Secret Nights - 37

Start from the beginning
                                    




 "Promise me that you won't tell my family that I'm here... or that I'm alive." 




"I promise, Zeke. Basta mangako ka rin na isa sa mga araw na 'to ay ipapaalam mo rin sa kanila ang totoong kalagayan mo, okay?"




 "Okay, I promise." Sa wakas ay pagpayag niya. Humilig ako sa dibdib niya at sabay naming pinagmasdan ang magandang tanawin na nasa harap naming dalawa. It was almost eleven in the morning when we decided to go back to his unit.




 Pagsapit ng alas-kwatro ng hapon ay hinatid na ako ni Zeke sa kinapaparadahan ng sasakyang gamit ko. Ngayon na ako babalik ng Tacloban para ayusin ang ilang mga bagay para masamahan ko na si Zeke dito sa Visca.




"Do you really have to go?" narinig kong tanong ni Zeke habang pasakay na ako sa driver's seat. Kanina pa niya ako kinukumbinsing huwag umalis.




 "I really have to. Pero isang araw lang naman ako mawawala, Zeke. I'll be back soon. I just have to do one thing so I can be with you."




 Pilit na ngumiti sa akin si Zeke. "Okay, hihintayin ko ang pagbabalik mo." Then he leaned closer to me and clamied my lips. It was just a simpl kiss but it gave me so much emotion. "Mag-iingat sa pagda-drive."




 Ngumiti ako sa kanya at saka binuhay ang makina ng sasakyan. Hindi nagtagal ay binabaybay ko na ang daan pabalik ng Tacloban. It's going to be a long ride. Habang nasa biyahe ay hindi ko maiwasang balikan sa isip ko ang sinabi sa akin ni Zeke nang una ko siyang makita ulit after so many years of thinking that he wa already dead.




 At muling tumulo ang luha ko nang maalala ko ang sakit niya. It was so unbelievable. Sa lahat ng tao, bakit kailangang kay Zeke pa mangyari ang bagay na 'yon? He is a good man and he doesn't deserve it.




 Dahil unti-unting nanlalabo ang mga mata ko dahil sa luhang umaagos sa mata ko ay inihinto ko muna ang sasakyan ko sa isang tabi at saka pinayapa ang sarili ko.




 Nang masigurong okay na ako ay saka lang ulit ako nag-drive. Pagdating ko sa hotel na tinutuluyan ko ay parang nag-aamba na namang mamuo ang luha sa mga mata ko nang makita ko si Zach na matiyagang naghihintay sa lobby. Hindi ko alam kung gaano na siya katagal na nahihintay doon.




Pero nang makita niya ako ay mabilis na tumayo siya bitbit ang isang tangkay ng pulang rosas at saka lumapit sa akin. Habang tumatagal ay mas lalo lang nagiging gwapo si Zach sa paningin ko.




 "I missed you," agad na bulong niya sa akin matapos niya akong hagkan sa labi.




 Napatingin lang ako sa gwapo niyang mukha at saka pilit na ngumiti. How could I possibly break this man's heart?





[NOW PUBLISHED UNDER VIVA PSICOM FOR ONLY 150 PESOS. PLEASE DO GRAB A COPY]

Secret Nights [RATED SPG / COMPLETED]Where stories live. Discover now