CHAPTER 1

26.5K 507 7
                                    


"Hey little brother", bungad sa akin ni Ate pagkapasok ko sa loob ng bahay.

Umupo ako sa sofa at hinubad ang aking sapatos at saka bumuntong hininga.

Naramdaman kong lumapit sa akin si Ate at umupo sa tabi ko.

"What's this?", pinakita niya sa akin ang cellphone niya na siyang nakapagpakunot ng noo ko.

"Aiah Joy Arielleh is in a Relationship with Kaede Love Herscey".

"What the hell was that", asik ko.

Sineryoso niya talaga yung sinabi ko.

"Ano to Kaede?", tumingin sakin si Ate na may tingin na nakakaloko, naitaas ko ang sarili kong kilay at tumayo at pumunta sa aking kwarto.

Wala sa sarili akong nagbihis at tulalang nahiga sa kama, hindi mawala sa isip ko ang mga nangyari kanina, parang gusto kong bawiin ang sinabi kong iyon, pero paano?, paano ko pa mababawi kung sineryoso niya ang aking sinabi hayyss, Napabuntong hininga ako at saka kinuha ang aking cellphone at saka nag-online.

Bumungad sa akin yung pinakita ni Ate sa akin kanina, maraming nagcomments kaya binasa ko ang mga ito.

Leyni Caballe
"Wow naman Aiah, congrats! ang Gwapo niyaaaa"

Aiah Joy Arielleh replied
"Swerte ko nga eh"

Napakagat labi ako sa nakita ko "Damn it", asik ko at hinampas ang aking kamao sa mga unan sa tabi ko.

Ang tanga tanga mo naman Kaede!, ba't mo kase Pinatulan yon?.

Naalala ko ang may pakana nito, walang iba kundi si Kian.

Lagot ka sakin Kian! Argggh!

Napasulyap ako sa pinto ng bumukas iyon, pumasok roon ang bunsong kong kapatid na si Kenji.

"Kuya kakain na!, sabi ni Mommy", wika niya.

"Sige susunod ako", sagot ko at saka pinatay ang data ng cellphone ko at nilagay sa bulsa.

Narinig ko pang humagikhik sa pagtawa si Kenji.

Ano kayang problema nun?

Kinuha ko ang tsinelas ko sa ilalim ng kama at sinuot iyon, ilang segundo ko pang inayos ang aking sarili at saka bumaba sa kusina.

Nandoon na si Mommy, Daddy, Si Kenji at si Ate Klein.

Lahat nang atensiyon nila ay nasa akin, nailang ako at saka tumawa.

"Ano? ngayon lang po ba kayo nakakita ng gwapo?", biro ko at napangiti sila maliban kay Ate.

"Hay nako Kaede, ikaw talaga kung saan-saan ka nagmana" si Daddy

"Kanino pa po ba?, edi sayo", napangiti si Daddy

"Oh siya, umupo ka na para makakain na tayo"

Umupo na ako at katabi ko ngayon si Ate hindi niya ako pinapansin at para bang may galit sa akin.

Sumandok ako ng kanin at saka ulam at saka dahan dahang sumubo.

"Balita ko ay may Lovelife ka daw"

Napa-ubo ako sa harap ni Ate dahil sa sinabing iyon ni Daddy.

"Oh tubig", walang emosyong iniabot sakin ni Ate yung bottled Water.

"Ah wala po yun", nahihiya kong sagot.

"Anong wala, Hahaha", natawa si Daddy.

"Kumain na lang po tayo", pag-iiba ko ng usapan na siyang kinatawa ni Daddy.

Natapos na kaming kumain kaya nagpasya na akong pumunta sa aking kwarto, Hinubad ko ang aking short hanggang sa naka-boxer at sando na lang ako.

Wala sa sariling binuhay ko ang data ng cellphone ko at nag-online ulit.

One message received from Aiah Joy Arielleh.

Prank Love(COMPLETED)Where stories live. Discover now