Kabanata 38

Mulai dari awal
                                    

"T-tama na, Leo! That's enough! Y-you're killing him!" Pagpipigil ko sa kanya. Pumiyok ang boses ko lalo na nang tumambad sa akin ang itsura ni Rain.

"Oh my God! RAIN!" Sigaw ko. Iwinaksi ko si Leo at inagaw sa kanya ang katawan ni Rain. He was bleeding all over!

"Rain? Rain! Oh my God, Rain! Look at me...Come on, look at me!" Utas ko habang kinukulong ko ang mukha nya sa dalawa kong kamay. Puro dugo na din ako but I really don't care. Umayos ako sa pagkakaupo. I cradled his head carefully in my arms. Tinampal-tampal ko nang marahan ang pisngi nya pero hindi man lang sya gumagalaw.

"Rain, dammit! Tingnan mo ako! Open your eyes! D-don't...p-please...don't leave me...R-Rain!" Umiiyak na ako habang pinipilit na hilahin ang kamalayan ni Rain pabalik sa katawan nya. Niyugyog ko na sya pero wala pa din! Ni hindi ko maramdaman ang paggalaw ng dibdib nya! No..please, Rain! Wag ganito!

Isinubsob ko ang mukha nya sa dibdib ko at niyakap sya. No, please...no! Wag mo akong iiwan! I need you! Our baby needs you! We need you!

"Get off of him, Harley!" Sigaw ni Leo. Hinawakan nya ang magkabilang-balikat ko at pilit akong inilayo.

"No! B-bitawan mo ako, Leo!"

"No! You're going to fuckin' stay with me! You hear that, Harley? Huh? You're mine!" Kinalog-kalog niya ang balikat ko at halos kaladkadin ako palayo kay Rain.

Patuloy ako sa pagtatangkang makawala sa mga kamay nya, but to no avail. Wala akong ibang nagawa kundi ang umiyak habang pinapanood ang walang-kibong si Rain.

Kinaladkad ako ni Leo. Nang masiguro nyang medyo malayo na kami ay huminto sya at bumaling sa akin.

"Can't you see, Harley? Hindi kayo bagay! Ako! Ako ang bagay sayo! He's just another weakling! He doesn't deserve you!" Aniya habang pilit na hinuhuli ang mga mata ko.

"I love you, Harley! Ako ang totoong nagmamahal sayo...ako lang! Ako ang tumulong sayong bumangon noon nung saktan ka nya...kaya sisiguraduhin kong sa akin ka babagsak ngayon! Sa akin lang!"

"HINDI KITA MAHAL! SI RAIN LANG ANG MAHAL KO! SYA LANG ANG MAMAHALIN KO!" Sigaw ko sa kanya.

Natigilan sya sa pagsigaw ko. Nanlaki ang mga mata nya at halos malaglag ang panga. Kitang-kita ko ang pagkawasak nya sa narinig.

Mabilis syang nakabawi. Bigo man ang kanyang mga mata ay umigting ang kanyang panga. Mabilis na dumapo ang kamay nya sa pisngi ko. Nagulat ako at halos mabingi sa lakas nang pagkakasampal nya sa akin. May pumitik sa sistema ko at umikot ang paningin ko. Nanghina ang mga tuhod ko at wala sa loob na napasalampak sa sahig. Nasapo ko ang pisngi kong bahagyang humapdi.

"If that's the case, then so be it! Hindi mo ako kayang mahalin ulit? Sige, papakawalan kita. Pero hindi ko kayo hahayaang maging masaya!!" Sigaw ni Leo. Nang iniangat ko ang paningin ko ay nakita ko ang pagbunot ng isang kamay nya mula sa kanyang likuran.

Nanlaki ang mga mata ko nang nakita kong baril iyong hawak nya. Ikinasa nya iyon. Sinundan ko nang tingin kung saan iyon nakatutok at bumagsak ang paningin ko sa nakahilata pa ding katawan ni Rain.

"Papatayin ko na lang sya kaysa maging masaya kayong dalawa!"

"NOOOOO!!"

Slow motion. Ganun pala iyon. Pakiramdam ko, bumagal ang paggalaw nang mga bagay sa paligid ko, pero ang kilos ko, walang pagbabago. Maybe it was adrenaline rush. Pero nang nakita kong nakatutok na iyong baril kay Rain, kahit na hinang-hina ako, pakiramdam ko bolta-boltang enerhiya ang dumaloy sa katawan ko. Sa isang iglap, nagawa kong tumayo. Timing. That was the secret. I blocked exactly the moment Leo pulled the trigger.

"Harley! Harley!"

Am I dreaming? It sounded like Rain's voice! Okay na ba sya? Oh, God! Thank you!

"Sweetheart, come on! Stay with me! Please! Stay with me!" Gusto ko syang makita. But I can't! Masyadong mabigat ang pakiramdam ko. Ni hindi ko maibukas ang mga mata ko para masilayan sya. I badly want to see him!

"H-Harley, please! Please s-stay with me...I love you! M-mahal na mahal kita! Please sweetheart!" Narinig ko ang pagpiyok nang boses nya. Sumunod ang paghikbi nya. He was crying again. I wonder why. Gusto ko syang hawakan. Gusto ko syang aluin. I want to assure him that everything's going to be fine.

"R-R-Rai....Rain.."

I felt his hand in mine. Pinagsalikop nya ang mga kamay naming dalawa. "Yes, sweetheart. I'm here...I'm here for you. I won't leave you, okay? Do you hear me?" His voice was frantic.

Pilit kong iginalaw ang ulo ko at tumango.

"I want you to be strong, okay? For me...and f-for our b-baby, alright? J-just hold on...it's all gonna be fine... You're gonna be fine..."

Yes. My baby. Our baby. Gusto kong itanong kung anong nangyari. Is our little angel fine? Pero sa halip ay impit na sigaw ang lumabas mula sa bibig ko. Para akong pinapatay sa sakit na naramdaman ko sa parteng sinapupunan ko.

Mas bumigat ang pakiramdam ko. At kahit anong pilit ang gawin ko, nahila ang kaluluwa ko papunta sa karimlan.


**

A/N:
Up next...POV na ni Rain, kasi hindi ko alam kung mage-exist pa si Harley sa story. Baka kasi, you know, hindi sya maka-survive. :'(

Feedbacks! Gusto ko nang madaming feedbacks! At madaming votes! Yun lang! Demanding ako ngayon! HAHA! Ciao!

© YanaCabralCalangi

Salvador Brothers Presents: RAINTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang