Secret Nights - 37

Magsimula sa umpisa
                                    




 "You look happy today," puna ko kay Zeke nang malapit na kaming matapos sa pagkain.

Sweet na ngumiti siya sa 'kin at saka hinawakan ang isa kong kamay na nasa ibabaw lamesa. He gently squeezed my hand and said, "Siyempre masaya ako kasi nandito ka. After few months of being alone, you're now here with me. And I kinda miss this, you know," aniyang nakangiti. "Ikaw, are you happy to see me?"




 Napalunok ako dahil sa tanong niyang iyon. "Of course, Zeke. Masaya akong makasama ka ulit. And I'm sure, magiging masaya rin ang family mo kung ipapaalam mo sa kanilang hindi totoong namatay ka." This time ay ako naman ang pumisil sa palad niya. "Zeke, you can't just hide here forever. Besides, your family deserves to know the truth."




 Dahan-dahang binawi ni Zeke ang kamay niya pagkatapos ay saka marahang tumayo. Mukhang nawalan na siya ng ganang kumain. Napakagat-labi ako. I know, it was my fault. Bakit ba kasi kailangang ngayon ko pa sabihin ang bagay na 'yon?




 Tumayo na rin ako at saka sinundan si Zeke na ngayon ay naglalakad papunta sa dalampasigan. Hindi pa masyadong mainit ang sinag ng araw. Nakita kong huminto siya at saka umupo sa likod ng isang mababang puno ng niyog.




 Nakita ko ang pangingilid ng luha sa magkabila niyang mga mata. Lumapit ako sa kanya at tahimik na umupo sa tabi niya. For a moment, hinayaan kong mamayani sa amin ang katahimikan. Mayamaya lang ay si Zeke ang unang bumasag sa akatahimikang iyon.




 "Nami-miss ko rin naman sila. Gusto ko silang makita at makasama ulit. Pero sa tuwing maiisip kong mawawala rin lang ako pagkatapos, doon bumabalik ang lahat ng takot ko. Natatakot akong masaktan ko ulit sila, Amber. I was already lost once. Ayoko na silang bigyan ng dahilan para malungkot ulit nang dahil sa akin."




"But Zeke... what if mali naman pala ang prognosis sa 'yo? Your family can take you to America and seek for second opinion. Mas advance ang medicine doon kaya sigurado akong gagaling ka." Bigla na namang sumikip ang dibdib ko nang maalala ko ang kondisyon niya.

 "I would still think about it, Amber. For now, I just have one wish."




 "Ano 'yon, Zeke?"




 "Please stay with me. I promise, hindi ako magiging pabigat sa 'yo."




 "Zeke, kahit kailan hindi ko inisip na magiging pabigat ka sa 'kin o kahit na kanino. You're strong guy. And I know na kaya mong alagaan ang sarili mo. Pero kung gusto mo talagang mag-stay ako, okay, I'll stay. But I still need to go back to Tacloban to attend to some things."

Secret Nights [RATED SPG / COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon