Chapter 5

2.6K 145 15
                                    

Waaah! Salamat sa unang reader ko.. MiksiGabrielleSy omg super happy ako dahil saiyo! :) salamat sa pagbabasa. Muah muah muah!

**************

Nagising nanaman ako sa kwarto ni Azuro pero ang kinaibahan lang ay wala siya sa tabi ko. Parang di ako sanay.

Naks naman. Nasanay ka ng yumayakap siya sayo.

Bwisit na utak to. Landi! Bumangon na ako at nagpunta sa CR para maghilamos. Makikigamit muna ako ng CR niya.

Tapos na ako maghilamos pero wala pa rin si Azuro. Nasaan yung bampirang yun? Baka nasa hardin niya. Sumilip ako sa orasan. Alasingko pa lang. Mapuntahan nga.

Tahimik kong tinahak ang direksyon papuntang hardin. Nang makarating ako, umikot ako sa buong lugar pero hindi ko siya makita. Saan nagsuot yun?

"Teka nga, bakit ko ba siya hinahanap?" Nakapameywang kong tanong sa sarili ko.

"Who are you looking for?" Agad akong tumingin sa itaas ng puno. Tumalon siya pababa at lumapit saakin. Andyan lang pala siya sa itaas ng puno? Tsk.

"Saan ka nanggaling, ha? Bakit wala ka sa tabi ko paggising ko?" Nakapameywang kong tanong. Unti-unti siyang ngumisi. Ipinalupot niya ang kanyang mga kamay sa bewang ko.

"You know, you sound like a worried girlfriend." Natigilan ako. Oo nga noh? Pero anong sabi niya? Girlfriend? Nakakahiya ka Millie! Gosh!

"A-anong girlfriend ka dyan?! C-che!" Malakas na inalis ko ang mga braso niya at mabilis na naglakad.

Nakakahiya! Siguro kasing pula na ng kamatis ang mukha ko! Gaga ka kasi, Millie!

Dahil sa mabilis niyang pagkilos, nasabayan niya ako sa paglalakad.

"It seems that you're used to wake up with me." Mapang-asar na wika niya. Matalim na tiningnan ko siya.

"Tumigil ka nga dyan!" Mas natutuwa pa siya na naaasar ako.

Patuloy siya sa pag-aasar saakin at tuwang-tuwa ang loko samantalang ako ay bwisit na bwisit. Sobrang saya niya kapag nabubwisit ako.

"Don't worry. Later, you'll see me hugging you again." Bwisit na to. Hinawakan pa niya ang braso ko. Hindi pa rin nawawala ang nakakaloko niyang ngisi.

"Tigilan mo na nga ako!"

"Millie!" Napatigil kami sa pag-uusap dahil may tumawag sa akin. Si Jade pala.

Hindi kaagad nakareact si Jade dahil katabi ko si Azuro. Nagbow siya kaagad. Tiningnan ko si Azuro. Bumalik sa dating cold ang mukha niya. His eyes are expressionless at nakakatakot pati ang presensya niya.

"Nakakatakot ka." Bulong ko kay Azuro. Tumingin siya saakin.

"I'll go ahead. See you later." Bigla siyang nawala sa aking tabi.

Tumingin pa ako kay Jade na nakabow pa rin. "Jade. Okay na. Wala na siya."

Tumayo kaagad si Jade. Nakita ko kung paano siya nakahinga ng maluwag. "Grabe! Feeling ko katapusan ko na kanina!"

"Tara na nga at ng makakain tayo." Hinila ko na siya papasok.

"Grabe!!! Ang gwapo pala niya pero mas gwapo si Prince Zandro. Swerte ka talaga, Millie. Nakakausap mo siya at parang hindi ka pa natatakot." Hay. Kung alam mo lang, Jade. Ilang beses na akong tinakot niyan.

Nagtimpla ako ng kape at kumuha ng sinangag at itlog. Inalok ako ni Jade ng pritong isda pero umayaw ako.

"Siya nga pala, Millie." Tawag ni Madam Aga kaya tumigil ako sa pagsubo at tumingin sa kanya. "Si Belinda na ang maglilinis ng ikatlong palapag. Sa bakuran ka na lang maglinis at magtanim."

The Witch and the Vampire Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu