Chapter 12

2.1K 106 14
                                    

Nakahiga ako sa damuhan at malayang pinapanood ang mga nagliliparang mga ibon. Si Ate Dorreen ay nilalaro si Leo. Masyado nilang gusto si Leo.

"SILENCE!" Napapitlag ako sa sigaw ni Azuro. "HOW DARE YOU POINT YOUR FUCKING WAND TO HER?!" Sigaw niya saakin. Hinawakan niya ng mahigpit ang braso ko at mabilis akong itinulak. "FIRST OF ALL YOU DON'T BELONG HERE! YOU ARE JUST HERE FOR A FUCKING MISSION! NOW THAT YOU FINISHED IT, GET AWAY FROM HERE. LUMAYAS KA NA AT AYAW KO NG MAKITA ANG PAGMUMUKHA MO RITO!"

Naramdaman ko ang pagsikip ng dibdib ko. Its been a month pero sariwa pa rin ang hapdi sa puso ko.

"Anak, ayos ka lang?" Umupo ako at pinunasan ang luha ko. Ayokong makita akong umiiyak ni Papa.

"Opo, Papa. Okay lang ako." Tumabi si Papa saakin at niyakap ako. Hindi nakawala ang mga luha ko.

"Umiiyak ka nanaman, Nak."

"I-ikaw kasi Papa eh." Natatawa kong sambit.

"Sabihin mo saakin ang problema. Makikinig ako." Kinuwento ko ang lahat kay Papa. Nakinig naman siya saakin.

"Ibig sabihin ay napamahal ka na sa prinsipe." Umiwas ako ng tingin. Niyakap ako ulit ni Papa. "Ayy nako dalaga na ang anak ko." Hinalikan niya ang sentido ko. "Masarap ang magmahal, Anak. Masakit rin ang magmahal. Pero kapag sa tingin mo ay nakakalason na ang pagmamahal na iyon, you have to let it go. Kung sa tingin mo ay hindi dapat, pakawalan mo na, Anak. Kung sa tingin mo ay karapat-dapat, sumugal ka. Love is taking risk pero kung sa pagsugal mo ay alam mong talo ka na, let it go. Mag-iwan ka para sa sarili mo para hindi ka masyadong durog kapag nasaktan ka."

"Salamat, Papa." Ikinuwento ko si Leo sa kanya. Mataman siyang nakikinig. My Father is fond to animals kaya ginawan niya kaagad si Leo ng tirahan at napakalaki niyon.

"Puntahan mo na si Leo dahil baka mapisa na ni Ate Dorreen mo sa gigil." Natatawang sabi ni Papa. Tumango ako at tumayo.

At least nagawa ko na ang mission ko. Wala na akong aalalahanin. I just have to forget this feelings para naman maging masaya na ako. I have to move on.

"Leo, sige na!" Nakita ko ang pamimilit ni Ate kay Leo. Umirap si Leo at tumalikod. Napakamot ng ulo si Ate.

"Ate," tawag ko sa kaniya. Tumakbo naman si Leo papunta saakin.

"Ikaw na bahala sa dmaulag na yan." Irap niya sabay walk out.

Tumambay kami ni Leo sa isa sa mga puno. Kumakain ako ng prutas samantalang hinahabol niya ang butiki na gumagapang sa puno.

"Nakakamiss sa palasyo." Wala sa sarili kong nasabi. Siguro sa mga oras na ito ay naglilinis ako o kumakain kasama si Jade. O di kaya ay nagdidilig sa bakuran o di kaya ay kasama si Azuro. Napangiti ako ng mapait. Kahit ilang linggo lang ako doon ay ang laking impact niyon sa buhay ko.

Tinawag na ako ni Mama para kumain. Gamit ang walis ay nagpunta ako sa bahay. Si leo naman ay takbo ng takbo kung saan-saan.

"Millie maupo ka na at kakain na tayo." Sabi ni Mama. Umupo ako sa tabi ni Ate at nagsandok ng pagkain. Puros paborito ko lahat ang niluto nila kaya magana akong kumain. Napatingin ako sa kanila habang kumakain. Hindi ko inaasahan na makakasama ko na sila.

"May problema ba, anak?" Tanong ni Mama. Umiling ako at pagkatapos ay humigop ng sabaw.

"Nga pala, Anak. Asan na ang binigay kong bracelet saiyo?" Tumigil ako sa paghigop at napatingin sa kamay ko. Wala ang bracelet!!

"A-ahh.. n-nasa kwarto ko po. Tinanggal ko pa kanina para hindi m-madumihan." Pagkatapos kumain ay dumeretso ako sa kwarto at hinanap ang bracelet. Naku. Nasaan yun?!

The Witch and the Vampire Where stories live. Discover now