Chapter 7

2.6K 127 23
                                    

"M-millie.." Nakatanggap ako ng mainit na yakap mula kay Jade. Narinig ko pa siyang humikbi.

"Wag ka na ngang umiyak dyan." Sabi ko. Humarap siya saakin at hinawakan ang buhok ko. Alam kong alam niya kung paano ko pahalagahan ang buhok ko. Pero, wala na. Nangyari na.

"E-eh kasi.. hindi ko matanggap yung nangyari saiyo." Niyakap ko na lang ulit siya. Sa totoo lang, kahit na hindi kami masyado magkakilala ni Jade, kaibigan na ang turing ko sa kanya. Sa lugar namin kasi.. wala akong kaibigan. Hindi ko naman kasi kailangan ng kaibigan kasi andyan naman sila Mama. Pero ngayon ko lang talaga nalaman ang tunay na kahalagahan ng kaibigan and I am happy that Jade is my first friend.

"Tutubo naman ulit yan." Sabi ko. Naalala ko pa si Azuro kagabi. How can a cold and icy prince gave me a warm comfort yesterday? Siya pa ang naglagay ng yelo sa mga pasa ko kagabi. Kumalas si Jade sa pagkakayakap at hinila ako paupo. Kumuha siya ng gunting. "H-hoy! Alam kong tutubo pa ito pero wag mo namang sagarin! Ayoko makalbo." Natawa naman siya sa inasal ko.

"Aayusin ko ang buhok mo. Hindi pantay ang pagkakaputol. Marunong ako magstyle ng buhok kahit papaano. Magtiwala ka saakin."

"Oo na." Pinapikit niya ako. Nagsimula siya sa likod. Tapos may kinuha siyang kaunting buhok sa unahan ko at ginupit iyon.

"Ayan!! Maganda ka na ulit, Millie."

Cute

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Cute. Not bad. Parang bob cut na medium length ang hair ko tapos may kaunting bangs.

"Sabihin mo saakin, Millie, kung sino ang gumawa nun sayo?"

"Sila Belinda at Rona." Kapag naiisip ko ang ginawa nila ay nagngingitngit ako sa galit. Pero gusto kong palagpasin na lang.

"Alam mo bang nagpunta si Prinsipe Azuro sa kusina kagabi? Grabe, Millie. Galit na galit talaga siya. Tinatanong niya kung sino ang nagputol ng buhok mo at kung sino ang nagtapon saiyo sa bodega." Feeling ko sasabog ang puso ko sa narinig.

"T-talaga? Ginawa niya yun?" Tumango si Jade.

"Oo. Kaya nga nalaman ko ang nangyari saiyo. Ano ng balak mo?"

"Wala. Hahayaan ko na lang muna."

Pagkatapos ng pag-uusap ay dumeretso kami sa kusina.

"Saakin na ngayon titingin si Prinsipe Azuro." Narinig namin ni Jade na sabi ni Belinda. Pumasok kami at hindi siya nakagalaw ng makita ako. Kahit si Rona ay natigilan.

"Hi, Belinda." I said in a cold way.

"Hello. Buhay ka pa?" I saw how she smiled.

"Ang ganda ng buhok mo, Millie. Bagay saiyo. Mas bumata ka." Puri ni Jofelle. Ngumiti lang ako at kumuha ng pagkain. Tinabihan ako ni Jade at nila Flora. Kumain lang kami ng tahimik habang si Belinda ay nagtatatalak.

Pagkatapos kumain ay pumunta na ako sa ikatlong palapag at nagsimulang maglinis. Yung mga guest room ay winalisan ko lang kahit walang kalat. Yung kwarto ni Zandro ay wala naman kalat masyado unlike sa una kong pagpunta doon. Sumunod ako sa kwarto ni Azuro pero wala siya. Nilinisan ko ang mga kaunting kalat at pinalitan ng bedsheet at kumot.

The Witch and the Vampire Where stories live. Discover now