Chapter 28

1.1K 53 6
                                    

DOREEN'S POV

It's been a month simula ng maging katulong ako sa palasyo. Maraming pinag-utos ang nakakataas saakin para pahirapan ako pero hindi nalang ako kumibo. Sinusunod ko lahat ng gusto nila. Tinanggap ko lahat ng utos nila lalo na ng Kiarissa na yun. Hindi ko na rin kinakausap si Kael kahit na magkita kami sa daan. Nilalagpasan ko lang sila. May mga oras din na gusto ni Kael na ako ang magsilbi sa kaniya sa hapagkainan. Umiiling ako at pagkatapos ay sasabihing marami pa akong nililinisan. May mga panahon din na hindi na ako nakakatulog dahil sa dami ng pinapagawa saakin. Bumabawi nalang ako ng pahinga sa kwadra ng mga kabayo.

Kasalukuyan akong nasa kwadra at nagbabasa ng libro habang gumagalaw ang mga kagamitang panglinis. Kapag gabi, bago ako tumuloy sa kwarto ko ay pumupuslit ako sa silid-aklatan para kumuha ng libro. Ito nalang yung nagpapasaya saakin kahit papaano.

Nakarinig ako ng katok sa pintuan kaya tinago ko ang libro na binabasa ko sa ilalim ng mga dayami at ginamit ang wand ko para tumigil sa paggalaw ang mga kagamitang panglinis.

"Doreen!" Tawag ni Reila. She sounds so urgent kaya nagmadali din ako.

"Sandali!" Sigaw ko pabalik at binalik ang wand ko sa pagiging pendant. Ginawa ko ng hikaw ang aking walis at wand dahil isang beses ay napagkainteresan ni Kiarissa ang bracelet ko. Gusto niyang agawin saakin yun mabuti nalang at sinabi ko na kakatapos ko lang maglinis ng kulungan ng mga baboy kaya sumama ang tingin niya saakin. She must be feeling disgusted.

Pagkabukas ko ng pintuan, hingal na hingal na Reila ang tumambad saakin.

"What's the rush?" Tanong ko. Sumandal siya sa pintuan habang sapo ang dibdib.

"P-pinapatawag k-ka ng M-mahal na H-hari.. doon sa dati niyong kwarto.." Kumunot ang noo ko.

"Bakit daw?" Walang gana kong tanong sabay dampot sa nahulog na walis.

"H-hindi ko alam eh. Pinapautos lang saakin na tawagin ka." Sabi niya pa. Kumuha ako ng mga dayami at nilagay sa lalagyanan ng mga kabayo.

"Pakisabi na hindi ako interesado. Marami pa akong gagawin." Walang ganang sagot ko at tinalikuran na siya.

I hate to see them. Wala akong plano na makita sila. Mas okay ng nandito ako at malayo sa kanila.

Magpapatuloy na sana ako sa pagbabasa nang pumasok ulit si Reila. Hinihingal muli siya.

"D-doreen.. p-pakiusap.. paparusahan raw ako kapag hindi kita napilit." Natatakot niyang sabi saakin. Huminga ako ng malalim at tumayo.

"Sige. Mauna ka na. Susunod ako." Tumango siya at tsaka umalis na.

Tiningnan ko ang suot kong uniform at pinagpagan ito bago umalis.

Hindi ko pinansin ang mga matang nakatingin saakin pagpasok ko sa palasyo. Dumeretso ako sa itaas kung nasaan ang kwarto ni Kael. Kumatok ako ng tatlong beses bago pumasok. Nakita ko siyang nakahiga at nakasandal sa bedrest.

"Bakit mo 'ko pinatawag?" Deretso kong tanong.

"Ah. So direct." Sabi niya.

"Marami pa akong gagawin. Deretsuhin mo na ako."

"Serve me." Napataas ang kilay ko.

"Bakit hindi si Kiarissa ang utusan mong magsilbi?" Tanong ko.

"You are my wife, right? Its your duty to serve your husband." Napatawa ako sa sinabi niya.

"Really? Asawa mo pa pala ako? The last time I check, katulong mo na ako. Spare me, Kael. Nananahimik na ako bilang katulong. Wala akong angal sa mga utos niyo saaking pagpapakahirap kaya kung pwede sana maghanap ka nalang ng ibang magsisilbi sayo. Marami pa akong gagawin at baka hindi nanaman ako makatulog dahil sa dami ng inuutos sakin."

The Witch and the Vampire Where stories live. Discover now