Chapter 20

2K 91 7
                                    

Pagkaligo ko, kaagad akong nagbihis ng maayos na damit at lumabas.

"You ready?" Azuro asked.

"Yup." Sabay kaming lumabas ng kwarto. Pagkababa ng hagdanan biglang may sumabog na hindi ko mawari kung ano. Kamuntikan pa akong madapa sa gulat.

"SURPRISE!!!" Sigaw ng mga katulong at ng mga kawal. May malaking bandera doon at ang nakasulat ay 'THANK YOU, MILLIE DOROTHEYA' tapos nay mga handa pa. Ok na sana kaso wrong spelling ang pangalan ko pero keri lang.

"A-ano to?" Tanong ko. Lumapit si Madam Aga saakin.

"Pasasalamat namin saiyo, hija. Kung hindi dahil saiyo baka nakaratay pa rin kami sa kama ngayon." May yumakap sa likuran ko at tumili ng napakalakas.

"Salamat, Millie!!" Si Jade pala. "Hirap kami maghanda, noh! Hindi namin alam kung kailan ka gigising! Buti na lang at nakipagcooperate ang mahal na Hari. Yung iba naming handa kahapon ay kinain na lang namin." Oo nga pala. 2 days straight akong tulog.

"Sino ang nagsulat ng karatula?" Tanong ko. Ngumisi si Jade at yumakap saakin ulit ng mahigpit.

"Syempre, ako! Best friend kaya kita!" Kunwari akong sumimangot.

"Ah talaga? Eh kung best friend mo nga ako eh bakit wrong spelling ang pangalan ko?" Napakamot siya ng ulo.

"Wag ka ng magreklamo. Ayan na nga oh. Hinandaan ka na namin." Ngumisi ako at niyakap din siya. Tumingin ako sa kanilang lahat pagkatapos.

"Salamat sainyo. Hindi ko naman rinequire na magpaparty kayo." Natatawa kong sabi sa kanila. Masasaya ang mga mukha nilang lahat. Ang mga kawal ay nag-eenjoy din at puro pasasalamat silang lahat. Si Zandro naman ay kinukulit na si Jade. Si Azuro nakangiti lang sa likod ko.

"Kainan na!" Sigaw ni Rosa. Natawa ako sa kanila dahil halos mag-agawan sila sa plato. Hinila ko ang kamay ni Azuro papunta sa buffet table at binigyan siya ng plato. Tinanggap niya naman iyon at kumuha na rin siya ng pagkain. Mabuti at hindi siya maarteng Hari.

Ang dami-dami nilang hinanda. Parang may papyesta! Tapos nagpatugtog pa si Belinda. Noong una, pinagalitan siya dahil sexy song ang pinatugtog niya. Mabuti nalang at pinalitan niya.

"Anong kaguluhan ito?" Malakas na wika ng kung sino sa likod. Lahat kami ay bumaling only to see Council Fernand.

"We are having a small celebration, Sir." Zandro said.

"Small celebration? Ang dami-daming problema ang kinakaharap ng palasyo tapos matatagpuan ko lang kayong nagsasaya?" Tila nainis ako sa inasal niya. Ano bang problema niya? Hindi naman tatagal ng isang taon ang selebrasyong ito! Ilang oras lang! Bwisit!

"Watch your manners, Fernand." Lahat kami bumaling kay Azuro. Madilim ang kanyang mukha. Bawat isa ay natakot kabilang na ako pero hindi nagpatinag ang council.

"Pero Mahal na Hari, tama naman po ang sinabi ko! Ang dami-daming problema ngayon at nakuha niyo pang magsaya." What? How dare he speak that way to his king?!

Tumingin siya sa bandera at kaagad na tumingin saakin ng masama. "Ikaw nanaman ang may pasimuno nito? Alam mo, kung tutuusin sampid ka lang dito eh. Nagawa mo pang magpaparty? Aba. Ang lakas ng loob mo. Bakit hindi ka na lang bumalik sa lugar kung saan nababagay ang mga bruhang katulad mo at doon ka magpaparty? Tutal salot ka dito. Peste ka. Hindi ka kailangan dito." Nasaktan ako sa inasal at sa sinabi niya saakin. Nakita ko ang pagbabago ng anyo ng hari at kaagad na sinugod ng malakas na suntok si Council Fernand.

"Pigilan mo ako, Millie. Baka mapatay ko ng wala sa oras ang hayop na iyan." Lumingon ako kay Jade at halos mamutla ako dahil lahat sila ay kulay pula na ang mga mata at handa ng sumugod kay Council Fernand.

The Witch and the Vampire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon