Chapter 10

2.2K 107 6
                                    

"Millie, pwede bang ikaw muna ang magluto ng hapunan natin ngayon? Kahit anong luto, hija." Sabi ni Madam Aga. Kakagaling ko lang kay Leo.

"Sige po, Madam."

Lumabas muna ako saglit para magpalit ng damit dahil pawis na pawis ako. Nagpulbos din ako at nagclip ng buhok.

"What took you so long?!" Napahilamos ako ng mukha dahil sa gulat.

"Pwede bang wag kang manggulat?!" Siya ata ang magiging sanhi ng pagkamatay ko eh. "Inutusan ako ni Madam Aga na magluto ng hapunan. Kaya excuse me, I have work to do." I flip my hair as I went to the door pero dahil poweful siya, napunta na siya sa unahan ko para harangan ako.

"What will you cook?" Tanong niya. Napaisip ako. Hindi pa nga pala ako nakakapag-isip ng lulutuin.

"Hindi ko pa alam. Depende kung anong meron sa kusina."

Pagpunta ko sa kusina, nasa upuan na si Azuro. Napalingon ako at wala na siya sa likuran ko. Tsk. Perks of being powerful.

I decided to cook bicol express. Hehe. I love spicy foods. Hindi alam ni Azuro kung ano yun kaya yun nalang ang lulutuin ko. Para naman matikman niya.

"What's that white liquid?" He is standing beside me and he's looking intently to what I'm doing.

"Coconut milk. Yan ang magpapasarap sa bicol express. Papalambutin muna natin ang pork bago ilagay yan." Kumuha ako ng sili at sinimulang gayatin.

"You'll gonna put lots of chilis?" Tumango ako at kumindat.

"Yan ang nagpapasarap sa luto." Nag gayat din ako ng sigarilyas para isabay sa lutuin.

"You're not going to cook any soup?" Napaisip ako.

"Gusto mo ba?" He just nod as his response. Anong soup naman? "Anong gusto mo?"

"Mushroom soup." Madali lang naman yun.

Tinapos ko muna ang bicol express bago magsaing at gumawa ng mushroom soup.

"Alam mo paborito ko rin yung pumpkin soup." Sabi ko. Nagkwento ako sa kanya habang naghihintay na lumambot ang karne.

"You do love vegetables."

"Yup. I love nature so much. Luto na. Gusto mo na bang kumain o mamaya na lang?"

"Let's eat." Nagulat pa ako dahil kusa siyang kumuha ng mga plato namin at ng mga tinidor. Infairness. Tuluy-tuloy ang pagiging goodness niya.

Nagsandok ako ng ulam at ng sabaw. Nilagay ko sa lamesa. Nagsandok rin ako ng kanin.

"Kainan na!!" I said cheerfully. Tiningnan ko siyang sumubo ng ulam at ng kanin. Nakita ko ang bahagyang pagpula ng kanyang mukha. "M-maanghang ba masyado??" Hindi siya sumagot. Sa pag-aalala ay kumuha ako ng malamig na tubig at inabot sa kanya. Ininom niya kaagad.

"That is one hella spicy!" Ngumiwi ako. Sumubo rin ako ng ulam. Ang anghang nga! Nasobrahan ata ako sa sili.

"Sorry!" Tumingin ako sa paligid. Wala namang masyadong nakatingin dahil busy ang mga bampira. Kinuha ko ang wand ko at ikinumpas sa kaldero pati na rin sa mangkok namin. "Ayan. Try mo na."

Kumain kami hanggang sa maubos namin ang pagkain.

"O saging." Inabot ko ang saging sa kanya. Kinuha ko ang mga pinagkainan namin at nilagay sa lababo. Hinugasan ko na rin para walang hugasin.

"Are you done?" Napatampal ako sa noo mo dahil sa gulat.

"Azuro naman. Wag mo akong gulatin! Baka nga ikaw ang maging dahilan ng pagkamatay ko."

The Witch and the Vampire Kde žijí příběhy. Začni objevovat