik ang paningin ko kay Aiah at saka binuhat siya. Tinulungan ako ng mga studyante at dinala sa malapit na hospital.

**

Bumukas ang pintuan ng room kung saan nandoon si Aiah.

Lumabas ang Doctor kaya lumapit ako sa kanya.

"Doc kamusta po si Aiah"

Ngumiti lang ang doktor, "Stable naman po ang lagay niya", Nabawasan ang kaba ko sa dibdib dahil sa nalaman ko. Pagkalabas ng doctor at mga nurse ay agad kaming tumungo sa loob at nakita ko si Aiah na puro benda ang mukha at payapang natutulog sa kama niya.

Prank Love(COMPLETED)Where stories live. Discover now