Chapter 11

2.2K 125 9
                                    

Habang pinapalutang ang sarili sa tubig, patuloy pa rin sa pagbuhos ang malakas na ulan. Hinayaan ko lang ang agos ng tubig. I just close my eyes and feel the goodness of the water.

"So, the witch is here." Agad akong napadilat. Hinanap ko ang boses and I saw Azuro's angry face. Isang metro lang ang layo niya saakin. Tumalikod ako para itago ang katawan ko.

"Anong gusto mo? May ipapagawa ka ba?" I asked him. I tried to hid my emotions.

"Why are you avoiding me?" He asked in annoyance. Humarap ako sa kanya. N-nasasaktan nanaman ako. Pilit kong iniwasan ang sakit sa tono ng boses ko.

"Its none of your business." Sagot ko sa kanya. Napapikit ako nang maramdaman ang pag-iiba ng kulay ng mata ko.

"Dorothea, do you have a problem?"

"Tell me, Azuro. Are you now going to be a King?" I saw him stiffed.

"Your eyes.." he whispered.

"Answer my question." Tumango siya.

"Yes. Its what you want, right?" Lumangoy ako papunta sa pangpang. Nilapitan ko ang damit ko at ang wand ko na nakasabit sa puno.

"Tell me, is Mae going to be your queen?" What the hell did I just asked?! Hindi niya ako sinagot. I smiled faintly. Huminga ako ng malalim bago isinuot ang damit ko. Mabilis akong lumayas gamit ang walis ko.

Pagdating sa loob ng palasyo, nakita ko ang  nag-aalalang mukha ni Jade.

"Millie! Saan ka ba nanggaling?" She asked hysterically.

"Bakit?"

"Nag-alaala ako ng husto saiyo." Ngumiti ako at yumakap ng mahigpit sa kanya. I will surely miss my friend.

"I'm fine. Tara, let's eat? Sabay tayo." Hinila ko na siya papuntang kusina.

Nalaman kong si Jade ang nagluto kaya mas natuwa ako. Its the first time I will taste her cook. She just made kare-kare.

"Ang sarap!" Masaya kong wika. Natawa naman siya. Nagkwentuhan kami habang kumakain. Pansalamantala kong nakalimutan ang problema ko. I just want quality time with my friends.

Pagkatapos kumain ay inutusan kaagad si Jade. Pumuslit ako ng pagkain at inilagay sa aking bulsa. Pupunta ako kay Leo. Habang naglalakad paakyat, pababa naman sila Azuro at si Mae.

"You know, Zee, we can eat again in our favorite place! I miss eating there." Excited na wika ni Mae. Nakatingin lang si Azuro saakin. Yumuko ako dahil nag-iiba nanaman ang kulay ng mga mata ko. Patuloy lang ako sa paglakad hanggang sa matunton ko ang bodega.

"Leo!" Tawag ko sa kanya. Tumakbo ang halimaw at mabilis na sinalubong ako. Kung hindi ko lang ito mahal ay iisipin kong galit ito saakin. Yumakap ako sa kanya. Binigay ko rin ang pagkain na pinuslit ko.

"Leo, malapit na akong umalis." Sabi ko habang kayakap siya. "Kapag umalis ako, sana maging maayos ka. Mamimiss kita ng sobra. Kayo ni Jade ang mga rason kung bakit mas nananatili ako rito sa mundong ito." Sabi ko sa kanya. Nakita ko ang pagtulo ng luha niya at ang pag-ungol niya.

"Huwag ka ng malungkot kasi ako sobra akong nalulungkot ngayon. Tapos na ang misyon ko, Leo. Pero kailangan ko ng umalis dahil hindi kakayanin ng puso ko na nakikita sila, Leo. Nakikita mo ba ang mga mata ko ngayon?" Pinakita ko ang nga mata ko. "Kulay ginto na ito. Ibig sabihin ay nanghihina ako. Kapag nagtuloy-tuloy ito, hindi ko alam ang maaaring mangyari saakin kaya hanggat maaga pa kailangan ko ng umalis." Niyakap ko siya. Gamit ang wand ko ay gumawa ako ng isang napakalaking unan na may amoy ko.

"Eto, regalo ko saiyo. Kapag naaamoy mo yan ay maaalala mo ako. Isipin mo nalang na kasama mo ako parati. Gamitin mo yan, ha? Wag mong itatapon o sisirain, ha? Mahal na mahal kita, Leo. Mamimiss kita." Niyakap ko ulit siya. Tumutulo na ang luha ko.

The Witch and the Vampire حيث تعيش القصص. اكتشف الآن