Chapter 22

1.7K 83 20
                                    

SPG AHEAD.

YOU'VE BEEN WARNED. BAHALA KAYO KUNG HINDI KAYO NAKINIG SAAKIN. SINASABI KO PO ULIT. SPG AHEAD!

***************

Its been a month since we found out that the one cursed me already died. I literally lost hope pero biglang bumalik si Mama kasama ang mga lolo at lola ko. Noong una hindi nila matanggap na dito ako naninirahan sa mga bampira pero kalaunan ay natanggap naman nila. Ngayon ay nandidito ulit ang pamilya ko kasama ang napakastrikto kong lolo at lola.

Nag-uusap silang lahat kasama si Azuro, Jade at Zandro. Hindi nagsasalita si Azuro. Tahimik lang siyang nakikinig. Malamig pa rin ang expression ng kanyang mga mata pati na rin ng kanyang mukha. Katakot-takot nga siya kung tutuusin. Naalala ko ngang sabi noon ni Mama saakin na kapag kasama niya ang Hari ay para siyang nilalamon ng yelo.

Kasama rin si Ate na tahimik lang at nakikinig. Fortunately, makikipagcooperate daw ang mga wizards na malapit sa pamilya nila Jade. Maya-maya daw ang dating niya.

"You okay?" Pasimpleng bulong ni Azuro. Tumango ako at ngumiti sa kanya. Hinawakan ko ang kamay niya. Sa totoo lang inaantok nanaman ako and at the same time ay natatakot. Maybe because wala pa akong tulog dahil sa dami ng iniisip. Malamig ang tingin ni lolo at lola saamin ni Azuro lalo na ng makita ang kamay naming magkahawak. Dineadma ko nalang dahil ayoko makipag talo. Tinaasan lang ako ng kilay ni lola na para bang sinasabi niyang "deads ka saakin mamayang malandi ka."

"Ano?! May relasyon kayo ng bampirang iyan?!" Gulat na sabi ni lola. Tumango ako. Napameywang si lola at galit na tiningnan kami. "Aba, nakakalimutan mo bang bampira iyan?"

"Lola naman. Oo naman po. Tsaka show some respect. Hari pa rin po siya." Sabi ko. Sumimangot si Lolo.

"Aba naman. Hari pa ng mga hari ang pinatos mo, Millie? Sumosobra na ata ang kalandian mo. Maiinitindihan pa namin kung ordinaryong bampira lang iyan." Napanguso ako.

"Parang hindi niyo na ako love." Paglalambing ko. Binatukan ako ni Lola.

"Kay arte mong bata. Ambisyosa." Sabi pa ni Lolo. Mas lalo akong napalabi.

"Tapos doon ka pa natutulog sa kwarto niya?!" Galit na sabi ni Lola. Piningot niya ang tenga ko kaya napaaray ako.

"Lola masakit!"

"Malandi kang bata ka! Naku kaynino ka ba nagmana!" Sabi niya.

"Malamang sayo po!" Sabi ko. Mas tinodo niya pa ang pag pingot sa tenga ko. "Aray ko po, Lola!"

"Anong sabi mong bata ka?!"

Inexplain naman ni Papa ang lahat ng tungkol saamin ni Azuro. Alam kong naiintindihan naman iyon nila Lolo at Lola.

Nag-uusap si Papa, Lolo at si Zandro pero hindi ko na kayang makinig dahil dinadapuan na ako ng antok pero pilit kong pinipigilan ang sarili ko. Inabot ko ang iniinom na kape ni Azuro at sumisimsim. Nagising ako dahil napaso ang dila ko sa sobrang init kaya mabilis kong ibinalik ang tasa sa lamesa.

"You okay?" Bulong ni Azuro. Nagthumb ups ako.

"Iyan ang nakukuha ng pakikipaglandi." Parinig ni Lola.

"Mama," saway ni Mama kay Lola. Napabuga nalang ako ng hangin at pagkatapos ay umupo ng maayos.

Maya-maya lang ay dumating na ang hinihintay namin. Ang isang wizard na nagmula pa sa malayong lugar. Nagsitayuan ang lahat maliban saakin dahil sa bigat ng katawan ko. Pinilit ko ang sarili na tumayo kahit na parang ang bigat na ng katawan ko. Kumuha pa ako ng lakas sa braso ni Azuro. Doon ko nakita ang mukha ng wizard. Kakaiba ang kasuotan niya. Napakastrikta ng itsura niya. Singkit ang kanyang mga mata at wala kang mababasang emosyon dito. Tumingin siya saakin at para bang sinusuri niya ang buong pagkatao ko. Naputol iyon nang magsalita si Azuro.

The Witch and the Vampire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon